CHAPTER 43

166 8 0
                                    

"Sino po ba kasi ang tinataguan niyo?" Tanong ko dito kay Sir Raze.

"That annoying woman." Tinuro niya ang isang maganda at matangkad na babae.

Sobrang kinis ng balat niya para siyang artista o di kaya'y model sa ibang bansa. Bagay din sakaniya ang tangkad niya. Hindi naman siya ganon katangkad pero kung ikukumpara ang height ko sakaniya eh malamang mas matangkad siya saakin.

"Yan ba yun Sir? Maganda siya ahh pero syempre mas maganda ako. Pahuhuli ko ba sarili ko? Bakit niyo po ba siya tinataguan? Gusto niyo po ba siya? Ngayon ko lang nalaman na torpe pala ang mga Montereal. Kaya hindi na po ako magtataka kung bakit hindi ko man nakita ang Nanay niyo." Sinamaan naman ako ng tingin ni Sir Raze.

"Tch. Stop talking about my mother. Let's go!" Mabilis niya akong hinila palanas ng hotel.

"Saan naman po tayo pupunta? Dahan dahan naman po kayo." Ang bilis bilis maglakad nito.

Parang hindi na nga siya naglalakad eh, patakbo na siya. Hindi magdahan dahan. Alam niya namang may kasama siya. Hila hila niya pa din ako ngayon.

"Basta." Maikling sagot ng napakabait kong boss

Sa kakahila niya saakin at kakatakbo namin eh napadpad kami sa isang restaurant. Tamang tama at nagugutom na ako. Umupo kami sa pandalawahang lamesa bawal naman kasi kaming umupo sa panglimahang lamesa kasi nga dalawa lang kami no.

"Let's just enjoy this day." Sambit niya bago siya nagtawag ng waiter.

Pinakatitigan ko ang mga kilos niya, napansin niya yatang nakatingin ako sakaniya kaya tumingin siya saakin at ngumiti.

Juskoo! Yung ngiti ng boss ko, iba. As in kakaibang ngiti yung sumilay sa labi niya. Killer smile ba kamo? Ayan si Sir Raze. Mamatay ka sa ngiti niya. Simpleng ngiti lang yun pero ang lakas ng impact saakin.

"You're blushing." Natatawang sabi nito habang nakatutok sa menu. Hindi ko na lang muna siya pinansin.

Nang makapagorder na eh sabi nung waiter wait wait wait lang daw kami sa pagkain namin. Because the more you wait the more you eat. Ano daw? Di ko nagets ang sarili ko sa part na yun.

"So what's our plan for today?" Napatingin ako sa harap ko. Kay Sir Raze.

"Aba malay ko po sainyo. Kayo po ang boss ko dapat kayo ang may alam kung ano pong gagawin ninyo ngayong araw." Sagot ko.

Napailing ito habang pilit tinatago ang tawa niya. Tumutok siya sa phone niya at hinayaan ko an lang siya. Ako naman ay tinitigan na lang ang buong paligid ng restaurant.

"I saw your IG story," Muli na naman siyang nagsalita at nilapit niya ang sarili niya sa lamesa. Magkaharap kasi kami.

"Oh tapos po?" Walang gana ko siyang binalingan. Pinakita niya pa saakin ang phone niya at nandoon ang IG story ko.

"Nothing. Ang cute lang." Muli niyang tinignan ang nasa phone niya.

Ako naman ay naubo ng kaunti sa mga pinagsasabi nitong boss ko. Hanggang sa maserved na ang pagkain eh hindi pa din nagbabago ang pakikitungo saakin ni Sir Raze.

Kapag kinakausap ako ay ngingiti siya pero kapag iba ang kausap niya eh babalik sa pagkasimangot ang mukha niya.

"What's your perfume?" Biglaang tanong nito saakin.

"Bakit po? Bet niyo po ba? Cheap po itong perfume ko." Inamoy ko pa ang sarili ko.

"You smells good today." Muntik-muntikan na talaga akong mabilaukan sa sinabi niya.

Buti na lang at agad niya akong inabutan ng tubig. Hoo! Anong espiritu ang sumanib dito sa boss ko. Mas natatakot ako sa ugali niya ngayon eh. Mas gusto ko pa yung masungit niyang ugali kaysa dito. Parang anytime papatayin ako nito kaya siya mabait saakin.

Never Thought I Could Love You (Montereal Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon