KABANATA 3

1 1 0
                                    

Kabanata 3









“Don't show your nervousness. Someone's following you. Continue walking. Don't worry, I won't hurt you. He's still at our back.”  narinig kong kaswal na sabi ng isang lalaki. Huh? Napalingon agad ako sa kanya na ngayon ay katabi ko na at kasabay na maglakad.





Nakasuot siya ng puting T-shirt at black na pants. Madilim pero kahit na gano'n, hindi pa rin nahadlangan no'n na makita ko ang mukha niya. Nakatagilid siya kaya kitang kita ko ang katangusan ng kanyang nose. Nanatili lang siyang nakatingin sa harap habang sinasabayan akong maglakad.





Nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya ay lumingon siya sa'kin dahilan para makita ko nang harapan ang mukha niya. Parang pamilyar siya. Saan ko kaya siya nakita?





“I never thought that Glen would let her employees to go out very late. It's almost 12. And it's not safe for girls like you to walk alone during this time.” seryosong sabi nito at ibinalik ang tingin sa daan. Englisherist naman pala. Teka, hindi ako ready. Teka ulit. Kilala niya si Ma'am Glen?





Gusto ko sana siyang sagutin pero hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Dapat ba akong magsalita? Teka, ano ba ang dapat kong sabihin? Madaldal akong tao, pero ewan ko kung bakit wala akong masabi pagdating sa mga ganitong sitwasyon.





“He's gone. Mauuna na rin ako. Next time, don't walk here alone. I already encountered that guy before. Stalking is his thing.” sabi nito at tuluyan nang tumalikod at lumakad pabalik. Gusto ko man magpasalamat pero wala nang tinig na lumabas sa aking bibig.













Ilang gabi ko na ring iniisip 'yong lalaking 'yon. Ilang beses ko siyang inabangan sa kalye. Nagpaikot-ikot na rin ako sa may Mabini St. kung saan siya lumiko pero hindi ko na siya muling nakita pa. Nanghihinayang tuloy ako kasi hindi ako nakapagpasalamat sa kanya. Feeling ko tuloy ang rude ko, nux! Char!





Kada taong mapapadpad sa resto, tinitignan ko agad kung siya na ba 'yon. Pero hindi, e. Wala talaga.








Hanggang sa isang araw, nautusan ako na magtapon ng basura sa likod. Pagkalabas ko ng pinto natanaw ko agad ang puno na ilang metro ang layo sa akin. Naalala ko bigla 'yong lalaking nakita kong nakasandal noong huli akong magtapon noong nakaraan. Teka, wait. Siya rin ata 'yong lalaking tumulong sa'kin! Oo nga 'no? Kaya pala pamilyar siya sa'kin kasi siya 'yon.





Siya talaga 'yon! Oo, siya talaga 'yoooon! Sana talaga someday mapasalamatan ko siya.





Simula din no'n, pinag-aralan ko na kung pa'no ipagtanggol ang sarili ko para naman hindi na ako tatanga-tanga sa susunod na magkita kami, char! Kapag naglalakad ako, 'yong bag ko sa harapan na ng dibdib ko na nilalagay. Oo siz, may dibdib ako! Lagi na rin akong may baong pang spray na may dinikdik na sili na nakababad sa tubig para sa susunod na may mangyari sa akin.













Mabilis lumipas ang mga araw. Pasukan na naman. 3rd year college na ako at Business Management ang kurso ko. Nakuha ko na ang schedule ko. 8AM to 4PM ang klase ko. Bale ang pasok ko sa resto ay mula 5PM to 11PM. Sanayan na lang. Ganito naman talaga ang sched ko dati pa. Kiber lang, beh.






1st day of school ngayon at excited ako. 8 AM pa ang unang subject namin na Economics III pero 7AM pa lang ay nasa school na ako. Nakita ko agad ang mga tropa ko na sa kabutihang palad ay blockmates ko pa rin. Sa pinakalikod kami umupo. Favorite place, e. Busy ako kakachika sa mga friends ko. Tatlo lang naman kami magtotropa dito sa room. May mga iba naman kaming classmates dati na classmate pa rin namin ngayon. Pero wala, solid kaming tatlo, e.





Si Klea at Louis ang mga bessy ko since high school. Saksi sila sa mga hirap na pinagdaanan ko. Pero despite of that, hindi nila ako iniwan. Naiiyak tuloy ako, char!





Kinwento ko rin sa kanila lahat ng eme na nangyari sa akin no'ng bakasyon, lalo na 'yong kay kuyang-gwapong-mysterious-saviour-na-i-want-to-know. Inaasar naman ako ng mga loka na baka daw maging poreber ko 'yon. Ayaw ko nga 'no! Pero kung mapilit siya, baka pwede naman pagbigyan. Char lang!





Napatigil kami sa pagsasalita nang biglang may pumasok sa pinto. May dala itong dalawang libro at ipinatong niya sa mesa sa harap. Ito na ata 'yong prof namin sa Economics III.





Pero hindi ko kinaya nang humarap ito sa klase. Nanlaki bigla ang mga mata ko nang makilala ko siya. Ang mukha niya, hinding hindi ko malilimutan.





Siya 'yon.





Si kuyang-gwapong-mysterious-saviour-na-i-want-to-know!





Ang lalaking nakita ko sa likod ng resto at ang lalaking tumulong sa'kin. Shems!





“Good morning! I'm Mr. Nicodemus Abdul C. Frias, your Economics III professor. I prefer to be called Sir Abdul.” pormal na pakilala nito habang iginagala ang mata sa buong klase. Nagtama ang aming paningin kaya agad akong umiwas ng tingin. Shems!











---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

<3

Love in ErmitaWhere stories live. Discover now