CHAPTER 54

150 9 0
                                    

"Oh bilisan mo namang mag-ayos diyan!" Reklamo ni Bruhang Marphy saakin.

Palagi akong minamadali nito eh. Akala mo naman eh may lakad siya. Kung makapagmadali sa ginagawa ko ehh.

May party ngayon ehh. Celebration for Christmas daw. Ang dami kasing pakulo ni Chairman. Maaga yung party namin dito sa company kasi nga mamaya na ang noche buena.

Ang gusto ni Chairman ay i-celebrate ang Christmas ng magkakasama dito sa  company. After ng party dito eh pinapauwi niya na kami kaagad para makasama daw namin family namin. Oh diba? Ang bait bait ni Chairman saamin.

"Babe! What are you doing here?" At ito na nga. Dumating na nga ang pinakagwapong nilalang sa paningin ko.

Tignan mo nga naman, nagtataka pa siya kung anong ginagawa ko dito.

"Malamang dito ako nagtatrabaho, kaya ako nandito. Ano pa ba sa tingin mo?" Pagsusungit ko sakaniya.

Sinamaan niya naman ako ng tingin at lumapit saakin.

"Sungit mo. Tch."

Wow! Ngayon nga lang ako naging masungit sakaniya ehh. Siya nga araw araw siyang masungit ehh. Pero hindi niya ako nagagawang sungitan.

"Parang ikaw, hindi ahh?" Kinuha niya ang hawak kong tela na ilalagay sa table.

"Hindi naman talaga." Siya na ang kusang nagayos ng mga gagawin ko dito.

Sa loob ng ilang buwan naming pagsasama, naging masaya naman ako. Yun nga lang kahit na ganoon syempre hindi mawawala yung mother dear niya na hadlang sa relasyon naming dalawa.

Pero sabi nga ni Raze, wag na lang daw namin pansinin ang mga sinasabi niya. Natatakot pa din ako sa maaring gawin ni Ma'am Adalie. Laging pumapasok sa isip ko ang sinabi niya saakin nung nasa bahay namin siya.

"You need to end your relationship or else...............I'll ruin your life!"

May pa-ganon siya siz! Syempre grabe yung takot ko sa mga sinabi niya. Baka mamaya kasi idamay niya ang pamilya ko.

"Merry Christmas everyone!" Nawala lahat ng iniisip ko ng marinig ang boses ni Chairman.

Masyado naman siyang excited sa pasko. Nagsimula na kaming kumain. Nagpaluto si Chairman ng mga pagkain. Hindi naman ganon karami, sakto lang saaming mga empleyado sa kompaniya.

"Later, pupunta kami nila Lolo sa bahay ninyo." Napakunot naman ang noo ko kay Raze.

Ano namang gagawin nila sa bahay namin?  So, hindi ba nila isasama yung mother dear niya? Sana wag. Ayoko siyang makasama at makita ulit.

"We'll celebrate Christmas with you and your family. Don't worry Adalie is not around. Maybe she's out of the country." Kung magsalita siya eh parang hindi niya Nanay. Wala talagang galang itong si Raze.

Yung paparty ni Chairman dito sa Company ay naging maayos naman. Walang nanguaring masama. Naging masaya ang lahat hanggang sa time na para magpaalam sa isa't isa.

"Hoy bruha! Wag mo akong kakalimutan ahh. Yung pasalubong mo!" Tinawag ko si Rhea.

Bukas kasi ang alis niya papunta sa province nila. Ilang araw siyang hindi papasok sa trabaho para makasama niya yung pamilya niya doon. Gusto niya daw kasi na makasama yung family niya sa pagc-celebrate ng pasko at new year. Ewan ko lang kung makasama niya family niya ngayong pasko.

Dapat kasi nung isang araw pa yan umalis dito ehh, ewan ko ba sakaniya. Ang arte! On the way na kami ngayon sa bahay. Kasama ko na kaagad si Raze, syempre siya yung magdadrive pauwi. Hindi naman ako marunong.

Never Thought I Could Love You (Montereal Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon