Nanghihina na ako at nilalamig. Mukhang handang-handa na ang katawan ko para dito. Hindi ko lubos maisip ma ganito matatapos ang buhay ko.
Hindi ko man lang nakita ang pamilya ko. Napakasaklap naman ng katapusan ko. Hindi ko man lang naranasang magkajowa. Nakaranas naman ako kaso fake naman.
"Hoy Liana!"
It's a prank lang pala. Yung ilaw na nakikita ko kanina ay ilaw galing sa kotse mi Sir Raze. Masyado lang akong madrama.
"What are you doing here? Are you crazy? I already give you a money. And then, your just here?"
May payong siyang hawak kaya naman hindi na ako nababasa ng ulan dahil nakasilong din ako sa payong niya. Ang lapit kaya namin sa isa't isa.
"Sor, wala po akong masakyan eh." Nakita ko ang pag rolled eyes niya. Ang taray nga naman ng boss ko.
"Bakit kasi dito ka sa likod ng ospital nagaabang? Wala talagang dadaan dito dahil masyado ng late! Bakit hindi ka doon sa kabila nagabang!" Sigaw niya saakin.
"Bakit po kayo nakadaan dito kung sinabi niyo pong walang dumadaan na sasakyan?"
Ganito ba talaga kagulo kausap nitong boss ko?
"Gabi na! Kapag ganitong oras asahan mong wala ka ng masasakyan dito!"
"Oh bakit po kayo galit kaagad? Ahh. Edi maglalakad na lang po ako papunta sa kabila." Tinaasan niya ako ng kilay sa sinabi ko.
"Ang basa basa mo na. Tch!"
Tinignan ko siya.
"Ano pong gusto niyong gawin ko? Magpunas po sa damit niyo?"
"Let's go! Sumakay ka na sa kotse ko, nakakaawa ka naman."
Syempre napangiti ako sa sinabi niya.
"Wow! Nakakaramdam po pala kayo ng awa."
Pasakay na sana ako sa kotse niya kaso pinigilan niya ako.
"Oops! May sinabi na ba akong pumasok ka na sa loob?"
Lokong 'to gusto pa niya yata akong magkasakit dito.
"Huh? Wala pa po ba Sir?"
"Tch. Oh magpayong ka, may kukunin lang ako sa loob."
Binigay niya saakn ang kulay black na payong na hawak-hawak niya kanina. Bakit pa ako magpapayong eh basang basa na din naman ako?
Iniwan muna ako dito ni Sir dahil may kinuha siya sa loob ng kotse niya. Kalabas niya may bitbit na siyang towel. Wow! Boy scout? May tuwalya kaagad sa sasakyan niya.
"Oh ito magpunas ka!" Kinuha ko na yun kaagad.
"Sir, bakit po kayo may ganito sa kotse ninyo?" Siguro mau shampoo at may sabon din sa loob ng kotse niya no?
"Pamunas ko yan para sa kotse ko." Agad kong binalik sakaniya ang towel na binigay niya saakin.
"Tch. Ang arte! Hindi yan. Malinis yan. Bilisan mo na para makapasok ka na sa loob."
Nauna siyang pumasok sa loob. Medyo nabasa ng kaunti ang damit na suot-suot niya. Dahil nga naiwan saakin ang payong niya. Katapos kong magpunas. Pumasok na ako sa loob ng kotse niya. Bigla niya namang hinagis saakin ang isang jacket.
"Ano pong gagawin ko dito?" Binigyan niya ako ng tingin. Yung tingin na parang bored na bored siya.
"Ano bang ginagawa sa jacket?" Hindi niya pa ini-start ang pagmamaneho pero nakahawak na siya sa manibela at yung tingin niya nasa akin.
"Sinusuot po." Sagot ko naman.
"Tch." Inis niyang pinaandar ang kotse.
"Susuotin ko po?" Bigla siyang napapreno buti na lang at walang kotse o kahit na anong sasakyan dito.
"Tch. Oo!"
"Chill! Galit naman po kayo kaagad eh."
Hindi niya na ako pinansin dahil busy na siya sa pagmamaneho niya. Ako naman ay sinuot ko na yung jacket dahil nilalamigan na ako. Ang lakas lakas pa talaga ng aircon niya dito sa loob ng kotse.
Hindi man lang niya hininaan para saakin. Sabagay, ano pa nga bang aasahan ko diyan sa boss ko? Isinusumpa ko talaga na hinding hindi siya magkakajowa! Ever!
Tumingin na lang ako sa bintana at tinago ang kamay ko sa loob ng jacket kaso malamig pa din ehh. Kung alam ko lang sana kung paano hinaan ang aircon, ako na sana ang gumawa kanina pa.
"Tch. Bakit hindi mo sabihin kung nilalamigan ka? Hihinaan ko naman ang aircon. Pasalamat ka at may natitura pa akong kabaitan."
"Eh kung sasabihin ko po, ang isasagot ninyo. Inuutusan mo ba ako na hinaan ko ang aircon? Ganon po kasi yung mga linyahan niyo eh."
Inis niyang hininaan ang aircon.
"Galit ka po?" Tanong ko.
"Hindi!"
Hindi daw pero kung makasigaw, wagas! Ito talagang boss ko napaka-hot tempered!
"Bakit ang sama ng tingin mo saakin? Pinapatay mo na ba ako sa isip mo?"
Papakialaman niya pa yung mga ginagawa ko. Humarap ako sakaniya at nginitian ko siya kahit na hindi naman siya nakatingin saakin dahil tutok ang mga mata niya sa kalsada.
"Alam niyo po Sir, matagal ko na po kayong napatay sa isip ko. Nakaburol na nga po kayo ehh."
Nagulat ako nang bigla niyang hininto ang kotse. Bigla siyang humarap saakin at sinamaan niya ako ng tingin.
"Akala mo ikaw lang ang may kayang gumawa non? Nagawa ko na rin yan sayo no. Tapos ka ng i-burol. Nakalibing ka na. Matagal na."
Gaya-gaya talaga itong boss ko. Ginaya niya na nga ang pagiging chismoso ko tapos ginaya niya pa yung ginawa kong pagpapatay sakaniya sa isip ko. Lokong 'to ah!
Hindi na ako nagsalita. Baka mamaya ano pang masabi ko eh. Masisanti pa ako ng wala sa oras. Alam ko itong si Sir. Sabihin mo lang na pangit siya, sisanti ka na kaagad. Ganon talaga siya ka-sensitive. Kaya nga hindi na ako magtataka kung ako ikinakasal na tapos siya ayun tumandang binata.
Nakarating din naman kami kaagad sa bahay. Hindi pa man kami nakakababa, may isang lalaki ang papunta sa gawi kung nasaan ang kotse ni Sir Raze. Kilala ko ito ah!
Nauna na akong bumaba, sumunod naman si Sir Raze. Tinignan ako ni Luke, mula ulo hanggang paa. Nang matapos niya akong tignan, inilipat niya ang tingin niya sa boss ko.
Ang pula-pula ni Luke at parang galit na galit siya sa boss ko. Ano bang ginawa ni Sir Raze kay Luke?
"Hoy! Anong ginawa mo sa bestfriend ko?!"
____________________________________________So, if you've enjoyed reading this chapter, share your thoughts on twitter using the hashtag #NTICLY
May pa-hashtag at share ng thoughts pa tayo sa twitter para naman makita ito ni Liana at malaman natin kung ano ang susunod na mangyayari sa next chapter.
Thanks for reading!! 😊
BINABASA MO ANG
Never Thought I Could Love You (Montereal Series #1)
HumorLiana Kyrie Buenaventura will work as a secretary in Montereal Company where she first met the cranky and cold-hearted man, Raze Adler Montereal.