"Boss mo nga! Raze Adler Montereal!"
Juskoo!! Ngayong alam niya na kung saan ako nakatira baka mas lalo lang akong maloka. For sure, guguluhin niya na ako araw-araw.
Dali-dali akong lumabas ng kwarto baka sila Mama at Papa pa ang pagbuntungan niya ng galit dahil ang tagal tagal kong bumaba.
Kalabas ko ng kwarto, nakita ko sila ni Mama naguusap. Hala! Ano naman kayang sinabi ni Mama dito kay Sir Raze? Habang papalapit ako sakanila tinignan na ako kaagad ni Sir. Yung tingin na nagsasabing lagot ka saakin mamaya. Katakot!
"Ahh. Ehh. Hi Sir! Ano pong ginagawa niyo dito? Paano niyo po nalaman na dito po ako nakatira?" Sunod sunod na tanong ko.
For sure sisigawan na ako niyan. Tumingin muna siya kay Mama tapos kay Papa tapos saakin.
"Kunin mo muna yung mga documents na kinuha mo sa office tapis sumama ka saakin." Wow! Bago ito ahh.
Hindi niya ako sinigawan. Takot lang niya kay Papa.
"Saan po tayo pupunta?" Halata kong inis na siya pero syempre hindi niya akong kayang sigawan sa harap ng magulang ko. In short, may kinakatakutan din pala itong si Sir Raze.
"Fix yourself." Sambit niya.
Pinakatitigan ko anamn ang sarili ko.
"May sira po ba sa katawan ko? Sira po ba ang sarili ko?" Napahilamos tuloy siya gamit ang kamay niya.
"Naku iho, pagpasensiyahan mo na ang anak namin ahh." Pange-epal ni Mama sa boss ko.
"Magbihis ka na daw, Ate!" Napalingon anman ako sa kapatid ko.
"Wow! Gets mo?" Tumango-tango pa ito.
"Di naman tayo magkautak ehh."
Oo nga pala. Ako pala yung matalino.
"Di tayo magkautak. Ako matalino, ikaw sakto lang." Umiling-iling naman siya. Hindi ba yun ang ibig sabihin niya?
"Di tayo magkautak. Ikaw matalino pero tanga naman. Ako gwapo hindi masyado matalino pero hindi naman katulad mo na tanga." Ouch!
"Ang over!"
Bumalik na ulit ako sa kwarto para magbihis at kunin ang mga documents dito. Ganong paraan pala ang sinasabi niya saakin kanina. Bakit hindi niya naman ako ininform? Ano yun? Para surprise?
Kalabas ko ng kwarto, wala na si Sir sa sala. Hala! Iniwan niya yata ako.
"Umalis na po si Sir?" Lumapit naman saakin si Mama.
"Nasa labas hinihintay ka." Ngiti-ngiti pa si Mama.
"Ma, Pa. Alis lang po kami ah." Inayos pa ni Mama ang buhok ko.
"Galingan mo anak ah." Bakit naman?
Sasayaw ba ako? Kakanta? Ano bang gagawin ko?
"Huh? Ano po?" Inayos niya naman ngayon ang damit ko.
"Ayusin mo itsura mo. Magpakitang gilas ka sa boss mo. Malay natin at maging kayo balang araw pagkatapos yayaman ka na non." Kaya pala todo ngiti si Mama.
"Luh! Hindi po ako pumapatol sa boss. Bawal po yun Ma." Ngumiti lang ulit saakin si Mama.
Lumabas na ako ng bahay. Nakita ko si Sir Raze sa labas. Nakasandal sa kotse niya at nakakrus ang braso. Taray! Nag shades pa talaga. Lumapit na ako sa kaniya.
Syempre nakasilip na yung kapitbahay naming mga chismoso't chismosa. Ano pa bang aasahan niyo? Eh nagmana kaya saakin yung mga yan.
"Ayoko sa lahat yung pinaghihintay ako." Sabi na eh. Galit nga siya.
BINABASA MO ANG
Never Thought I Could Love You (Montereal Series #1)
HumorLiana Kyrie Buenaventura will work as a secretary in Montereal Company where she first met the cranky and cold-hearted man, Raze Adler Montereal.