Dahil sa kakasigaw ko ng malakas, lumabas si Sir ng mansion at agad niyang pinasok sa loob ang kapatid niya. Nagpatawag din siya kaagad ng doktor para ipatignan si Rhys.
"Ano ba kasing naisipan mo at inaya mong maglaro? Ayan tuloy sa kakatakbo muntikan na siyang mapahamak!"
As usual galit na naman saakin si Sir. Hindi naman kasi ako ang may kasalanan eh.
"Eh malay ko bang may taglay na pagkalampa yang kapatid mo."
Hindi ko naman alam na sa kakatakbo niya ay pwede siyang mapahamak.
Hindi din ako na-inform na parehas pala silang sensitive. Kung sabagay, magkapatod nga pala sila.
"Nakikinig ka ba saakin? Gusto mo bang sisantihin kita?"
"Ano ba kasing naisipan mo at inaya mong maglaro? Ayan tuloy sa kakatakbo muntikan na siyang mapahamak! Oh diba! Kabisado! Itong si Sir eh balak pa akong tanggalin. Nakikinig naman ako."
"Stop joking around."
Hindi naman ako nagbibiro ahh.
Nalaman ko na meron palang asthma itong si Rhys. Kasalanan niya din naman kasi. Hindi niya ako sinabihan kaagad. Di ko naman knows no. Malay ko bang may sakit siya.
Ito namang Kuya niya ako pa yung pinapagalitan. Mabuti nga at sumigaw-sigaw pa ako kasi kung hindi malamang baka hindi niya na maabutang buhay yung kapatid niya.
Dapat nga eh magpasalamat siya saakin dahil sa kakasigaw ko eh nakita niya kaagad kung anong nangyari sa kapatid niya.
Ito talagang si Sir, palaging galit saakin.
"Baka gusto mo ng lumabas muna ng kwarto niya dahil nagpapahinga siya."
Syempre lumabas na ako. Baka mas lalo pa siyang magalit saakin.
Okay lang kaya yung batang yun?
Kahit naman na ganito ang ugali ko, inaalala ko pa din ang kalagayan niya.Syempre kapag nag-alala ako sakaniya baka may dagdag sweldo saakin si Sir Raze.
Baka lang naman diba? Hindi naman masamang umasa eh.Pero sa totoo lang naaawa ako doon sa kapatid ni Sir Rhys.
Paano may sakit siya tapos wala pa sa tabi niya yung magulang niya.Kapag kami kasi ng kapatid ko nagkakasakit, palaging nandiyan sa tabi namin.
Hindi kami iniiwan hanggat hindi kami gumagaling.
Ganon nila kami kamahal kahit na patapo ang ugali ko.Oh diba! Inaamin ko kung gaano kapangit ang ugali ko. Syempre ayoko namang maging plastik ako sainyo.
Sabihin ko ang bait-bait ko kahit hindi naman.
Gusto kong malaman niyo na kaagad."Oh? Magtitino ka na niyan? Sa susunod kasi ayus-ayusin mo!"
Ako pa talaga ang hindi maayos dito? Grabe naman si Sir ahh. Hindi niya ba nakikita na nagaalala na nga ako dito sa kapatid niya.
"Oh bakit hindi ka nagsasalita diyan? Nanahimik ka kasi may kasalanan ka?"
Kahit anong gawin ko pinapakialaman pa din ako ni Sir. Nanahimik na nga ako eh.
"Nagkakamali po kayo."
"Then, what?"
"Nanahimik po ako kasi alam ko pong rinding-rindi kayo sa boses ko. Ramdam ko po yun. Ngayon naman pong nanahimik na ako, gusto niyo pong magsalita ako? Ang gulo niyo po Sir! Bakit hindi niyo na lang ako patayin?"
Ang gulo niya! Kapag nagsasalita ako at kung ano anong ginagawa ko, binabawal niya ako at naiinis siya. Ngayon namang nanahimik na ako at walang ginagawa bigla niyang sasabihin na magsalita daw ako.
Gulo no?"Gusto nga sana kitang patayin kaso inaalala ko baka makulong naman ako. Sayang itong kagwapuhan ko kung sa kulungan lang ang bagsak ko. At anong sasabihin ng ibang tao? Na kriminal ako? Ayoko namang masira ang image ko."
Ang dami pang sinabi eh.
"Sir, bukod sa masungit, seryoso at sensitive po kayo. May kahanginan din po pala kayong taglay. Ano po ulit sabi ninyo? Sayang ang kagwapuhan ninyo? Naku!"
Sinamaan niya na naman ako ng tingin. Malamang sa isip-isip niyan pinapatay niya na ako. Ganon siya kasama. Pareho lang naman kami.
"Ako mahangin? I'm just telling the truth, Liana. Hindi ba ako gwapo sa paningin mo?"
"Gwapo naman po kayo yun nga lang ang pangit-pangit ng ugali niyo."
Syempre nakatanggap na naman ako ng matatalim na tingin galing kay Sir.
"Kung ikukumpara ko sayo ang ugali ko, malamang mas mabait ako sayo."
Aba! Pinagkumpara pa talaga niya ang ugali ko sa ugali niya. Hindi naman yata tama yun.
"Sir, kung ikukumpara ko po ang katalinuhan ko sayo, malamang mas matalino ako kaysa sainyo. Hindi man ako mabait bumawi naman ako sa katalinuhan."
Sabay flip hair kasi nga maganda ako.
"Matalino ka nga pangit naman ugali mo."
Matalino naman.
"Parang kayo lang po Sir, Gwapo nga pangit naman ugali. Magkakasundo talaga tayong dalawa no, Sir? Bagay na bagay tayong dalawa."
"Magtigil ka nga sa mga pinagsasabi mo. Baka nakakalimutan mong may kasalanan ka pa saakin."
Sayang! Akala ko nakalimutan na niya.
"Sir, baka din po nakakalimutan niyo na maganda po ako kaya dapat wala akong kasalanan dito. Hindi ko naman po kasi alam na may sakit yang si Rhys. Hindi naman po kasi ako doktor para tignan kung may sakit ba siya o wala. Nakikipaglaro lang naman po ako sa bata dahil nag-aaya siyang makipaglaro. Kayo po kasi sana ang inaaya niya kaso po tinanggihan ninyo. Ano po kayong klaseng Kuya?"
Eh totoo naman kasi. Kung sanang si Sir ang nakipaglaro doon sa bata edi sana hindi aabot sa ganiyan. Hindi sana siya hihikain. Syempre alam niya na may sakit itong kapatid niya malamang hindi niya aayain maglaro ng habu-habulan.
"Edi kung ganon din naman, bawasan na lang natin kaya ang sweldo mo? O kaya pwede din namang, tanggalin na lang kita bilang secretary ko. You choose."
"Syempre po wala akong pipiliin. Hindi nga po ako matatanggal at may swledo naman po akong matatanggap eh hindi naman po kumpleto. Matatanggal nga po ako sa trabaho, kawawa naman ang pamilya ko. No choice."
Akala niya siguro may pagpipilian ako doon. Wala naman pinagkaiba yun eh. Bakit hindi niya na lang ako patayin diba?
"Lagot ka kay Grandpa kapag nalaman niya ito."
Dinudukot niya naman ang phone niya sa bulsa niya.
Hala! Magsusumbong yata siya.
Syempre agad akong lumapit sa kaniya at pinigilan siya.
"Sir naman, maawa naman po kayo saakin oh."
"Tch. Kung sanang inayos mo yung ugali mo kanina pa, edi hindi kita isusumbong."
"Bakit sira po ba ang ugali ko"
"Liana? Raze? Anong pinagaawayan niyo? Bakit nasa labas ang kotse ni Dra. Jimenez? May nangyari ba kay Rhys?"
____________________________________________So, if you've enjoyed reading this chapter, share your thoughts on twitter using the hashtag #NTICLY
BINABASA MO ANG
Never Thought I Could Love You (Montereal Series #1)
HumorLiana Kyrie Buenaventura will work as a secretary in Montereal Company where she first met the cranky and cold-hearted man, Raze Adler Montereal.