"She's here!" Raze's Dad exclaimed.
Pare-pareho kaming napatingin kung nasaan ang pintuan at ganon na lang ang gulat ko ng makita kung sino ito. Agad kaming nagpalitan ng tingin ni Raze.
Hindi namin lubos akalain na pupunta siya dito sa dinner. Kitang kita ko ang pagbabago ng timpla ng mukha ni Raze.
"What the hell are you doing here?" Seryoso at may halong pagtitimpi ng galit ang tono ng boses ni Raze.
"Is that how you greet your Mother?" Napataas pa ang kilay nito sa kaniyang anak.
Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa kinauupuan ko ngayon. Baka mamaya anong mangyari ngayon eh.
"As if I have a Mom."
Hindi na sila muling nagimikin dahil dumatin na nga ang pagkain. Tahimik lang kami. Walang gustong umimik.
Maingat akong kumain. Isang maling galaw ko lang alam na alam kong mapapansin ako ng Mom ni Raze.
Naramdaman ko ang paglapat ng tingin saakin ng Mom ni Raze. Magkaharap lang kami ehh. Gusto ko na lang talagang maglaho na parang bula. Ayoko yung way ng pagtitig niya.
Kasi yung mga tingin niya palang ikakamatay ko na talaga. Hindi kerii ng beauty ko ang titig na ginagawa niya ngayon. Iniwas ko na lang ang tingin ko at inatupag ang pagkain ko.
"So, you're the lucky girl?" Sabi na nga ba eh. Wala na akong takas dito.
Saglit akong napatigil sa pagkain. Patapos na din naman ako. Uminom muna ako ng pagkarami-raming tubig bago ko siya tinignan.
"Yes po." Magalang kong tugon.
"You look pretty." Puri niya saakin habang pinapasadahan ako ng tingin.
"T-thank you po." Nauutal ko pang sambit.
Binitawan niya ang hawak niyang spoon and fork at pinagkrus ang mga braso niya.
"I heard secretary ka ng anak ko and then why the hell you became his girlfriend? How come?" Tanong nito saakin habang hindi niya pa din inaalis ang tingin niya.
"And why do you care?" Sabat naman ni Raze dito.
Nakita ko kung paano ako tignan ng Mama ni Raze. May halong pagtataray yun. Pasalamat talaga siya at nanay siya ni Raze dahil kung hindi, Naku! Baka mamaya eh kung ano pa magawa ko sakaniya.
Mabuti na lang talaga at kaya ko pang magtimpi at paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko na 'off-limits, nanay siya ni Raze. Hindi siya pwedeng kalabanin.'
"Oh really? Kaya pala iniwan mo kami. Ganon ba ang ginagawa ng isang Ina?" Napapailing ito at napangiti pa.
Pero ang ngiti ni Raze na pinakita niya ay kakaiba. Hindi yun ngiting natural. Hindi yun simpleng ngiti lang kundi isang ngiting mapait.
"Raze!" Sambit ng Tatay niya na may halong warning tone.
"Why? I'm just telling the truth, the whole truth and nothing but the truth, right Miss?" Tinaas niya ang kilay niya and then he playfully smiled.
Sa ginagawa niya ngayon masasabi ko na para bang inaasar niya itong nanay niya. Ang over talaga ng lalaking ito!
"Miss? Really huh? I am your MOTHER!" Diniin niya talaga ang salitang 'mother' dito kay Raze.
"Tch. As if I care." Pinaglalaruan na lang ngayon ni Raze ang kutsara at tinidor niya.
"So what now Iha? Nageffort ka pang mag-ayos. I admit na yang dress mo really fits to you but you're too simple for me. Walang class." May halong pandidiri pa niya akong tinignan.
BINABASA MO ANG
Never Thought I Could Love You (Montereal Series #1)
HumorLiana Kyrie Buenaventura will work as a secretary in Montereal Company where she first met the cranky and cold-hearted man, Raze Adler Montereal.