CHAPTER 2

619 26 14
                                    

Hindi ako mapalagay dahil sa nakikita ko sa labas. Parang kinakailangan yata nila ang taglay kong kagandahan sa labas. Mukhang nangangailangan sila ng tulong ngunit hindi ako isinilang ng may kapangyarihan.

Tangging ganda lang ang panlaban ko. Keri ko kaya yun? Tignan natin.

"Psst. Tara sa labas. Maki-chika tayo."

Kinalabit ko si Luke. Umilung naman ito na siyang kinadismaya ko.

"Ayoko. Hindi ako chismoso."

"Wehh?"

"Joke lang! Mana kaya ako sayo."

Ang arte arte pa eh sasama din pala saakin. Akala ko magisa lang talaga akong makikichismis eh.

"Luh! Hindi kita anak para manahin mo ang talent ko."

Eh diba nga yung mana-mana na yan para lamang sa magpapamikya o magkakamag-anak. Hindi naman kami magkamukha. Hindi din kami magkadugo. At higit sa lahat maganda ako.

"Ngayon ko lang nalaman na talent pala ang pagiging chismoso o chismosa."

Ang dami niya pang sinabi. Masyado siyang nagsasayang ng oras. Ang daming knows! Hinila ko na siya palabas ng kwarto. Baka mamaya hindi na namin maabutan ang mga pangyayaru sa labas sa kaka-daldal niya.

May nakita kaming isang lalaki na nasa bintana ng isang kwarto. Sa sobrang laki ng bintana niya doon pwedeng-pwede na siyang magpakamatay at dahil nga malaki yung binatana niya at sliding window pa, nagtatangka nga siyang mag-suicide. Lahat ng tao pinipigilan siyang tumalon.

Naku! Di niya yata alam ang katagang 'SUICIDE IS NOT THE BEST ANSWER!' Totoo yun no! Hindi pwedeng magpakamatay ka dahil lang depress ka o stress ka. Hindi mo pwedeng gawin niya. That's a big NO! Lahat ng problema may solusyon no. Hindi yan madadaan sa suicide.

Pag nagsuicide ka ba, magiging payapa buhay mo? Hindi kaya. Hindi pa din. Syempre mumultuhin at mumultuhin ka ng problema mo. Hanggang sa hukay dadalhin mo yang problema mo since nagpakamatay ka. Kaya ano, magsui-suicide ka pa?

Taray! Parang pang commercial yun no?

"HOY! Kung nagbabalak kang magpakamatay, wag na lang! Sa sobrang baba niyan, galos at sugat lang ang makukuha mo! Your just wasting your time dude!"

Napansin kong napakababa lang naman ng tinatalon niya. Nakakainis lang makakita ng ganiyan. Kung gusto mong magpakamatay edi wag ka ng magpadalos-dalos pa. Patayin mo na kaagad sarili mo. Gagastos lang siya kapag tumalon siya diyan. Syempre, kapag nasugatan at nagalusan siya sa kakatalon niya diyan edi dadalhin siya sa ospital. Kailangan niyang magpagamot. Edi gastos!

Pero syempre kahit saang anggulo mo tignan. Mali pa din naman ang magpakamatay. Kaya mga bata tandaan, 'SUICIDE IS NIT THE BEST ANSWER!' Understand?

"Ano ka ba Liana! Delikado pa din yan!"

Masyado namang natatakot itong bestfriend ko kay kuya na nagtatangkang magpakamatay.

"Anong delikado diyan? Nasa second floor lang siya dahil hanggang dalawang palapag lang ang bahay nila. Hindi naman ganon kataas ang bahay nila. Nagpapatawa ba siya?"

Para lang kaming nanunuod ng pleikula na comedy ang genre. Naisip niya pa talagang magpakamatay diyan.

"Baka wala na siyang choice." Nagkibit balikat naman itong si Luke.

Siguro nga. Pero dapat nagisip pa siya ng ibang paraan.

"Kuya! Kung gusto mong mamatay, go na! Hindi kita pipigilan kung anong nagpapasaya sayo, support kita!"

Never Thought I Could Love You (Montereal Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon