WELCOME TO ILOCOS SUR!!
Were already here at Ilocos. Naks! Galing ko talaga mag english! I'm wearing my beautiful dress because I'm beautiful.
Sumakay kami sa private plane ng mga Montereal. Para daw mas mabilis ang biyahe. Ang taray nga may pa eroplano.
Naglalakad na kami ngayon papunta sa hotel na tutuluyan namin. May dalawa pa kaming kasama. Si Abi and Andrei. Sila ang kasama namin para daw tumulong sa pagdadala ng mga gamit namin at para hindi lang daw kaming dalawa ni Sir Raze yun ang sabi saamin ni Chairman.
Napatingin naman ako dito sa tabi ko. Kay Sir Raze. He's wearing a white beach polo shirt and black pants. Naka tuck in ang damit nito sa kaniyang pants. Nakabukas din ang tatlong butones ng kaniyang polo. Nakashades pa yan ahh. Lakas maka artista ang datingan nito ah.
I'm wearing my beige floral matelassè dress and touch of tan suede high heels sandals. I also wearing a wide brim floppy sun hat. Pak na pak diba! Kaya naman todo tingin saakin ang mga tao dito ay mali hindi pala saakin sa kasama ko pala. Si Sir Raze.
"I have a meeting today." Kakapasok palang namin aalis na agad itong boss ko.
"Pake ko po." Pagmamataray ko sakaniya tsaka ko siya tinaasan ng kilay.
"Tch. Kung magutom man kayo may pagkain naman dito at kung ayaw mong mawala dito sa lugar na ito wag na wag kang lalabas ng hotel hanggat wala ako." Bilin saakin ng napakabait at napakagaling kong boss.
"Awts gege." Maikli at maganda kong sagot sakaniya.
"Tch. Nakita ko yang pagikot ng mata mo. Tatanggalin ko yan!" Hala nagbanta na siya mga sizzy. Natakot ako.
"Goodbye na po Sir! Alis na po kayo." Wag ka na din sanang bumalik pa.
Pumasok na lang ako sa isang kwarto dito. Aayusin ko muna ang mga gamit ko para naman may silbi ako. Katapos kong maayos ang mga ito, lumapit ako sa may dressing table. Sosyal diba! May pa-dressing table pang nalalaman ang hotel na ito samantalang lamesa lang naman ang nasa harapan ko at salamin. Nasaan ang dress dito? Paano siya naging dressing table?
Nagvibrate naman itong phone ko at nakatanggap ako ng isang napakatamis at napakagandang message mula sa boss ko.
From: Sir Raze Sungit
Once na lumabas ka ng hotel asahan mo na hindi kita hahanapin
-end
Hanggang sa text nagbabanta? Ginawa niya na din saakin yan. Sasabihin niyang hindi niya ako hahanapin tapos kapag nagkita kami magagalit siya, sasabihin niya kung saan ako nanggaling at sasabihin niya kung gaano siya nahirapang hanapin ako. Scam yang boss ko na yan. Kahit hindi niya sabihing hindi niya ako hahanapin eh alam ko namang hahanapin din ako niyan.
Nakaharap ako sa salamin at ngayon ko lamang napagtanto na ang ganda ko nga. Ilang oras ko ding tinitigan ang sarili ko sa salamin at ng magsawa na ako binuksan ko na lang ang IG ko and there I saw my baby este boss ko pala.
Isang litrato niya ang nakapost sa IG story niya at kinuhanan lang ito kanina nung nakasakay kami sa eroplano. Natutulog siguro ako nung kinuhanan ito kaya hindi ko alam. Nakatingin lang siya ng seryoso sa camera. Ni hindi man lang siya nagabalang ngumiti pero kahit na ganoon ay hindi naman nabawasan ang kagwapuhan niyang taglay. Wala sa sarili akong napangiti.
Dahil nga isa akong gaya-gaya, inayos ko ang sarili ko at kumuha ng isang selfie. Para naman hindi lang si Sir ang may IG story. Hindi naman yata ako papatalk sa kaniya. Isang beses kong sinuklayan ang buhok ko bago ako lumabas ng kwarto para hanapin sila Abi and Andrei.
"Abi, dito kuhanan mo ako ng litrato. Bilis!" Dali dali niya naman akong nilapitan at kinuha ang phone ko saakin.
"Oh magpose ka na." Nakaready na ang phone ko.
"Wait. Wag dito. Demanding ako kaya doon tayo sa balcony." Sinundan niya ako papunta sa balcony.
Taray takaga ng hotel na ito. May dressing table na, may balcony pa. Saan ka pa? Habang kinukuhanan ako ng litrato tinatangay ng hangin ang buhok ko kaya pahirapan sa pag-aura. Ginagaya ko ang mga model na nakikita ko sa magazines o di kaya sa social media.
Pinatong ko ang braso ko sa railings ng balcony at kunwari stolen. Oh pak na pak talaga! Nagmukha tuloy akomg nagpho-photoshoot.
Agad ko naman itong pinost sa IG ko. Nang matapos ako nakatanggap ako mg message mula kay Sir Raze.
From: Sir Raze Sungit
Fix yourself. Meet me at the lobby.
-end
Owwemmjiii!! Aayain niya siguro akong magdate. How to calm? Ang haba nga naman ng buhok ko oh! Ganda ko talaga! Muli akong pumasok sa kwarto para magpalit ng damit at magayos.
So now, I'm wearing my white off shoulder boho style long dress and black thick platform muffin sandals. I even watched a tutorials on how to beach waves my hair. Bago ako lumabas ng kwarto, kinuha ko ang bag ko at nilabas aang mahiwagang pabango. Pinanligo ko yung pabango na bigay saakin ni Luke.
"Ang ganda naman. Saan ang punta mo? Diba sabi ni Sir Raze wag ka daw lalabas?" Pangeechos saakin nito si Andrei.
Kalalaking tao napakaechosero. Saang lupalop ng mundo kaya ito kinuha ni Chairman?
"May lakad kami ni Sir Raze." Sabi ko habang inaayos ang damit ko.
Napatango naman ito at napapangiti na parang tanga. Tinabihan naman siya ni Abi.
"Liana, goodluck sa date ninyo ah." Nagwave pa saakin si Abi bago ako umalis.
Dumiretso naman ako sa lobby ng hotel at panay ang pagsilip ko sa phone. Baka kasi nagmessage na si Sir Raze saakin. Ano kayang meron at inaya niya akong lumabas? Baka naman mamaya papaglinisin niya lang ako o uutusan.
Nagulat naman ako ng may humila saakin at dinala ako sa isang sulok.
"Teka! Masisira beauty ko niyan eh!" Sigaw ko pa.
Ngayon ko lang namalayan na si Sir Raze pala itong nanghila saakin.
"Sir, ano pong pumasok sa isip niyo at bigla niyo po akong hinila dito para magtago?" Luminga-linga pa itong si Sir Raze na parang may pinagtataguan.
"Tch. Wag kang maingay may tinataguan ako." Muli niya na naman tinignan ang buong paligid.
"Eh bakit sinama niyo pa po ako?" Hindi naman siguro ako mukhang pader para pagtaguan niya.
Ang tangkad niya kaya, tapos sa likod ko siya magtatago? Kahit anong gawin niyang pagtago eh makikita at makikita pa din siya nung pinagtataguan niya.
Ngayon ko lang din napansin na ang isip bata pala ni Sir Raze para makipaglaro ng tagu-taguan. Dito niya pa talaga naisipang makipaglaro ng tagu-taguan. Dito pa talaga sa hotel na ito.
"Madaldal ka. Baka kapag nagtanong yun sayo, sabihin mo." Bulong niya.
May pabulong bulong pa siyang nalalaman. Sinabihan pa akong madaldal. Buti na lang at hindi ko pa nakakalimutan na boss ko siya dahil kung hindi baka kanina pa yan pinaglalamayan.
"Sino po ba kasi ang tinataguan niyo?"
____________________________________________So, if you've enjoyed reading this chapter, share your thoughts on twitter using the hashtag #NTICLY
May pa-hashtag at share ng thoughts pa tayo sa twitter para naman makita ito ni Liana at malaman natin kung ano ang susunod na mangyayari sa next chapter.
Thanks for reading!! 😊
BINABASA MO ANG
Never Thought I Could Love You (Montereal Series #1)
HumorLiana Kyrie Buenaventura will work as a secretary in Montereal Company where she first met the cranky and cold-hearted man, Raze Adler Montereal.