Sir Raze, Chairman. Yung kapatid ko po. Kailangan ako."
Nagtinginan naman silqng dalawa ni Chairman.
"What do you want me to do then?"
Pinairal niya na naman ang pagsusungit niya.
"Pwede po bang puntahan ko muna siya?"
Umiling siya. Sabi na eh. Hindi siya papayag.
"Dadagdagan ko ang sweldo mo dahil nga maglilinis ka dito at papalitan mo muna ang maid namin for a while. Pero wala akong sinabing pwede ka ng umalis kaagad! Hindi pa tapos ang trabaho mo dito. Maglilinis ka pa ng garden. Maglilinis ka pa ng mga guest rooms."
"No Raze. Ako ang mas matanda dito. Kaya ako ang masusunod. Liana, puntahan mo na ang kapatid mo. Raze, samahan mo siya."
"Thank you po Chairman."
"What Grandpa?!" Sigaw ni Sir.
"No moer buts just go with her. Ipagdrive mo si Liana para kaagad niyang mapuntahan ang kapatid niya."
Wala namang magawa si Sir Raze dahil Lolo niya na mismo ang nagsabi.
Lumabas na kami ng mansion. Ito namang si Sir padabog na lumabas ng mansion. Halatang ayaw na ayaw akong samahan ehh. Sumakay na siya ng kotse. Alam ko namang hindi siya gentleman kaya ako na nagbukas ng pintuan para saakin.
"Tch. Ginawa pa akong driver." Reklamo niya.
"Sige po Sir, bababa na lang po ako."
Kaysa naman sa pinqpakita niyang inis na inis siya, edi bababa na lang ako.
"Tapos ano? Ako na naman ang papagalitan? No way!"
Tignan mo! Ayaw niya daw.
"Ganito po Sir. Ipapalabas po natin na sinamahan niyo nga po ako. Kayo na po bahala. Bababa na ako."
"Okay Then. Hindi ka ba magsusumbong?" Tanong niya.
"Hindi po Sir. Trust me. Sige na po."
Buti na lang at nakahinto pa ang sasakyan. Bumaba na ako at mabilis na mabilis na tumakbo. Kailangan ko talagang puntahan ang kapatid ko. Kahit na ganiyan ang ugali non, mahal ko yun. Kapatid ko eh.
Mahirap na baka ano pang mangyari sakaniya. Kailangan ko siyang tulungan.
Dahil nga isa akong tanga, syempre hindi pwedeng hindi ako madapa sa kakatakbo ko. Sakto naman na may humarang saaking kotse. Edi double kill! Buti na lang at huminto yun sa harapan ko at hindi niya naisipang sagasaan ako.
"Sakay!" Nang makatayo ay nakita ko si Sir Raze. Sakaniya pala yung kotse na nasa harapan ko.
"Bakit po Sir?" Tanong ko.
Akala ko bang ayaw niya akong ipagdrive?
"Basta sakay na!"
"Wag na po Sir."
"Aish!"
Bumaba siya ng kotse at nilapitan ako. Hinila niya ako papasok sa loob.
"Bait naman."
Napangiti pa ako.
"I'm not. Baka kasi masagasaan ka sa ginagawa mo at ako pa ang masisi."
Oo nga pala. Sa gitna ako ng kalsada nadapa.
"Sus! Palusot pa!"
Hindi niya na ako pinansin at nagdrive na lang siya. Dahil sa bilis ni Sir magdrive. Nakadating kami kaagad sa school ni Leo. Agad agad akong tumakbo papunta sa loob.
BINABASA MO ANG
Never Thought I Could Love You (Montereal Series #1)
HumorLiana Kyrie Buenaventura will work as a secretary in Montereal Company where she first met the cranky and cold-hearted man, Raze Adler Montereal.