CHAPTER 47

166 9 0
                                    

"My Mom."

I was shocked. Sobrang nawindang ako sa sinabi niya. Hindi ko naman kasi lubos akalain na sarili niyang nanay ang papagselosan ko.

Hindi kasi mukhang nanay sa picture. Mukha lang siyang dalaga. Maganda, makinis ang balat, maputi. Walang bakas na nanganak siya o nagkaanak siya. Mukhang magkasing edad lang kami.

"I don't want to talk about her but if you want, it's fine with me."

Nawala naman ang mga iniisip ko ng magsalita itong si Raze. Bakit niya naman ayaw pagusapan? Gusto ko sanang itanong. Gusto kong makasagap ng panibagong chismis pero mukhang ayaw niya naman.

"No, you don't need to tell me." Kunwari ay okay lang saakin pero kating kati na takaga akong malaman kung bakit.

Eh chismosa ako remember? Kaya dapat walang lumalagpas ng chika saakin. Kailangan ko yan marinig pero sa nakikita kong itsura ng butihin kong jowa eh mukhang hindi pa ito ang right time para sabihin niya saakin.

"I need to tell you this, since you're now part of my life."

Yung seryosong usapan tapos bigla siyang magsasabi ng 'you're now part of my life' my heart suddenly stopped for a moment with those words, it's like my heart will freakin explode because of happiness i didn't expect this would happen.

Wow english! Nakeri ko yun ahh. Ganon daw talaga kapag maganda tapos kinikilig ka. Oh ano? Bilib na naman kayo sa taas ng level ng confidence ko? Aba dapat lang no.

"If that's the case, then spill it." Mukhang mapapadalas na ang pagsasalita ko ng english ahh.

"That's my Mom." Pinoint niya pa ang finger niya sa picture na hawak ko.

"I admit that she's sweet, caring, and loveable. I love her not until she left. I don't know why. I don't even know where she is. Wala akong kaalam-alam kung anong rason. Hindi sila nagaaway ni Dad. Hindi ko alam ang rason niya." Pagkukwento niya na may halong lungkot.

"Naalala ko pa nung minsang kinausap ko si Lolo about her and he said that Mom needs more time to accept everything. Masyado pa daw kasi siyang bata nung dumating ako. She doesn't know how to be a mother. Yun ang sabi ni Lolo. Pero inalagaan niya naman ako eh. After niyang manganak dito kay Rhys. Pinaabot niya lang ng 1 year old si Rhys bago siya umalis."
Pagpapatuloy niya sa kwento.

Ako naman eh napapatango tango lang habang nakikinig. Iniimagine ang mga kinuwento niya.

"Are you mad?" Tanong ko sakaniya. Nanatili siyang nakaupo sa kaniyang swivel chair.

Bahagya siyang napayuko at nilagay ang daliri sa baba na tila ba ay nagiisip ng isasagot sa tanong ko.

"Yes. Mad to death." Sa wakas ay nakasagot din siya.

"But why?" May halong curiousity sa pagtatanong ko.

Syempre nagsalita na siya kaya lulubos-lubusin ko na, ano?

"She left us, Liana. You can't blame me. Anak ako at kailangan na kailangan ko ng isang ina na magaalaga saakin. Pero nasaan siya? Nawala na lang siya bigla. Ni hindi man lang siya nagpaalam saakin. Ni hindi niya kami nagawang balikan. Simula nung umalis siya eh nagkagulo na sa mansion. Tuloy ay naapektuhan ang ugali ng mga kapatid ko."

Halo halong emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya. Pero nangingibabaw ang dalawang emosyon dito. Yun ay ang lungkot at galit. Siguro malungkot siya dahil inaalala niya ang mga memories niya kasama ang nanay niya and galit at the same time dahil sa ginawa nito sakanila.

"Mapapatawad mo ba siya?" Nagbabakasakali ako sa sagot niya.

Oo, I can't blame him pero siguro naman eh kahit papano may chance na mapatawad niya ito.

Never Thought I Could Love You (Montereal Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon