LUKE'S POV
Weeks had passed since the accident happened but up until now Liana is still unconscious.
Halos araw araw ay nandito ako sa ospital dahil nga ako ang pumapalit kila Tita at tito sa pagbabantay dito kay Liana. Naawa na ako sa pamilya ni Liana. Hindi na nila alam ang gagawin nila. Sa tuwing nakikita nila itong si Liana ay naiiyak sila.
Wala naman din akong magagawa. Hindi ko din naman alam kung kailan nga ba magigising itong si Liana. Palagi siyang tinitignan ng doktor kung ayos lang ba ang paghinga niya.
Sa ngayon ay wala pa namang pinapakitang sign si Liana na gigising na nga siya. Pero sana bukas o di kaya sa mga susunod na araw ay magising na siya.
Hindi pa din alam ni Raze ang nangyari kay Liana. Hindi naman din kasi ako nagagawi sa kompaniya nila Raze at hindi din naman kami nagkikita nung lalaking yun kaya hindi niya alam kung okay lang ba si Liana o hindi.
"Liana, Si Luke ito. Ilang linggo na pero hindi ka pa din nagigising, ano ng balak mo? Ganiyan na lang ba? Matutulog ka na lang ng matutulog? Sayang naman yang kapal ng mukha mo eh hindi mo nagagamit. Gusto ko na ding marinig ang boses mo." Palagi ko siyang kinakausap sa tuwing dinadalaw ko siya dito.
Malaking tulong daw yun sa paggising niya kung palagi siyang kinakausap. Yun nga lang eh bingi din itong si Liana, sa araw araw ko na pagkakausap sa kaniya na gumising na, eh hindi naman nangyayari. Hindi niya naman ginagawa. Kaya minsan eh nawawalan na din ako ng pagasa dahil ni minsan ay hindi siya nagpakita ng sign na malapit na siyang gumising o di kaya'y gigising pa siya.
"Liana, I love you and I always do. Alam kong alam mo na yun pero kahit ilang beses ko naman itong sabihin sayo eh alam ko namang walang magbabago. Alam ko na hanggang ngayon ay si Raze pa din naman ang mahal mo. Hinding hindi magbabago ang nararamdaman mo para sakaniya. Masakit man pero kailangan kong tanggapin. Hindi na din naman ako naghahangad na pag gising mo eh ako na ang mamahalin mo. Ang gusto ko lang naman ay magising ka para hindi na malungkot ang mga taong nagmamahal sayo. Lalong lalo na ang parents mo. Gumising ka na Liana." Hawak hawak ko ang kamay niya habang tinititigan siya.
Ang amo ng mukha niya kapag ganito. Hindi mo maiisip na isa siyang plastik na tao at may pagkamakapal ang mukha. Bahagya akong napangiti ng maalala ang mga katangahang ginagawa niya. Isa din yun sa mga dahilan kung bakit nagustuhan ko siya. Nakakatawa mang isipin pero totoo talaga yun.
Kahit na ganon ang ugali ni Liana, kahit na ang lakas ng topak niya eh nagustuhan ko pa din siya. May kabaitan naman din kasi siyang tinatago. Ewan ko ba sakaniya kung bakit palagi niyang sinasabi na plastik siya kahit hindi naman. Nakikita ko na mabait siya sa mga taong nakakasalamuha niya. Yun nga lang eh, palagi niyang sinasabi na MAS maganda daw siya.
Oo, maganda naman talaga siya kaya lang masyado niyang pinagsisigawan kaya palaging sinasabi sakaniya ni Tito eh itago na lang ang ganda niya at wag ng ipagsabi. Lumalaki kasi talaga ulo niya ehh.
Ito pa talaga ang isang nakakatuwa kay Liana, pinagkalat niya dati nung mga higj school pa kami na may gusto daw ako sa kaniya. Nagbibiro lang talaga siya non pero totoo talagang gusto ko siya.
Ewan ko ba sakaniya kung bakit napakamanhid niya. Naturingang matalino eh ang manhid manhid niya namang tao. Isa pa ito sa pinagdududahan ng lahat. Kung matalino nga ba daw siya, Oo matalino yan. Masyado lang lumalaki ang ulo.
Kada exam noong high school eh sakaniya magpapareview o magpapaturo ang mga kaklase namin maski ako, yun nga lang eh pinagkakitaan niya yun. Gusto niya daw eh may kapalit ang pagtulong niya saamin. Ang iba ay binabayaran siyang pera pero hindi niya yun tinatanggap. Pagkain kasi ang gusto niya na makuha. Wala siyang pakialam sa pera. Basta may dalang pagkain o pabango ang mga irereview niya, papayag siya.
Yun lang naman ang tanging kasiyahan ng babaeng yun eh. Kaya niya din siguro nagustuhan si Raze. Dahil mahilig din ito sa pabango. Marami silang pagkakapareho sa totoo lang. Bukod nga lang sa pagkamasungit na ugali nung Raze na yun. Hindi naman masungit si Liana eh. Gaya gaya lang talaga siya.
Maraming nakakatuwang personality si Liana kaya sobrang dami ding taong nagmamahal sakaniya. Kakaiba kasi si Liana. Siya yung babaeng napakaingay at chismosa. Halos lahat yata ng chismis eh alam niya. Maski ang mga balita sa ibang bansa ay inaalam para daw hindi mahuli sa update kung anong nangyayari sa mundo.
"Liana, marami ka ng namissed na chismis. Hindi ka pa din ba babangon diyan? Hanggang kailan ka ba matutulog diyan? Hindi ka ba nangangalay diyan sa posisyon mo? Hindi ka ba nahihirapn na palagi ka na lang nakapikit?" Nanlaki ang mata ko ng biglang may tumulong luha mula sa mata niya. Nakapikit pa din naman siya pero nakakagulat lang ang pagtulo ng luha niya.
Hindi ko inaasahan na mangyayari yun. Ito na ba yun? Magigising na ba siya?
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan dahilan para mapalingon ako dito. Si Tita lang pala. Katulad ng dati eh namumugto ang mata niya dahil sa pagiyak. Lumapit ito saakin.
"L-luke. Parang awa mo na oh. Gusto ko na talagang magising ang anak mo. Please Luke. Alam kong si Raze lang naman ang magpapagising sa anak ko kaya please.....please.... Punatahan mo siya. Kausapin mo siya. Bisitahin niya si Liana."
Matagal ko ng gustong gawin yan yun nga lang ay hindi ko alam kung papayag ba si Raze na puntahan si Liana matapos siyang iwan ni Liana. Nakita ko din kasi ang nakita ni Liana. May babae siyang kasama. Hindi ko alam kung bago niya bang girlfriend yun o kaibigan lang. Pero hindi naman siguro hahalik yung babae sa pisngi ni Raze kung hindi siya girlfriend nito diba?
Hindi ko din alam kung haharapin ba ako ni Raze kapag pumunta ako sa kompaniya nila. Alam ko kasing hindi kami close ng lalaking yun pero kung ito ang gusto ni Tita. Gagawin ko. Gagawin ko para magising na si Liana.
Baka tama si Tita na si Raze lang ang tanging paraan para magising si Liana.
____________________________________________So, if you've enjoyed reading this chapter, share your thoughts on twitter using the hashtag #NTICLY
May pa-hashtag at share ng thoughts pa tayo sa twitter para naman makita ito ni Liana at malaman natin kung ano ang susunod na mangyayari sa next chapter.
Thanks for reading!! 😊
BINABASA MO ANG
Never Thought I Could Love You (Montereal Series #1)
MizahLiana Kyrie Buenaventura will work as a secretary in Montereal Company where she first met the cranky and cold-hearted man, Raze Adler Montereal.