CHAPTER 33

177 11 0
                                    

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Nakakita ako ng isang babae. Parang pamilyar siya saakin. Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita. Pero namumukhaan ko siya hindi ko lang talaga matandaan kung anong pangalan niya.

May kasama siyang isang lalaki na pamilyar din saakin pero gaya nung babae kanina, hindi ko din matandaan ang pangalan niya.

"Mabuti naman at gising ka na anak." Oo nga pala!

Si Mama at si Papa nga pala ang  nakikita ko. Akala ko kasi nagka-amnesia ako.

"Ano pong nangyari?" Tanong ko.

Ang naalala ko lang ay yung nagsuntukan sila Luke at Sir Raze. Katapos non wala na akong maalala.

"Nahimatay ka kanina, anak." Sagot ni Mama.

Napansin kong nakapagpalit na pala ako ng damit. Baka binihisan na ako ni Mama kanina.

"Nilalagnat ka. Nabasa ka daw kasi ng ulan. Buti na lang talaga at lagnat lang."

Nasaan na kaya yung dalawang yun? Nagaaway pa din kaya sila? O baka naman umuwi na yung mga yun.

"Ma, Si Luke po? Tsaka po si Sir R- I mean yung b-boyfriend ko po."

Hindi talaga ako sanay na tawagin siyang boyfriend. Kainis! Bakit pa kasi ako yung naging fake girlfriend niya?

"Nasa labas sila."

Ano?! Hindi pa din sila umuuwi? Oras na ah! Hating gabi na! Ano pang hinihintay nila?!

Tumayo na ako pero pinigilan ako ni Mama at Papa.

"Hindi ka pa magaling. Kailangan mo pang magpahinga. Dito ka na muna." Pagpipigil saakin ni Papa.

"Pupuntahan ko lang po yung dalawa." Hindi na ako inawat ni Papa. Kaya nakalabas na ako sa kwarto ko.

"Nakita mo yung dalawa, Leo?"

Aba! Gising pa din ang lalaking ito ah.

"Oo doon sa labas." Tinuro niya pa ang labas ng bahay.

Hindi ko na siya inistorbo sa pagkain niya. Hating gabi siya kumakain? Ganon ba talaga siya ka-busy ngayon para gabing gabi na kumain?

Tama nga si Leo. Nasa labas nga yung dalawa.

"Bakit ka nananahimik diyan? Kasi kasalanan mo?"

Hindi pa din pala sila tapos magbangayan.

"Kung hindi mo ako pinatulan, hindi mangyayari yun sakaniya."

Isa pa itong si Luke. Masyado siyang palaban. Ayaw niyang nagpapatalo dito sa boss ko. Kapag ako talaga natanggal sa trabaho, humanda si Luke saakin. Naku! Boss ko ang kinakalaban niya!

"Kung hindi mo ako sinuntok, hindi kita papatulan."

Ano naman kaya ang pwede kong gawin para magkasundo sila?

"Ehem!"

Umepal na ako sa pagaaway nilang dalawa, baka mamaya maabot na naman yan sa suntukan. Mahirap na!

Agad naman silang napatingin saakin.

"Liana, okay ka lang?" Tanong ni Luke saakin at hinawakan pa ang braso ko.

Bigla namang umentrada itong si Sir Raze at tinulak palayo si Luke. Ang sama talaga nito!

"Tch. Liana, are you okay?" Nasa harapan ko ngayon si Sir Raze.

"Gaya-gaya." Sambit naman ni Luke at tinignan niya ng masama si Sir Raze.

"What do you want me to say then?" Tanong ni Sir Raze dito kay Luke.

Never Thought I Could Love You (Montereal Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon