"L-Liana?" Tanong ni Sir ng makita ako.
Parang nakakita siya ng multo sa gulat niya.
"Sir, bakit po? Maganda po ba ako? Yieee!"
"Ahh. Yeah? Tch. Nevermind." Nalilito niyang sagot.
Ayaw pa kasing aminin na nagagandahan din siya saakin eh.
"San po tayo sunod na pupunta?"
"Bibili tayo ng damit mo, yung hindi ka mukhang basahan."
Ang sama ah!
"Luh! Ang Over! Mukha po bang basahan ang mga damit ko?"
"Medyo."
"Ang sama ah!"
"Madam Purple, thank you." May inabot si Sir Raze kay Madam Purple. Mukhang bayad yun.
"You're always welcome, Raze. See you around couples! Enjoy!"
Nakipagbesohan pa saakin si Madam Purple. Katapos non ay umalis na kami sa salon niya.
Nauunang naglalakad si Sir Raze saakin. Kaya nagmamadali akong maglakad para hindi niya ako maiwan dito.
Pumunta kami sa puro branded na damit. Ang daming magaganda. Puro dress at kung ano-ano. Mamahalin!
"Sir, dito po talaga tayo bibili ng damit ko? Pwede naman po sa iba na lang."
"Ikaw na nga itong binibilhan, nagrereklamo ka pa."
"Hindi naman po sa nagrereklamo, pero kasi po parang ang mahal naman po yata."
"Wag ka ng maingay."
Nanahimik na ako baka kasi iwan ako dito ni Sir Raze kapag dumaldal pa ulit ako.
"Miss, can you please give her a nice dress that will surely suit for her?"
"Yes po Sir. Sumama po kayo saakin Ma'am."
Bigla naman akong napakapit sa braso ni Sir Raze.
"What are you doing?" Tanong ni Sir Raze saakin.
"Binebenta niyo po ba ako?"
"Tch. Magsusukat ka ng damit kaya bitawan mo na ako, baka tuluyan kitang ibenta."
Sumama na ako kay Ate girl. Dumadamoves lang talaga ako kay Sir kanina.
"Ma'am, hindi naman po ako nangangagat." Tawa tawa pa ang sales lady.
"Ahh ganon ba? Kasi ako, nangangagat."
"Nakakatuwa naman po kayong kausap."
"I'm nit joking ate girl. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Wala naman eh."
Naghanap siya ng magandang damit na pwede kong isukat. Puro dress ang pinapasukat saakin.
"Bakit naman puro dress?" Tanong ko sa saleslady.
"Yun po ang sabi ni Sir."
Ahh. May sinabi ba si Sir Raze kanina? Sorry bingi lang.
Kumuha na din siya ng mga long sleeves, crop tops, skirt, pants at marami pang iba.
Nang makapili na ng mga damit, isa isa ko silang sinukat. Sinuot ko yung mga cocktail dress meron pa nga yung mga mermaid dress at kung ano ano.
"What's that? Trench coat? Wala tayo sa ibang bansa para magsuot ka niyan. Ang init init! Palit!"
Nakakainis na itong si Sir Raze ahh. Kanina pa ako sukat ng sukat ng mga damit, wala naman siyang nagugustuhan sa mga suot ko. Napapagod na ako ahh.
BINABASA MO ANG
Never Thought I Could Love You (Montereal Series #1)
HumorLiana Kyrie Buenaventura will work as a secretary in Montereal Company where she first met the cranky and cold-hearted man, Raze Adler Montereal.