"Reid is in the hospital."
Ano? Si Reid nasa ospital? Ano namang ginagawa niya doon?
"Ano po? Bakit po?"
"I don't know."
Minaneho na ni Sir Raze ang sasakyan papunta sa hospital. Naku!!! Ano kayang nangyari kay Reid? Bakit naman kaya siya isusugod sa ospital? Sana naman mali itong nasa isip ko.
"Dad are you okay?"
Nang makarating kami sa ospital, nakita namin kaagad si Tito. Nakaupo siya at nakaduko.
"I don't know." Sagot nito sa tanong si Sir Raze.
"How's Reid?" Ito namang si Sir tanong ng tanong ehh.
"I don't know. He's in the Emergency Room."
"What happened to him?"
Kinalbit ko si Sir at tinignan niya naman ako.
"Sir, wag niyo muna po siyang tanungin." Bulong ko kay sir Raze.
"Bakit naman?" Nakakunot ang noo ni Sir Raze.
"Sigurado pong nagulat po siya sa mga nangyari kay Reid."
Umupo na lang siya dito sa tabi ng Dad niya. Kaya umupo din ako dito sa tabi ni Sir Raze at hinihintay na lumabas ang doktor sa emergency room.
"Eh, How would I know what happened to my brother?"
Aha! May naisip na ako para diyan!
"Ako na pong bahala." Tumayo na ako pero nagulat ako ng tumayo din itong si Sir Raze.
"Wait, where are you going?"
Ayaw niya pa yata akong paalisin. Siguro baka mamimiss niya ako kaagad.
"Basta po." Sinenyasan ko siya na maupo na lang at manahimik sa tabi ng tatay niya.
Kumikirot pa din ang natapilok kong paa, pero hindi na ito kagay ng kanina. Ying tipong hindi talaga ako makalakad sa sobrang sakit. Naipahinga ko naman kasi ang paa ko sa kotse kanina. Kaya medyo nakakalakad na ako ng maayos.
Lumabas naman ako sa ospital. Hinahanap ko yung mga palaging nakabantay kay Tito. Malamang may alam sila sa nangyari kanina.
Pumunta ako dito sa parking lot. Baka nandito sila naghihintay. Hindi pa man ako nakakalapit sa isang kotse na sa pagkakaalam ko ay kay Tito, may lumapit na saakin na tatlong lalaki. Sila ang sinasabi kong parang alalay ni Tito.
Malalaki ang katawan nila, tamang tama lang na maging isa silang guard ni Tito. Nakakatakot din ang mga poker face nilang mukha.
"Manong, ano pong nangyari?" Tanong ko sa tatlo.
"Nabaril po si Reid." Sumagit ang isang lalaki na nasa gitna.
"Huh? Bakit po? Paano?"
"Dapat po talaga kay Sir Richard tatama ang baril pero tinulak po ni Sir Reid itong si Sir Richard. Kaya siya po ang natamaan."
Ahh. So niligtas ni Reid ang tatay niya? Kung hindi niya ginawa yun, malamang ang daddy niya ang nasa loob ng emergency room ngayon. Ang bait talaga ni Reid.
Kung si Sir Raze ang kasama ni Tito Richard malamang si Tito Richard ang mababaril. Pero ewan ko lang kung gagawin din ni Sir Raze ang ginawa ni Reid. Malay natin.
"Manong, wag na po kayong maglagay ng 'po' at 'opo' kapag kinakausap niyo po ako. Mas matanda po kayo saakin, kaya dapt po kayo ang ginagalang at hindi po ako."
Napansin ko kasi yun sakaniya nung kinukwento niya ang nangyari.
"Napakabait at napakagalang mo naman, iha." Pinuri pa talaga ako ni Manong.
BINABASA MO ANG
Never Thought I Could Love You (Montereal Series #1)
HumorLiana Kyrie Buenaventura will work as a secretary in Montereal Company where she first met the cranky and cold-hearted man, Raze Adler Montereal.