"Raze Adler Montereal." Binanggit ni Papa ang buong pangalan ni Sir Raze.
Ano naman kayang sasabihin ni Papa dito sa boss ko? Galit siguro si Papa. Ganiyan na ganiyan kasi itsura niya kapag galit siya. Blanko ang mukha pero diretso ka niyang titignan sa mukha. Gawain niya din ang mag-cross arms kapag pinapagalitan kami ni Leo.
"Yes Tito?" Sagot naman ni Sir.
Humakbang papalapit si Papa kay Sir Raze.
"Ikaw ang boyfriend ng anak ko. Tama ba?"
Saglit kaming nagkatinginan ni Sir Raze. Ano kayang isasagot ng boss ko?
"Yes Tito." Medyo matagal bago sinagot ni Sir Raze.
"Ikaw din ang boss niya?" Muli na namang nagtanong si Papa.
"Yes Tito."
Tinanggal na ni Papa ang pagkakakrus ng mga braso niya. Ngayon ay nilagay niya naman ang kamay niya sa baba niya na parang kinakabisado ang buong pagmumukha ng boss ko. Pinapakatitigan niya ito.
"Kung ganoon..........."
Si Papa naman, pa-suspense. Natatakot na ako eh. Muli na naman kaming nagkatinginan ni Sir Raze. Hindi ko alam kung anong pinapahiwatag ng mga mata ni Sir Raze. Hindi ko alam kung natatakot siya kay Papa o ano. Sadyang blanko lang din ang mukha niya. Ang hirap hirap niyang basahin.
"Welcome to the Family!"
Kung kanina ay blangko ang ekspresyon ng mukha ni Papa, Ngayon ay nakangiti na ito. Halos mapunit na ang labi niya sa sobrang lapad ng ngiti niya kay Sir Raze.
"Pa! Akala ko naman po papagalitan niyo kami." Nakahinga ako ng maluwag doon. Grabe si papa.
"Ikaw ang papagalitan ko no! Teka nga! Bakit ganiyan naman ang suot mo? Naka heels ka? At naka dress? Saan ka pupunta? Kanina nung umalis ka, hindi naman ganiyan ang suot mo."
Akala ko di mapapansin ni Papa ang pananamit ko.
"Si Sir Raze po ang nagpasuot saakin ng ganito. Ang ganda po no?"
Pinakatitigan niya naman ang damit ko ng maayos at medyo napatango.
"Salamat iho at nagmukhang tao ang anak ko."
Agad sumama ang tingin ko kay Papa.
"Pa!"
"Bakit? Biro lang naman." Tawa pa ng tawa si Papa.
"Bakit nga pala Sir ang tawag mo? Boyfriend mo yan!" Pinitik ni Papa ang tenga ko. Ouch ah!
"Anong pong gusto niyo g itawag ko skaaniya?" Tanong ko kay Papa.
"Babe." Sumabat naman si Sir Raze.
Nilagay niya ang kamay niya sa bewang ko at mas nilapit pa ang katawan ko sa kaniya. Tsaka niya ako tinitigan sa mata.
Pinanlakihan ko naman siya ng mata. Ano bang ginagawa ni Sir?
"Ahhh. Ano ba yang dala mo? Bakit ang dami?" Kinuha ni Papa ang ibang paperbag saakin.
Agad naman kinuha ni Sir Raze ang ibang paper bag sa kamay ko. Ang bilis ah! Parang kanina eh ayaw niya itong bitbitin tapos ngayong kaharap niya si Papa bigla niya na lang itong kukunin saakin.
"Tito, that's my gift for her." Naoangiti naman si Papa.
Kung makangiti itong si Papa, parang naintindihan niya naman. Joke lang! Yang si Papa kung hindi niyo naitatanong, eh best in English yan palagi noong nagaaral pa siya at noong kapanahunan niya.
BINABASA MO ANG
Never Thought I Could Love You (Montereal Series #1)
HumorLiana Kyrie Buenaventura will work as a secretary in Montereal Company where she first met the cranky and cold-hearted man, Raze Adler Montereal.