"What are you crying at?" Tanong ni Chairman saakin.
Dali-dali ko itong pinunasan. Pagdating talaga sa bestfriend ko ganito ako. Hindi niya lang ako pansinin umiiyak na ako. Hindi niya lang ako kausapin umiiyak na ako. Feeling ko kasi hindi niya na non ako bestfriend. Parang bata lang no? Ewan ko ba bakit ganon ako.
"Liana?"
"Ahh. Wala po ito. Hindi naman po ito luha." Pagsisinungaling ko.
"Then, what's that?" Tinuro niya pa ang mata ko na medyo nagtutubig.
"Nagpahid po kasi ako ng efficascent oil sa mata ko. Kaya ayan po mahapdi at nagtutubig ang mata ko."
"What? Hilamusan mo na yan pag na-irritate ang mata mo niyan."
"Joke lang po! It's a prank! Luha po talaga yan. Kahit tikman niyo pa po. Maalat."
Oh diba! Nakakahiya talaga ako. Baka sabihin ni Chairman ang dugyot ko naman.
"Tell me. Ano bang iniiyak mo sa labas? Ang sabi mo may tatawagan ka lang?"
Sasabihin ko ba? Mabait naman si Chairman ehh.
"Wala po. Nagtatampo po kasi siya saakin tapos sinigawan pa po niya ako."
"Who? Your boyfriend?"
Boyfriend agad? Maissue talaga itong zi lolo niyo.
"Luh! Mukha po ba akong may jowa sa paningin niyo?" Natawa naman siya.
"Hindi. Sino ba yun, iha?"
"Bestfriend ko lang po. Ang issue niyo po ah."
"Bakit naman siya nagtampo?"
Pumasok ako ulit sa office niya para dito ipagpatuloy ang kwentuhan.
"Taray! Gusto niyo pong makipagchikahan ah."
Nagtawanan naman kaming dalawa.
"Nagaway ba kayo?" Agad sumeryoso ang mukha ni Chairman.
Ang galing ah! Bilis mag change ng facial expression.
"Nagalit po siya saakin dahil hindi ko po sinabi na magiging maid po ako at titira sa mansion ninyo. Daig niya pa nga po sila Mama at Papa eh. Nasayang din po kasi yung oras niya kanina. Palagi niya po kasi akong hinahatid papunta po sa trabaho ko kaya din po siguro siya nagtatampo dahil hindi ko po sinabi na hindi po ako papahatid sakaniya." Kwento ko.
Napatango naman itong si Chairman.
"You know what, she's just being protective. Syempre ayaw niyang maging maid ka knowing na isa kang college graduate and nasayang din ang effort niya sa pagpunta sa bahay ninyo kanina."
Ano daw? She? Babae?
"Tama po ba ang narinig ko? She? Bakla po ang bestfriend ko?" Nagulat naman itong si Chairmab.
"I don't know. Wait! Your bestfreind is a guy?"
"Opo."
"Sorry. I thought your bestfriend is a girl."
Ahhhh. Kaya pala she ang ginamit niya.
"Hindi po no." Tumawa pa ako pero plastik lang yun.
"Maybe he likes you." Ako? Gusto ni Luke? Hindi!
Diring-diri kaya saakin yun.
"Luh! Ang issue niyo po ah!"
"Malay natin diba?"
"Hindi po ako sanay sa ugali niya ngayon. Dati po kapag may problema ako sakaniya po ako lumalapit eh."
"Bakit hindi mo siya kausapin ng personal? Bestfriend mo kayo. Sobrang lalim na ng punagsamahn niyo. Papayag ka ba na habang buhay na kayong ganiyan? Mas masosolusyunan ang problema kung pinaguusapan. Magusap kayo. Ayaw niyo naman sigurong mag-friendship over kayo dahol alng diyan."
Wow! Galing mag- advice ng lolo niyo. Palakpakan 👏👏👏
"Taray! Alam niyo po yung FO?"
May pa-FO-FO pang nalalaman ang Lolo niyo.
"Friendship over? Aba syempre! Hindi porket matanda ako hindi ko na alam yun."
Taray talaga ng Lolo ni Sir Raze eh.
"Pero paano po kung ayaw niya po akong kausapin? Pipilitin ko po siya?"
"Wag mong pilitin. Masama ang pinipilit. Hayaan mo muna siya. Maybe he needs more time. I know he understands you, sadyang sarado lang ang tenga niya at ayaw ka niyang pakinggan."
"Time and space? Ano po kami? Magjowa? Wow!" Natawa naman si Chairman.
"Hindi lang naman mag-boyfriend o girlfriend ang nangangailangan ng time and space. Minsan pwede din ito sa magkaibigan, sa magasawa, magkaptid, magnanay o magtatay."
"So minsan lang po pwede?"
Sabi niya kasi minsan lang daw eh.
"Kung gusto mong araw-araw, why not?"
Ayun naman pala. Pwede naman pala.
"Galing niyo pong mag-advice no? Pwede niyo po bang sabihin saakin kung kailan po ako magkakajowa? Mayaman po ba? Same age lang po ba kami. Saan po kami magkikita? Gwapo po ba? Siya na po ba ang mapapangasawa ko? Kailan po ang kasal namin? Ilan din po ang magiging anak namin?"
Tawa na ng tawa itong si Chairman.
"Hindi naman ako manghuhula, iha."
"Ganon po? Sayang! Akala ko po kasi manghuhula kayo eh. Hehehe sorry."
"Ayan! Wag kang iiyak. Wag mo masyadong dibdibin dahil may likod ka pa naman."
"May ganon po, Chairman?"
"Oo ganon yun, Liana. May hindi lang kayo pagkakaintindihan. Wag mo yun masyado isipin."
"Tama po kayo Chairman. Sayang naman po ang brains ko kapag yun na lang po palagi ang iniisip ko. Alam ko din naman pong hindi ako matitiis nung bestfriend ko. Yun pa! Hindi po yun mabubuhay hanggat wala ako. Till death do us part! Oh Chairman yung 'till death do us part' ay hindi lamang po para sa mga mag-asawa yan ahh. Minsan pwede din ito sa magkaibigan, magkaptid, magnanay o magtatay."
Natawa naman si Chairman dahil ginaya ko lang ang sinabi niya kanina. Alam niyo naman ako, number 1 gaya-gaya. Buti na labg at madali kong mamemorize ang mga sinasabi ni Chairman. Nakatatak talaga sa utak ko yun ehh.
"Ginaya mo lang ang sinabi ko kanina tungkol doon sa time and space."
Masarap pala kausap itong si Chairman. Madami siyang alam sa buhay.
"Ang dami niyo pong alam no? Lalo na pagdating sa buhay buhay. Halatang madami po kayong pinagdaanan. Halata po kasi sa edad niyo."
Natawa naman si Chairman.
"Liana, masyado naman yatang pasmado yang bibig mo. Wag ka na lang tatabi saakin, dahil mas lalong mahahalata ang edad ko kapag katabi kita."
Ayy! Ayaw akong katabi ni Chairman. Ang sama!
"Luhh!!"
Nagtawanan naman kaming dalawa nahinto lang yun ng may biglang pumasok na isabg seryosong demonyo. Yung feeling na mag-f-freeze ang buong paligid dahil nandiyan na siya. Walang iba kundo si Sir Raze. Napatayo naman si Chairman at hinarap itong si Raze.
Sisigaw na yan in 3.....2.....1..... Go!
Ayy wala?? Sabagay, nandiyan ang Lolo niya. Malamang matatakot yan.
"Liana, go to my office."
Nagkatinginan kami ni Chairman.
Oh my!!! Hindi talaga ako kay Chairman mamatay ehh. Dito talaga kay Sir Raze.
Malamang ililibing niya ako ng buhay.
____________________________________________So, if you've enjoyed reading this chapter, share your thoughts on twitter using the hashtag #NTICLY
May pa-hashtag at share ng thoughts pa tayo sa twitter para naman makita ito ni Liana at malaman natin kung ililibing ba si Liana ng buhay ni Sir Raze
Thanks for reading!!😊
BINABASA MO ANG
Never Thought I Could Love You (Montereal Series #1)
HumorLiana Kyrie Buenaventura will work as a secretary in Montereal Company where she first met the cranky and cold-hearted man, Raze Adler Montereal.