CHAPTER 57

158 8 0
                                    

LUKE'S POV

"LIANA!" Sigaw ko ng makita siya sa gitna ng daan. Patakbo na sana ako para hilain siya kaya lang ay huli na ang lahat.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa gawi kung nasaan si Liana. Hindi ko magawang maihakbang ang paa ko.

"Tulong! Tulong!" Nabalik ako sa katinuan ko ng may sumigaw ng malakas at agad akong natinag doon.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa gawi ni Liana. Nangalambot ako ng makita siyang nakahiga sa gitna ng kalsada at pinalilibutan ng maraming tao.

Kitang kita ko ang huling pagtulo ng luha niya. Umaagos na din ang dugo mula sa kaniyang ulo. Ang mga taong nakapalibot ay tila ba natataranta at hindi alam ang gagawin. Ang iba ay naiiyak sa nakikita, ang iba ay abala sa pagtawag ng kung sino at ang iba ay sumisigaw ng tulong.

Hanggang sa may umalingawngaw na tunog mula sa isang dumadaan na ambulansiya.

Inalis nila si Liana sa kalsada at sumama na din ako na isugod si Liana sa ospital.

I stilk don't know what to do. I was so shocked about what happened. Ni-hindi pa din magsink in sa isip ko na si Liana ay isusugod sa ospital at wala siyang malay.

"Sir, hanggang dito na lang po kayo. Maghintay na lang po muna kayo diyan." Hinarangan na ako ng isang nurse.

Wala akong nagawa kundi umupo na lamang dito at maghintay na muling lumabas ang doktor. Agad ko namang kinuha ang phone ko para tawagan ang pamilya ni Liana at sabihin ang nangyari sakaniya.

"Si Liana?! Nasaan siya?" Patakbo sa gawi ko sila Tita at Tito kasama si Leo.

Hindi ko nagawang magsalita kaya naman tinuro ko na lamang ang emergency room kung nasaan si Liana. Nakita ko naman ang kaunting pagyuko ni Tita na parang nagdadasal.

Wala kaming nagawa kundi umupo muna dito at maghintay, nagdadasal na sana ay walang nangyaring masama dito kay Liana. Ipapakulong ko talaga ang sarili ko kapag may nangyaring masama sakaniya.

Hindi lang naman kaibigan ang turing ko kay Liana. Mahal ko na siya simula palang. Kaya hindi ko matatanggap kung may manguari man sakaniya. Sinisisi ko ang sarili ko sa nanguari sakaniya ngayon.

Kung sanang hindi ko siya hinayaang maglakad ng lumilipad ang isip at kung sanang napigilan ko na siya nung una palang ay hindi siya madadala dito sa ospital. Hinding hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko.

Hindi lang din naman ako ang may kasalanan eh. Kasalanan din naman kasi ito ni Raze. Kung sanang hindi niya sinama sama yung babaeng yun sa kompaniya edi sana hindi yun makikita ni Liana. Pero kasalanan ko pa din talaga eh.

Kung sanang hindi ko na pinayagang sumama si Liana, hindi niya makikita na may ibang kasama si Raze. Kung ako na lang sana ang nagbigay nung resignation letter niya doon sa lintik na kompaniya nung Raze na yun edi sana wala sa emergency room ngayon si Liana. Hindi sana siya sinugod sa ospital ngayon.

Pero ano pa nga bang magagawa ko? Nangyari na ang lahat. Wala na akong magagawa kundi magdasal na lang at maghintay sa sasabihin ng doktor.

Halos ilang oras na rin kaming naghihintay pero hindi pa din lumalabas ang doktor mula sa emergency room. Bumibilis lalo ang tibok ng puso ko at mas lalo pang kinakabahan dahil sa itinagal ng doktor doon sa loob ng emergency room.

Nakuha ng umiyak ni Tita dito pero wala pa ding lumalabas kahit ang mga nurse ay hindi din lumalabas. Napatayo na ako at sumilip sa bintana pero wala naman akong ibang nakita doon kundi ang kurtina na nakatakip dito. Hindi ko tuloy nakita kung anong nangyayari sa loob.

Bumalik na lamang ako sa kinauupuan ko at sinubukang kausapin sila Tita.

"Tita, I'm sorry about what happened to her. It's my fault, Tita. Kung gusto niyo po akong ipakulong, tatanggapin ko po yun Tita. Kung gusto niyo akong saktan at sigawan dahil sa nangyari sanak niyo, tatanggapin ko po yun ng buong buo. Since ako naman po ang kasama ni Liana nung mangyari sakaniya yun. Alam ko po na hindi niyo ako mapapatawad dahil wala man lang po akong nagawa para sa anak niyo." Tumayo ako mula sa pagkakaupo at lumuhod sa harapan ng pamilya ni Liana.

Iniangat naman ni Tita ang ulo niya at tinignan ako. Pinapatayo naman ako ni Leo at ni Tito.

"Bakit ka nanghihingi ng tawad? Ikaw ba ang mayari ng truck na nakabangga sa anak ko? Ikaw ba ang nagdadrive ng truck?" Sunod sunod nitong tanong saakin habang pinupunasan ang luha niya.

"H-hindi po." Sagot ko naman dito.

"Kung ganoon, hindi mo kailangang manghingi ng tawad saamin. Hindi mo naman yun kasalanan. Siguro ay nabigla ka lang sa mga nangyari kaya hindi mo siya nagawang iligtas. Kung gusto mo naman talagang makulong, madali naman akong kausap eh." Pinatayo na ako ni Tita at niyakap ng mahigpit.

Napangiti ako sa mga sinabi niya at sa yakap niya saakin.

Kumalas lang ang pagkakayakap ko kay Tita ng may dumating na tatlong police. Maybe they're here to investigate something.

"Maaari ka bang magbigay ng pahayag tungkol sa nangyari?" Ako ang pinuntahan ng mga pulis dahil nga ako ang kasama ni Liana bukod doon ay ako din ang nakakita sa nangyari.

Tinanong nila ako sa mga pangyayari kanina. Kung paano naaksidente si Liana. Marami silang tinanong tungkol sa aksidente kanina. Ngayon ay ang parents naman ni Liana ang kinakausap nila.

"Magsasampa po ba kayo ng kaso? Nakadepende naman po ito sainyo." Dinig kong sambit ng pulis. Nagkatinginan naman ang parents ni Liana na para bang naguusap sila sa kanilang mga isip base sa tinginan nilang dalawa.

"Dahil nga mabait ako at mas maganda ako sa anak ko. Napagisip-isio ko na hindi na lang kami magsasampa ng kaso. Tsaka hindi naman din niya siguro sinasadya ang mga pangyayari."

Marami pang sinabi si Tita pero hindi na lang muna ako nakinig sa mga pinagusapan nila. Muli ko na lang tinignan ang pintuan ng emergency room at nagbabakasakaling lumabas na ang doktor.

at hindi naman ako naghintay ng matagal para titigan ang pintuan dahil lumabas na nga ang doktor mula sa loob ng emergency room.

"The patient experienced a traumatic head injury because of what happened. That's why she's in a comatose but don't worry, I will give her breathing assistance, blood transfusions and other supportive care. Hindi natin alam kung kailan siya magigising o kung magigising pa ba siya. But think positive, I know she'll wake up not now but soon. I have to go now."

Parang nanghina ako ng marinig ang sinabi ng doktor sa kalagayan ni Liana. She's in a coma.
____________________________________________

Never Thought I Could Love You (Montereal Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon