CHAPTER 41

169 11 0
                                    

Sobrang kalat ng buong paligid na para bang binagyo ito. Napakaraming nabasag na gamit dito sa loob. Agad hinanap ng paningin ko si Sir Raze. Nakita ko siya kaagad sa sulok at nakaupo sa sahig habang nagdudugo ang kamao nito.

May dugo din ang pader, posibleng sinuntok niya ito kaya ganon. Sanay na akong nakikita siyang magulo palagi ang bagsak niyang buhok pero mas lalong gumulo ang buhok niya ngayon.

Kitang kita ko sa mata niya kung gaano kabigat ang problemang dinadala niya. Hindi niya yata ako napansin na nandito ako sa harap niya. Wala yata siya sa sarili niya.

Naglakas loob ako para lapitan siya. Nagulat naman siya saakin.

"What are you doing here?" Tanong niya saakin.

Umupo ako sa harap niya at hahawakan na sana ang kamay niya kaya lang hindi niya iyon pinahawak saakin.

"Get out of my office!" Napatayo naman ako ng mabilis sa sigaw niya.

Lumayo ako sa kaniya ng kaunti. Muli kong tinignan ang buong paligid. Sobrang kalat talaga dito. Ano naman kaya ang napagusapan nila kanina?

Pinulot ko na lang ang nabasag na baso, vase at kung ano anong kalat dito sa sahig. Tanging ang paghinga lang ni Sir Raze ang naririnig ko. Nakatingin lang siya sa kawalan at parang anytime ay mawawala na siya sa sarili niya.

"I SAID GET OUT!" Nagulat naman ako sa sigaw niya kaya nasugat tuloy ako sa kamay dahil nga may hawak akong kapiraso nung baso na nabasag. Dahil sa gulat ay napalihis dito ang kamay ko. Ayan tuloy at nagdugo.

Hindi ko na lang ito pinansin at pinagpatuloy ang pamumulot ng basura. Nilinis ko ang buong office niya. Siya naman ay nakatulala pa din. Nang matapos makapaglinis, nilapitan ko siyang muli dala dala ang first aid kit.

"Sir, gagamutin ko lang po ito." Pagpapaalam ko.

Hinanda ko na ang sarili ko dahil baka mamaya sigawan niya na naman ako pero isang minuto na ang lumipas hindi siya sumigaw. Inilahad niya ang kamay niya saakin.

Wala sa sariling napangiti ako. Magpapagamot din naman pala ang arte arte pa. May pa get out get out pa siyang nalalaman tsaka pasigaw-sigaw. Kaloka itong si Sir Raze!

Habang ginagamot ko ang kamay niya nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin siya saakin. Di ko nga lang sure kung ako ba talaga ang tinitignan niya. Remember dakilang assuming ako, kaya naman baka naga-assume na naman ako.

Mabilis ko lang natapos ang paggagamot sa kamay niya. Binalik ko na ulit kung saan ko kinuha ang first aid kit at muling bumalik sa tabi ni Sir Raze.

"I want to breathe." Napatingin naman ako kay Sir Raze nang marinig ko ang pagbulong niya.

"Come with me." Tumayo si Sir Raze at ganon din ako. Sabay kaming lumabas ng office.

Nagbubulungan naman ang ibang empleyado, isa na doon sila Marphy at Rhea. Feeling ko nga hindi na yun bulong eh. Dinig na dinig ng dalawang tenga ko eh.

Namalayan ko na lang ang sarili ko dito sa rooftop ng kompaniya. Taray ng view ah! Sumalubong naman saakin ang malakas na hangin. Para nga akong tatangayin eh.

Umupo si Sir Raze kaya umupo na din ako. Gaya gaya kasi ako eh. Sobrang lalim ng naging paghinga ni Sir Raze ng makaupo na kami.

"My life is so fucking miserable. She messed up everything. I am tired enough. I really don't know what to do. Hindi niya ba alam na nasasaktan ako?" Nagsasasabi na ngayon si Sir Raze.

Never Thought I Could Love You (Montereal Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon