CHAPTER 52

144 8 0
                                    

"CHAIRMAN?!"

"R-RAZE!"

Binigay ko ang buong lakas ko para isigaw ang pangalan ng taong mahal ko, habang patuloy pa din ako sa pagiyak.

It hurts! Desereved ko ba talaga ang pangiinsukto ni Ma'am Adalie? Hindi ba talaga ako katanggap-tanggap para sakaniya?

Pumikit na lamang ako at yinakap ang sarili. Unti-unting dinudurog ang puso ko. Awang awa ako sa sarili ko. Bakit hindi ko kayang lumaban? Bakit hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko?

Pero kapag lumaban naman ako, ano na lang sasabihin saakin ni Ma'am Adalie? Okay lang ba yung ganito? Yung hinahayaan ko na saktan niya ako sa pamamagitan ng masasakit na salita at sa malakas na sampal?

Kapag ba hindi ka deserving para sa isang tao, kailangan kang sampalin? Kailangang sabihin sayo na mukha kang pera?

Hanggang sa naramdaman ko na lang na may yumakap saakin. Unti-unti kong binuksan ang mata ko para makita kung sino ang taong yumakap saakin. Pero kahit hindi ko na buksan ang mata ko eh alam ko na kung sino ito. Walang iba kundi si Raze.

"What happened?!" Dinig kong sigaw ni Chairman. 

Yinakap ko pabalik si Raze habang hindi pa din ako humihinto sa pagdadrama.

"Let's go. Let's go." Malumanay na pagaaya saakin ni Raze.

Kumalas ako sa yakap para makaalis na kami dito sa office. Dahan dahan niya akong tinayo. Sa bawat paghakbang ko ay nakaalalay iting si Raze. Hawak niya ang bewang ko pati na din ang isa ko pang kamay.

Habang naglalakad kami papunta sa office niya, lahat ng mga mata ng mga empleyado dito ay nasa akin. Hindi ko gaano maaninagan ang mga ekspresyon ng mukha nila gawa ng pagiyak ko at nanalalabo pa din ang paningin ko.

Nang makapasok kami sa office niya ay dahan dahan niya akong iniupo sa sofa. Lumuhod siya sa harapan ko at hinaplos ang magkabilang pisngi ko.

"Shhh. Stop crying.........What happened? Your cheeks!"

Hindi naman siya mapakali habang tinitignan ako. Sobrang pula ba ng pisngi ko? Kung sabagay, muntikan ng matanggal ang ulo ko sa lakas ng sampal niya oh edi malamang grabe ang tinamo ng pisngi ko.

"A-am....Am I not enough?" I asked him.

Tinanggal niya ang kamay niya sa pisngi ko at nilipat sa kamay ko. Mahigpit niyang hinawakan yun habnag ang mga mata niya ay hindi ko alam kung iiyak na ba o nagagalit.

"What? Ofcourse you're enough!" Nanatili lang ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Tinitignan niya lang ako at aligaga siya dahil hindi niya alam kung paano niya ako patatahanin.

"Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?" Muli akong nagtanong.

Binitawan niya ang kamay ko at tumayo mula sa kaniyang pagkakaluhod.

"What the hell Liana? Hindi naman kita pinagpalit ahh!" Napahilamos pa siya sa kaniyang mukha gamit ang kaniyang kamay.

"Hindi nga." Pagsasayang ayon ko naman sa sinabi niya.

"And then why are you saying na kapalit-palit ka?" Tanong nito.

"Wala lang." Tipid ko sagot.

Maya-maya pa ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Nang lingunin ko ang gawi ng pintuan, nakita ko sila Marphy at Rhea.

Lumapit sila saamin ni Raze at iniabot dito kay Raze ang hawak hawak ni Rhea na isang baso ng tubig.

"Here. Drink this." Kinuha ko ang baso at ininom yun.

Never Thought I Could Love You (Montereal Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon