"Liana?"
"Reid?"
Dumating ang isang lalaking katamtaman lang ang taas pero mas matangkad itong si Sir Raze. Sobrang amo ng mukha nito. Alam na alam mo kaagad na mabait itong tao dahil nga sa ngiti niya at sa maamo niyang mukha. Palangiti din ito at napakafriendly niyang tao.
Siya lang naman si Reid. Siya ang naging kaibigan ko sa isang event na pinuntahan ko dati. Kasama ko noon si Papa doon sa event dahil siya ang kinuhang magluto. Sakto namang nandoon din si Reid na siyang nagaasikaso sa event. Nagkasundo kami kaagad dahil nga friendly siya.
"Wait, did you two already met?" Tanong ni Tito.
"Yes po Tito.
"Yes po Dad."
Bakit niya namang tatawaging dad si Tito?
"Daddy mo?" Tinuro ko pa nga itong si Tito.
"Yup! I am a Montereal."
"Owws? Bakit di ko alam?"
Magkatabi si Reid at ang kaniyang Dad habang ako naman ay katabi ko Sir Raze at katapat ko itong si Reid. Si Sir Raze naman katapat niya ang Dad niya.
"Because you didn't want to know."
Luh? Ako pa talaga nag may kasalanan non? Eh sa ayaw ko lang naman talagang alamin non.
"How did you two met?" Tanong naman ni Raze.
"Well, she's my friend of mine. Nagkasama kami sa isang event. Nakakagulat nga na siya pala ang girlfriend mo Kuya."
Anong sabi niya? I mean anong tawag niya kay Sir Raze? Kuya?
"Kuya mo?" Tanong ko. Tumango-tango naman siya.
"Yes. Like what I've said, I'm a Montereal. Your boyfriend is my eldest brother."
Woahh!! Oo nga pala. Kapag Montereal ang apelyido niya malamang may kinalaman din siya kay Sir Raze. Bakit hindi ko yun kaagad naisip? Mukhang natutulog yata ang brain ko.
"Ang liit naman pala ng mundo." Sabi ko pa.
"If the world is too small, then why we didn't find her?"
Huh? Sino naman ang tinutukoy ni Reid? Magsasalita na sana ako. As in nakabukas na talaga ang bibig ko para magsalita kaya lang sinarado ko ulit dahil nagsalita na itong si Sir Raze.
"We're not here to talk about that things. Let's just eat."
Buti naman at kakain na din kami. Kanina pa kasi sinerve ang pagkain at kanina pa ako takam na takam sa pasta na nakahain.
Ang sasarap naman ng pagkain. May pasta, chicken wings at marami pang iba. Kain lang ako ng kain. Hindi ko pinapansin itong si Sir Raze dahil hindi niya din naman ako pinapansin kahit din itong si Reid at ang Dad niya.
Naguusap lang ang tatlo. Hindi ako sinasali dahil busy na busy ako sa pagkain.
"Dad, Kuya. Do you want to come with me after this?" Tanong ni Reid.
Ayaw niya talaga akong isali sa pupuntahan nila. Sabagay, I'm not part of their family. I'm just his brother's girlfriend. Oh Taray!
"Where?" Napahinto si Sir Raze sa paglalaro sa tinidor niya at tinignan ang kaniyang kapatid.
"May event akong pupuntahan later after this, I hope you can come with me for me not to be lonely."
Malamang hindi sasama itong si Sir Raze, gaya nga ng sabi saakin ni Chairman. Puro pagtatrabaho ang inaatupag niya. Malamang mas pipiliin niya pang magkulong doon sa nakakaboring niyang office.
BINABASA MO ANG
Never Thought I Could Love You (Montereal Series #1)
HumorLiana Kyrie Buenaventura will work as a secretary in Montereal Company where she first met the cranky and cold-hearted man, Raze Adler Montereal.