CHAPTER 40

180 9 0
                                    

Matagal-tagal na din akong nagtatrabaho sa kompaniya. Halos lahat dito eh naging kaibigan ko na talaga kahit na alam nilang plastik akong tao, eh palagi nila akong dinidikitan. Ganda ko daw eh!

Wala na din sa ospital ang kapatid ko at medyo nababayaran ko na yung mga utang namin. Yung pinasukan ko namang coffee shop dati hindi ko na siya pinapasukan ngayon. Ayaw ni Sir Raze. Pero kahit ganon dinagdagan niya naman ang sweldo ko.

"LIANA!!!" At sanay na sanay na din ako sa nakakarinding sigaw ng boss ko. Walang iba kundi si Sir Raze.

Nagtataka nga ako kung bakit hindi pa ako nabibingi dahil sa lakas ng sigaw niya para lang tawagin ang pangalan ko. Minsan iniisip ko din na baka gusto niya lang talaga ipagsigawan sa mundo ang pangalan ko, ganda daw kasi eh.

"Sir, nagagandahan na naman po kayo saakin ano? Okay lang po yan. Sana na ako." Binigyan niya naman ako ng isang matalim na tingin. Taray!

Inasikaso ko mun yung mga papers na dadalhin kay Chairman. Kung ano ano naman ang nakasulat at nakapirma dito.

"Maayos na?" Tanong ni Sir Raze saakin. Tumango naman ako at binitbit ang papers.

"Let's go. Gusto ni Lolo na samahan kita papunta sakaniya." Ay wow! Kailangan may escort ako?

Sabay na kaming lumabas ng office niya at gaya ng inaasahan, panay ang tingin saamin ng ibang empleyado ang iba sa kanila ay nagbubulungan ng kung ano.

Tumama naman ang tingin ko sa dalawang bruha. Yung mga tingin nila may halong pangaasar. Napaka big deal naman sakanila nito. Sinamahan lang naman ako ni Sir Raze eh. Ano bang problema doon?

"Oh hello lovebirds! Mabuti naman at dinalaw niyo ako ngayon. Maupo muna kayo." Bungad saamin ni Chairman.

Nilagay ko muna sa harapan niya ang mga papel na kailangan niya bago ako umupo sa tabi ni Sir Raze.

"So how's your day? Raze and Liana?" Tanong saamin ni Chairman habang sobrang laki ng ngiti niya.

"Were fine Lo." Sagot ni Sir Raze dito.

Napatango-tango naman si Chairman sa naging sagot sakaniya ni Sir Raze. Ako naman ay todo ngiti lang.

"Why don't you have a vacation? Since sobrang busy niyo dito sa Company and don't worry ako ang magbabayad." May kinuha si Chairman sa cabinet niya.

Taray! May pa vacation pa kaming dalawa ni Sir Raze. Akala mo naman talaga eh ganon kami kaclosed ni Sir Raze para magkaroon ng vacation kaming dalawa.

"Here. Maybe kayong dalawa na lang ang papapuntahin ko sa Ilocos." May inabit siya na kung anong papel kay Sir Raze.

Ilocos? Anong gagawin namin doon? Tinignan ko naman si Chairman ng may halong pagtataka.

"Magbubukas na tayo ng panibagong branch doon sa Ilocos. Kayo ang bahalang tumingin kung saan yung magandang spot para sa perfume line natin and right after makahanap na kayo pwede muna kayong magbakasyon doon." Paliwanag saamin ni Chairman.

"Lo, how about the company? If I'm coming with Liana?" Tanong ni Sir Raze.

Ayaw niya lang talaga akong kasama. Hindi niya naman talaga iniisip ang kompaniya. Kunwari lang yun.

"Don't worry my grand son. I'm here and also your Dad. Papayag ka bang iba ang kasama ni Liana doon?" Iling na lang ang naging sagot dito ni Sir Raze.

Katapos ng naging paguusap naming tatlo, bumalik na ulit ako sa trabaho. Naging busy ulit ang buong kompaniya dahil nga magtatayo na ng panibagong branch sa Ilocos.

"Excuse me, Miss. Nandito po ba si Mr. Raze Montereal?" May lumapit saaming lalaki na naka all black.

"Bakit po?" Tanong naman ni Marphy dito.

Never Thought I Could Love You (Montereal Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon