CHAPTER 3

438 25 11
                                    

Naramdaman kong may nagtanggal sa kumot ko na nakatakip sa mukha ko.

"Gumising ka na! Unang araw mo sa trabaho!"

Ang sakit sa tenga ah. Ouch! Si Mama talaga, mas malakas pa sa speaker yung boses niya.

Tuloy ay nagmamadali akong bumangon dahil sa lakas ng boses niya.

"Ano na po bang oras?" Tanong ko habang kinukusot ang beautiful eyes ko.

"5:00 am."

WHAT? Totoo ba yung naririnig ko? 5:00am?

"5:00 am seryoso po? Ma, ang aga niyo naman po akong ginising." Pagmamaktol ko.

Nagbabalak pa sana akong bumalik sa kama kaya lang humarang si Mama. Hindi ako makabalik.

"Gusto mo mawalan ng trabaho?"

Ang sungit naman ni Mama. Masyadong over.

"Eto na nga pi. Maliligo na."

Tumakbo ako papunta sa banyo. Dahil nga kompanya yung papasukan ko, dapat malinis na malinis ako. Todo sabon ako sa katawan para mabango ako. Pinaka-shampoo ko din ang buhok ko para habang dumadaan ako maamoy ng mga tao yung buhok ko.

Mabilisan din akong nagalmusal dahil ayaw ko naman malate. Tama si Mama. Kung ayaw kong mawalan ng trabaho dapat hindi ako nagpapalate lalo na't unang araw ko sa trabaho.

"Akala ko bang gown ang susuotin mo?" Tanong ni Luke habang pinapasadahan ako ng tingin.

"Wala ng time mag-ayos." Sinuklay ko ang buhok ko para mag stay ang beauty ko.

"Wala ng time o wala ka lang gown?"

Grabe siya saakin mga sis no? Ako walang gown? Paano niya naman nalaman?

"Luh! Pano mo nalaman? Galing mo naman."

Umiling iling pa siya. Taray! May pa-iling ang bestfriend ko. Kanino niya kaya yun nalaman?

"Ako pa! Kilala kita! Are you ready?"

Huminga muna ako ng malalim sabay tingin sa salamin at um-aura. Pagkatapos ay lumabas na ako ng bahay.

"Kahapon pa ako ready."

Excited nga akong pumasok ngayon. Syempre mae-expose na naman ang kagandahan ko.

"Di ako naniniwala. Kanina pa kita inaantay eh."

OA niya no? Parang ilang oras lang naman ako nagaayos eh.

"Ganon ba? Sinong may kasalanan?"

Dapat talaga siya ang sisihin eh. Kung magrereklamo siya dapat hindi niya na lang ako hinatid.

"Ikaw!"

Aba! Sinisi pa ako. Hindi naman ako ang nag push sakaniya na ihatid ako. Nalaman ko kasi na kapag maganda ka dapat maginarte ka. Uulitin ko, maganda lang ah.

"Mali! Ikaw ang may kasalanan! Sino bang nagsabing ihatid mo ako? Diba ikaw?"

Wala akong amnesia at hindi din ako ulyanin. Kaya hindi ko makakalimutan yung mga sinabi niya saakin kagabi.

"Hindi kaya!" Hinampas ko ang braso niya.

"Hoy! Hindi kita pinilit! Hindi kita inutusan!"

"Oo na, kasalanan ko na!"

See? Umamin din. Edi tapos ang usapan!

"Naturingang Atty. Pero di ako kayang kalabanin. Nasaan ang tapang mo ngayon?"

Never Thought I Could Love You (Montereal Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon