CHAPTER 25

204 10 0
                                    

"What am I suppose to say? I'm nit ready for this." Bulong ni Sir Raze.

"Apo niyo po siya. Seryoso at masungit po siya. Yun po ang alam nating lahat pero pagdating po saakin hindi po siya ganon-"

Hindi ako pinatapos ni Sir Raze sa sinasabi ko.

"Ahh. Grandpa, do you believe in the saying......... Wait! What do you call that? Aha! 'Pagtinamaan ka, tinamaan ka'."

'Pagtinamaan ka, tinamaan ka'

Saan kaya yun nakuha ni Sir? Hindi ko na napigilan ang sarili ko, kaya naman ito at tawa ako ng tawa sa harapan ng dalawa.

"Liana! You're really beautiful! Nagdate ba kayong dalawa? That's good! Kaya naman pala ganiyan na lang ang ayos mo. Liana, What are you laughing at?"

"Nagulat lang po ako sa sinabi ni Sir. Ano nga po ulit yun? Pagtinamaan ka, tinamaan ka. Saan niyo po ba nalaman yun?" Medyo natatawa pa din talaga ako. Ang hirap magpigil.

"Sir? Did you just called your boyfriend, Sir?"

Medyo napatingin saakin si Sir Raze, pinanlalakihan niya ako ng mata. Ayy oo nga pala! Actingan time pala ito.

"Ahhh. A-ano po kasi...Hindi pa po kasi ako masyado sanay."

"Yeah. That's true." Pagsasang-ayon ni Sir Raze saakin.

Napatango naman si Chairman doon at ngi-ngiti ngiti saaming dalawa.

"I'm so happy for you, Raze. Finally after how many years you already find your one and only true love. Akala ko tatanda ka ng binata. I'm so happy for the both of you."

Wala naman kaming dalawabg masagot ni Sir Raze. Ayoko na ding magsalita. Baka mamaya kung ano pang mangyari ehh.

"Pero napansin ko lang, parang ang bilis naman yata ng pangyayari. Nung isang araw ay nagkasagutan kayo at ayaw na ayaw mo pa dito kay Liana. Paano kayo nagsimulang mag-ligawan? Wala ng ligaw-ligaw? Kayo na kaagad?"

"Ahh. Chairman, wag po kayong judgmental ahh. Hindi po ako easy to get."

Natawa naman itong si Chairman. Palagi naman yan natatawa saakin ehh.

"Actually, I don't know. Time flies so fast. Hindi na mahalaga kung paano kami nagumpisa, ang mahalaga ay mahal namin ang isa't isa."

Katapos magsalita ni Sir Raze, tumingin siya saakin na para bang mahal na mahl niya nga ako. Alam niyo yun, yung titignan mo palang sa mata alam na alam mong inlove siya. Ang galing nga naman umarte oh!

Kaya lang, hindi naman siya nakangiti. Nagpaalam din kaagad si Raze kay Chairman. Kailangan niya daw kasing pumunta ng kompanya at isasama niya pa ako.

"Sir naman." Day off ko kaya ngayon.

"Wag ka ng maarte. Sumama ka na saakin. Girlfriend kita diba? Kaya dapat palagi kitang kasama."

"Excuse me lang po Sir ahh. Fake. F. A. K. E. Fake! Fake girlfriend, kaya bakit po ako sasama sainyo?"

"Gusto mo ba talagang mamatay ngayon ngayon din?"

"Babe naman galit kaagad. Joke lang naman babe. I love youuu."

"Shut up. Tara na. Kung ayaw mong kaladkarin kita papasok sa kotse. Pasok!"

Nagmamadali akong pumasok sa kotse niya. Napansin ko lang na palaging mabilis magdrive itong si Sir Raze. Palagi siyang nagmamadali.

"Sir, pwede po bang maghinay-hinay kayo? Ang bilis bilis niyong magdrive!"

"Paano kung ayaw ko?"

"Bahala po kayo."

Nakadating kami dito sa kompanya. Sinalubong ako kaagad nung dalawang bruha.

Never Thought I Could Love You (Montereal Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon