Years had passed and I'm still inlove with this grouchy man which is Raze. My Raze Adler Montereal.
Time flies so fast. Hindi ko akalain na hanggang ngayon eh kami pa din ni Raze. Naging matatag ang relationship namin.
"Mom! S-si Kuya!" I groaned when I heard my daughter's voice.
Kanino pa ba magmamana? Wala ng iba kundi saakin. Lahat yata ng ugali ko ay sinalo ng anak ko. Kaya ayn pati itong si Raze ay hindi alam kung papano aalagaan ang anak namin.
"Tone down your voice young lady." Panunuway ko sa anak ko na si Lara.
"Tch. Too noisy." Reklamo naman nitong si Renz. Siya ang panganay na anak namin ni Raze. May pinagmanahan itong si Renz sa taglay niyang kasungitan.
I'm 10 years married with my man. Sa loob ng ten years na yun eh wala kaming ginawa ni Raze kung hindi magbangayan, magpikunan, makipagplastikan sa ibang tao, at magsungitan.
Pero natigil lang yun ng dumating ang dalawa naming angels sa buhay. Sila ang nagpabago ng atmosphere dito sa bahay na pinagawa ni Raze.
Yung tungkol naman sa Mother dear ni Raze? Nung araw na nakaalala ako which is nung pasko na yun ay pumunta din doon si Tita at nakipagayos saakin.
Wala ng kontrabida sa love story naming dalawa. Tahimik na kaming namumuhay ngayon dito saaming munting tahanan. Pero hindi pa pala tahimik ang lahat. Dahil nga nandito na si Lara na pagkaingay-ingay. Hindi magiging tahimik ang bahay namin.
Si Luke naman ay nagurang na siya sa kakahintay ng true love niya. Ako pa din daw kasi hanggang ngayon pero syempre isang malaking biro yun. Gusto niyong nakakuha ng maraming suntok si Luke dito sa asawa kong si Raze kapag nalaman niya yun?
May girlfriend na ngayon si Luke at ikakasal na din sila. Hulaan niyo kung sino ang girlfriend niya. Syempre walang iba kundi si Rhea. Nagulat din ako nubg sinabi niya saakin. Wlaanghiya itong si Rhea eh hindi sinabi saakin na ang tinutukoy niya na nanliligaw sakaniya noon ay walang iba kundi ang bestfriend ko.
Ito namang si Marphy eh as usual no boyfriend. Fling fling lang daw muna. Siya din minsan ang nagbabantay sa mga anak ko kapag pumupunta ako sa restaurant. Actually yung restaurant na yun eh sobrang dami na ng branch niya. As in all over the world. Syempre the best yata yung chef doon. Walang iba kundi si Raze at si Papa.
Si Leo naman? Ayun at isip bata pa din pero wag niyong maliitin ang kapatid ko. Dahil isa lang naman siya sa mga pinagkakaguluhan ngayon ng mga kababaihan. In short isa na siyang babaero. Ewan ko ba sa lalaking yun.
Si Mama at Papa ay ganon pa din naman. Wala pa ding nagbago. Mahal pa din nila ang isa't isa.
Si Chairman naman eh sad to say pumanaw na siya 5 years ago, sa kadahilanang matanda na din siya kaya ayun at pumanaw na.
Naging maganda ang pakikisalamuha ko dito sa mother dear ni Raze. Paminsan minsan ay dumadalaw siya dito para makipagchikahan saakin. Eh dakilang chismosa din pala siya like me, kaya naeenjoy ko ang makipagkwentuhan sakaniya at mukhang may aagaw na sa korona ko. Walang iba kundi si Mother dear ni Raze. Siya na siguro ang susunod sa yapak ko sa pagiging chismosa.
Pero syempre papahuli ba naman ang anak kong si Lara? Bata palang eh alam na ang nangyayari sa paligid niya. Ultimong love life ng kapitbahay namin eh chinichika saakin. Bukod doon eh dakilang plastik pa. Manang mana talaga saakin ang anak kong iyon. Like mother like daughter ika nga nila.
Ito namang si Raze? Aba syempre hindi kumukupas ang kagwapuhan niya maging ang kasungitan. Tumatanda na kami pero yang kasungitan niya eh stay stromg siz. Mas matatag pa sa relasyon namin yang kasungitan niya.
But my man was so manly. He's a serious type, moody too. He doesn't laugh a lot in public. But I noticed , that when we were together, he's so clingy, and soft. All he wants to do is to cuddle all the time.
Oh diba napapaenglish pa ako kapag ang asawa ko na ang pinaguusapan. I'm so lucky to have him as my husband.
Naalala ko pa nung araw na kinasal kami. Sinunod niya ang kagustuhan kong magpakasal sa simbahan doon sa Ilocos. Syempre susundin niya ang gusto ko kasi kung hindi aba maghanap siya ng mapapangasawa niya no.
Naging maayos din naman ang kasal namin. Walang humadlang nung time na yun. At kung ano yung gown ko doon sa panaginip ko dato eh ganon na ganon yung pinagawa ko na wedding gown.
Hindi nga ako prinsesa pero pinaramdam saakin ni Raze na isa akong reyna para sa kaniya. Wala man akong karwahe at hindi man ako nakatira sa palasyo, mahal na mahal pa din ako ng asawa ko.
Ang sabi niya nga hindi naman daw importante kung ano ang estado ng buhay namin sa isa't isa ang mahalaga ay nagmamahalan kami.
Hindi man naging madali saaming dalawa ang lahat ng nangyari, hinding hindi ko pinagsisisihan na nakilala ko siya. Masayang masaya ako dahil siya ang naging asawa ko. Minsan ay hindi pa din ako makapaniwala na asawa ko na siya, nakatira kami sa iisang bubong at may mga anak kami.
Hindi ko din naman akalain na kami pala hanggang sa dulo kahit na noon ay napakaraming nangyari. Naalala ko pa nga ang sinabi ko kay Mama na hinding hindi ko magugustuhan si Raze pero traydor itong puso ko. Nagising na lang ako at boom mahal ko na siya.
"Daddy's home!" Kaming tatlo ay sabay sabay na napatingin sa pintuan at nakita ko ang napakagwapo kong asawa. Sinalubong siya ng dalawang bata at syempre dahil gaya gaya ako, pinuntahan ko na din siya.
Binuhat niya ang dalawang bata at humarap saakin habang nakangisi."Miss me? Huh?" Tanong pa niya saakin. Inirapan ko lang siya. Hindi niya ako madadala sa pagngisi ngisi niya.
"Let's give Mommy a hug." Binaba niya ang dalawang bata at sabay sabay silang pumunta saakin para yakapin ako.
Si Raze ay kakagaling lang niya sa kompaniya nila. After naming ikasal ay bumalik siya doon tapos paminsan minsan ay pumupunta siya sa restaurant para tulungan si Papa at syempre ako na magmanage doon.
Pero ngayon ay mas madalas na siya sa kompaniya nila, ako naman ang nasa restaurant. Minsan ay sinasama ko din ang dalawang anak namin para hindi na mahirapan ang mga katulong sa pagaalaga sa dalawa.
"Kakagaling mo lang sa trabaho, yumayakap ka na. Magpalit ka muna kaya. Tsaka wag mong dinidikit yang damit mo sa balat ng dalawang bata. Kapag nagkaallergy yung mga anak natin, humanda ka saakin." Kumalas siya sa yakap at tinignan ang suot niyang damit.
"Sungit ahh! Kids shower lang ako ahh. Baka kasi kumatak na namana ng Mommy niyo ehh." Sinamaan ko siya ng tingin.
Ganito palagi ang ganap sa bahay tuwing hapon. Hanggang 6:00 lang sa kompaniya si Raze para daw makasama niya pa kami sa dinner at ayaw niya din daw kasing tumagal sa kompaniya nila. Since hindi na din naman daw ako ang secretary niya.
Ang isang Liana Kyrie Buenaventura ay mamahalin din pala ng isang Raze Adler Montereal at pwedeng pwede ko na ngayong ipagsigawan sa buong mundo na isa na akong Mrs. Montereal.
I am Liana Kyrie Buenaventura-Montereal
____________________________________________
BINABASA MO ANG
Never Thought I Could Love You (Montereal Series #1)
HumorLiana Kyrie Buenaventura will work as a secretary in Montereal Company where she first met the cranky and cold-hearted man, Raze Adler Montereal.