CHAPTER 62

198 9 0
                                    

Nakalabas na din ako ng ospital. Yun nga lang eh dapat sa bahay lang daw muna ako. Minsan kasi sumasakit ang ulo ko na para bang may maalala akong isang bagay pero hindi ko naman talaga maalala. Bigla na lang sasakit ang ulo ko out of nowhere.

Kasama ko itong lalaking nagpakilala nung isang araw na boyfriend ko and soon to be husband ko daw. Halos araw araw eh nagpapakita siya ng mga pictures naming dalawa para daw maalala niya na ako.

Ni hindi niya na nga magawang umuwi sakanila. Dito na din siya natutulog para daw makaalala na ako kaagad. Palagi nga siyang nandiyan sa tabi ko. Napapaisip din ako kung bakit ko kaya naisipang makipaghiwalay sakaniya.

Ang sabi niya kasi nung tinanong ko siya, ako daw ang nakipaghiwalay sakaniya. Siguro ganon talaga ako kaganda kaya nakipaghiwalay na lang ako sakaniya. Sa bawat araw na lumilipas eh wala pa din akong maalala. Hindi din namin alam kung hanggang kailan ako magkakaganito.

Naalala ko naman ang parents ko lalo na ang kapatid ko at pati na din si Luke pero may mga bagay akong hindi maalala na nangyari saakin dati. Katulad na lang nung minsan na may bumisita saakin, ang sabi eh mga kaibigan ko daw sa kompaniya na pinapasukan ko which is yung kompaniya nga nung lalaking yun.

Nagugulat na nga lang ako kasi hindi ko akalaing magkakaroon ako ng kaibigan dahil nga sa kaplastikan kong taglay.

"Babe, I'm done with this. Tara, let's watch this video." Nasa lap niya ang kaniyang laptop.

Kanina pa siya nandito sa kwarto ko at kanina pa siya busy diyan sa laptop niya. Mukhang tapos niya na ang ginagawa niya. Lumapit ako sakaniya. Medyo nakakaramdam pa din ako ng awkwardness sa pagitan naming dalawa pero since makapal ang mukha ko eh nawawala din naman ang pakiramdam kong iyon.

Pinlay niya ang video na sinasabi niya. Hindi ko inaasahan na video pala naming dalawa yun.

"Everyday, kinukuhanan kita ng video. Secretly. Bigla na lang kitang kinukuhanan ng mga pictures at videos out of nowhere. Hindi ko alam na itong ginagawa ko eh magagamit ko din pala." Kaya pala mukha akong tanga sa ibang mga pictures kasi hindi ko pala alam na kinukuhanan niya ako.

Napapangiti ako kada makikita ko ang mga pictures ko, kinikilig din ako minsan sa mga pictures naming dalawa. Habang nanonood ako ay hindi mawala sa isip ko kung anong klase akong girlfriend. Nambubugbog ba ako? Ako ba palagi yung nangaaway? Nagaaway ba kami dati?

Maraming tanong ang pumapasok sa isip ko na hindi ko din naman alam ang sagot. Minsan ko na itong tinanong kay Raze pero ang sagot niya ay madalas lang kaming magasaran at magpikunan dahil nga ganon ang ugali naming dalawa.

Napansin ko ang pagyuko ni Raze kaya tinignan ko siya. Mukhang umiiyak na naman uto ah. Napapadalas ang pagiyak nito. Minsan makikita ko na lang siya eh nakatingin saakin habang umiiyak. Minsan naman eh kapag natutulog na ang lahat tapos bigla akong magigising dahil sa naririnig kong paghikbi niya.

"Alam mo para kang babae. Wag ka ngang masyadong madrama. Umiyak ka kapag patay na ako. Look, buhay na buhay pa ako oh. Hindi nga lang kita naalala. I mean yung mga memories na pinagsamahan natin ay hindi ko maalala." Mabilis niyang pinunasan ang luha niya ng makarinig kami ng katok mula sa pintuan.

Nagkatinginan pa kami bago niya napagpasyahang tumayo at pagbuksan kung sino man yun. Iniluwa ng pintuan ang isang bata. May katabaan ang pisngi nito. Kahawig niya si Raze. Hala! Hindi kaya anak namin yan? Jusko po! Ang aga ko naman yatang nagbuntis kung ganon? Kaya ba sinabi niya saakin dati na soon to be husband niya ako kasi nga magpapakasal na kami sa kadahilanang may anak na ako? I mean may anak na kami?

"Liana, this is Rhys. Siya yung batang inaalagaan mo noon. He's my brother." Tumingin naman saakin ang bata at ang mga mata niya ay parang naiiyak.

Tumakbo ito papalapit saakin at sinalubong ako ng isang yakap. Yinakap ko na lang siya baka lalong umiyak kapag hindi ko yinakap pabalik ehh.

Pero nung yinakap ko na siye eh umiyak pa siya lalo. Hala! Hindi ko naman siya sinasaktan ah. Bakit ba siya umiiyak?

"Do you still remember me, Ate?" Tanong niya ng makakalas na siya sa yakap at tsaka siya ngumuso.

"Kahit na hindi man kita maalala, alam kong naging parte ka ng buhay ko simula nung pumasok ako sa sinasabing Kompaniya nung Kuya mo." Kinurot ko ang pisngi niya at pinunasan na din ang luha niya.

Nakipagkwentuhan saakin si Rhys. Kinwento niya kung paano ko siya nakilala at kung saan kami nagkakilala. Gusto niya na daw akong bumalik sa mansion nila at gusto niyang ako daw ang magasikaso sa kaniya kapag papasok na siya sa school. Ginawa pa talaga akong katulong ng batang ito.

Marami rami din kmaing napagusapan. Yun nga lang eh english lahat ang lumalabas sa bibig ng batang ito. Napapalaban tuloy ako sa pageenglish eh. Sumabay din saakin si Rhys na kumain. Ultimo pagkaon ko inaagaw niya.

Patay gutom pa yata ang batang ito eh. Parang hindi pinapakain, eh siya lang kasi nakaubos nung pagkain ko. Ito naman si Raze eh tuwang tuwa pa sa ginagawa ng kapatid niya.

Yung video na pinanonood namin kanina eh tinuloy namin. Tawa pa nga ng tawa yung bata dito dahil sa itsura ko doon sa mga kinuhanan ni Raze. Paano yung ibang picture ko eh natutulog, nakasimangot, nagmumukmok at tumatawa. Kakaunti nga lang yata ang maayos kong litrato kay Raze.

"Hindi pa diyan nagtatapos ang lahat. Gagawa pa tayo ng panibagong memories na siguradong hinding hindi mo makakalimutan." Bigla na lamang niyang nilabas ang kaniyang phone at kumuha ng isang litrato kasama itong kapatid niya.

Sa wakas at may panibago akong maayos na litrato diyan sa phone niya. Nakailang shots din kami dahil ang kulit kulit ni Rhys at halos awayin na ni Raze ang sarili niyang kapatid dahil napakakulit nito.

Masayang masaya ako at nakilala ko ang dalawang ito. Hindi ko man sila ganoon naaalala eh alam kong napasaya nila ako noon.

"Bakit nga pala hindi ka pa umuuwi sa bahay niyo? Ilang araw ka ng nandito halos buwan na din nga eh." Napansin ko kasi na hindi yata umuuwi itong si Raze.

Sinabi ko na din naman sakaniya noon na hindi ako naman ako mawawala dito. Pwede niya naman ako bisitahin paminsan minsan. Alam ko din kasi na may trabaho siya at naikwento niya saakin na siya nga daw ang nagpapatakbo sa kompaniya nila.

"Actually, hindi na ako babalik sa mansion. Titira na ako dito kasama ka."
____________________________________________
So, if you've enjoyed reading this chapter, share your thoughts on twitter using the hashtag #NTICLY

May pa-hashtag at share ng thoughts pa tayo sa twitter para naman makita ito ni Liana at malaman natin kung ano ang susunod na mangyayari sa next chapter.

Thanks for reading!! 😊

Never Thought I Could Love You (Montereal Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon