CHAPTER 8

267 19 2
                                    

Ilang araw na ang lumipas at hindi pa rin nawawala sa isip ko yung letter. Ewan ko ba bakit ang lakas ng impact saakin non. Aalamin ko na lang yun sa ibang araw.

Day off ko kasi ngayon eh. Napagkasunduan namin ni Sir Raze na every weekend na lang qng day off ko. It's either Saturday or Sunday.

Nandito naman sa kwarto ko si Luke. As usual nanggugulo.

"Wala kang pasok?" Tanong niya.

Nakahiga naman ako sa kama dahil tinatamad akong tumayo.

"Ano sa tingin mo?" Nagiisip pa talaga siya.

"Meron? Wala? Malay ko!" Sus!

"Hihilata ba ako dito kung meron? Edi wala akong pasok!"

Minsan minamana talaga ni Luke ang pagiging tanga ko eh.

"Bakit tulala ka kanina pa?" Hindi lang naman ako kanina pa tulala.

Nung isang araw pa yan. Simula nung mabasa ko yung letter. Ano kayang meron sa letter na yun?

Taray diba! Pati yun pinoproblema ko pa.

"Wala naman. May nasagap kasi akong chismis tungkol sa boss ko." Kumunot naman ang noo ni Luke. Umupo na ako sa tabi niya.

"Pati yun problema mo?" Ewan ko nga ba!

"Hindi naman. Slight lang."

"Ano ba yun?" Tanong niya ulit.

"Basta it's none of your business." Nagulat naman siya  sinabi ko.

"Wow ah!" Inggit lang yan.

"Nakuha ko yun kay Sir yun kasi palagi niyang sinasabi pagtinatanong ko siya."
Sinamaan niya ako ng tingin at hinagisan ng unan sa mukha.

"Gaya-gaya!" Sigaw niya saakin.

Hinagisan ko din siya ng unan. Yung malakas na malakas na pagbato.

"Ano pq bang aasahan mo saakin?" Hindi pa ba siya sanay saakin?

Dahil wala din namang magandang gagawin dito si Luke. Pinaalis ko na muna at naalala niya din kasi na may trabaho siya. Oh diba! Ang tanga!

Since sikat na sikat nga sila Sir Raze dito sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Nag try akong mag search tungkol sa kompanya nila.

Number 1 yung perfume line nila sa buong Pilipinas. Wow! Kabilang din sila sa mga pinakamayaman dito sa buong Pilipinas.
Puro achievements ng kompanya nila yung nababasa ko.

Walang nakalagay na family background. Sayang! Napaka-private naman nilang tao. Kung ako siguro, ilalagay ko pati paborito kong unan, kumot, damit, pagkain at marami pang iba.

Para kapag birthday ko, edi magugulat na lang ako may regalo na akong pagkarami-rami. Kaso hindi naman yun magkakatotoo no. Alam niyo naman sigurong ambisyosa ako.

Nag-aya ng kumain sila Mama ng tanghalian at habang kumakain kami, hindi ko maiwasang hindi i-share sa parents ko yung nalaman ko kay Sir Raze.

"Ma, Pa. May chika is me." Sabay naman silang tumingin saakin.

"Ano yun?" Dahil nga mag-asawa sila. Sabay din silang nagtanong.

"Si Sir Raze, yung boss ko po." Tinignan nila ako ng may halong pagtataka.

"Oh? Ano namang kinalaman namin doon?" Tanong ni Mama.

"May nakuta po akong letter. May sumira daw po sa buhay niya." Binaba naman ni Papa yung tasa ng kape na iniinom niya kanina.

Never Thought I Could Love You (Montereal Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon