Kabanata 29 (3RD PERSON'S POV)
Alas diyes pa lamang ng umaga ngunit mas mainit pa sa tanghaling tapat ang ulo ni Mr. Willard M. Frias na isang Chief Executive Officer ng isang Real Estate company dito sa Makati. Marami itong inaasikasong papeles at marami ring inaayos na aberya.
Napabuntong-hininga siya dahil sa pinaghalong inis at stress. Kung kailan kasi na magre-retire na siya ay tsaka pa siya nagkaroon ng mga ganitong problema.
Ilang sandali pa ay may kumatok sa pintuan ng kaniyang opisina. Nagsalita naman siya na pumasok ito. Tumambad sa kaniyang harapan ang kaniyang sekretarya.
“Good morning, Sir! May appointment po kayo kay Mrs. Lucilla Aragon ngayong 10AM. Nandiyan na po siya sa labas.” magiliw na sabi ng kaniyang sekretarya dahilan para mapakunot ang noo niya. Hindi niya kilala kung sino 'yong babaeng tinutukoy ng sekretarya ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla siyang nakaramdam ng kaba nang marinig ang pangalan nito.
“Lucilla Aragon? Who is she?” takang tanong niya sa sekretarya.
“She's the wife of Mr. Edilberto Aragon of BBB Corp.” magalang na sagot ng dalagang sekretarya.
“Let her in.” sagot na lang ni Willard at ipinagpatuloy na ang pagbabasa ng mga papeles. Nang maramdaman niyang bumukas na ang pinto ng opisina at pumasok na ang bisita ay agad niya itong tinapunan ng tingin. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig nang makilala ang babae. Nanlaki ang mata niya sa gulat.
Si Conception.
Ang dati niyang asawa.
“Kamusta ka na, Willard?” seryosong tanong ni Conception ngunit ang nga mata nito'y nangungusap. Sa loob ng dalawampu't siyam na taong hindi niya nakita ang dating maybahay, malaki na ang pinagbago ng hitsura nito. Ngunit ang nining ng mga mata nitong animo'y palaging nangungusap ay hindi pa rin nag-iiba.
“Conception?!” gulat na tanong niya dahil talagang hindi pa rin siya makapaniwalang makikita muli ang dating asawa matapos nito silang abandunahin dalawampu't siyam na taon na ang nakalilipas. Tinitigan niya ulit nang mabuti ang babae para masigurong hindi talaga siya nananaginip.
Sa muling pagtatama ng kanilang mga mata, bumalik sa kanilang mga gunita ang nakalipas na ala-ala ng kanilang nakaraan.
Mayo 1984
Imus, Cavite
“Mag-iingat kayo do'n, anak ah? Mahal na mahal ko kayo. Sumulat kayo pagdating niyo ah?” naiiyak na paalam ni Inang Corazon sa dalawang anak na dalagang sina Josefa at Conception. Kasalukuyan silang nasa daungan ng barko dito sa Batanes. Aalis ngayon ang magkapatid kasama ang tiyahin nilang si Tiya Ising upang bumyahe pa-Cavite upang mamasukan do'n bilang katulong.
“Opo, inay. Susulat po kami.” sagot ni Josefa. Umiiyak na nagpaalam ang magkapatid sa ina at sumampa na sa barko. Kinawayan nila ito sa huling pagkakataon.
Si Josefa at Conception Catalan ay anak ng mag-asawang Rolando at Corazon Catalan na kapwa magsasaka sa Batanes. Dalawa lamang sa anim na anak nila ang babae. Pangatlo si Josefa sa anim na magkakapatid at ang dalawa nilang kuya ay may asawa na. Dalawampu't anim na taong gulang na ito. Bagamat nakakaakit ang taglay nitong ganda, hindi ito napapansin dahil mas nangingibabaw ang taglay na kasungitan at pagka-istrikta ng dalaga.
YOU ARE READING
Love in Ermita
Genel Kurgu"Ano ba tayo ngayon? O sa susunod na mga taon?" Ang mga katanungang paulit-ulit na gumugulo sa utak ni Resianne C. Asenar na sobrang pretty simula no'ng dumating sa buhay niya ang paasang-maharot-na-sweet-at-caring-at-pa-fall-pero-sobrang-gwapo n...
