CHAPTER 53

149 9 0
                                    

"Liana, umuwi ka na ngayon!" Sigaw ni Mama sa kabilang telepono.

Nagkapalitan kami ng tingin ni Raze. Nakaramdam ako ng matinding kaba sa tono ng boses ni Mama. Ramdam na ramdam ko ang takot niya.

Hindi siya tatawag ng ganito kung wala namang nangyaring masama. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko at lalo pa akong kinabahan sa mga posibleng nanguari na pumapasok sa isip ko.

"Let's go!" Wala ng pakialam si Raze at basta basta na lang tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo sa tabi ko.

Tumayo na din ako gaya niya at nagmamadaling pumunta kung nasaan ang kotse ni Raze.

Sandali akong natigil sa kakamadali ng may maalala ako. Muli kong tinignan ang lugar kung saan kami nakaupo kanina.

Tumakbo ako para kunin ang mga pagkain na kanina'y kinakain namin. Kinuha ko na din ang blanket na nilatag ni Raze kanina. Narinig ko naman ang pagandar ng kotse.

Kaya nagmadali akong oumunta sa kotse para makasakay na ako at baka maiwan pa ako ni Raze dito.

"Seriously? Talagang kinuha mo pa yang mga yan?" Hindi makapaniwalang tanong nito saakin.

Tinignan niya pa ang mga dala-dala ko. Sumilay ang ngiti sa aking mata at tumango na lang sakaniya.

Mabilis ang ginawang pagmamaneho ni Raze at parang hindi siya mapakali ngayon.  Ganon na lamang ang pagkakunot ng noo ko habang tinititigan ang mga galaw niya.

Habang nakatingin sakaniya, naalala ko na naman ang pagtawag kanina saakin ni Mama. Bakas sa tono ng boses niya ang takot.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero masama ang kutob ko ehh. Parang may masama talagang nanguari ehh sa dating pa lang ng pagsigaw ni Mama sa kabilang telepono.

Hindi naman siguro ito tungkol kay Leo ano? Sana nga hindi na naman siya nalagay sa panganib.

"You okay?" Napasulyap saakin si Raze.

"Ako?" Balik kong tanong sakaniya.

Narinig kong may binubulong siya pero hindi ko yun masyado narinig ng malinaw.

"Malamang ikaw!" Inis nitong sagot sa tanong ko.

Inirapan ko siya kahit na hindi naman siya nakatingin saakin. Masyadong tutok ang mga mata niya sa daan kaya pwedeng pwede ko siyang iripan kahit anong oras o kahit na ilang beses pa yan dahil hindi niya naman ako nakikita maliban na lang kung marami siyang mata.

Pero yung tanong niya kanina, 'you okay?' Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Aaminin ko kanina na hindi ko na masyado naiisip ang nangyari kanina sa kompaniya between me and Ma'am Adalie. Pansamantala ko din itong nakalimutan dahil sa mga pinagsasabi ni Raze saakin kanina.

Nakarating din kami sa bahay. Wala naman akong nakikitang kakaiba dito sa labas ng bahay. Kahit na ganoon ay kinakabahan pa din ako sa maari kong makita sa loob ng bahay.

Tumingin ako sa gawi ni Raze. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya habang nakatingin sa bahay namin. Nang maramdaman niya na nakatingin ako sakaniya ay tinignan niya din ako.

"Let's go inside." Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob.

Inihanda ko na ang sarili ko sa maari kong makita sa loob. Sana naman mali itong iniisip ko. Sana hindi. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Raze ng buksan na namin ang pintuan.

Parang akong manghihina sa nakita ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Lumakas ang kabog ng dibdib ko ng magtama ang tingin naming dalawa.

Never Thought I Could Love You (Montereal Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon