"Bakit ka nandito? Ikaw ba ang pinuntahan ko?" Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Luke.
Hindi ako makasagot dahil hindi pa din ako makapaniwala na nakatayo na siya sa harapan ko ngayon samantalang kanina tinitignan ko lang siya sa malayo.
"Ang sabi ni Jared pinapatawag mo daw ako?" Nagtataka lang ako bakit tinawag ako ni Jared gayong hindi naman pala ako ang pinunta niya dito.
"Sino naman yun? Hindi nga ikaw ang hanap ko dito."
"Eh bakit sabi ni Jared pinapatawag mo daw ako?"
"Malay ko dun." Hindi ko na lang siya tinignan.
Tumingin na lang ako sa ibang direksyon.
"Hoy! Usap tayo."
Tinuro ko ang sarili ko.
"Ako ba?" Tumingin tingin ako sa paligid.
"Sino ba yung bestfriend kong sensitive at OA? Ikaw lang naman yun diba? Tara usap tayo doon."
Baliw talaga iting si Luke. Ginu-goodtime niya lang ako kanina.
Umupo kaming dalawa sa couch kung saan siya nakaupo kanina.
"Kalat na kalat yang pangalan mo dito sa kompanya ng boss mo. Ano na naman bang ginawa mo?"
"Wala naman. Maganda kasi ako kaya ganon."
Yung itsura niya mukhang hindi siya naniniwala.
"Biro lang! Ganito kasi yun, inutusan ako ni Sir-"
Hindi niya ako pinatapos sa sinasabi ko.
"Sinagot sagot mo daw yung boss mo sa harap ng maraming tao. Nagsigawan kayong dalawa. Sinabi mong wag kang ipahiya. Wag ipahiya ang mga empleyado. Ganon ganon. Ganito-ganiyan. Tapos! Hindi yung ikukwento mo pa kung paano nagsimula. Nakaoras lang ang pagpunta ko dito oh."
Tinuro niya pa ang wrist watch niya.
"Wow! Alam na alam ahh. Chismoso! Katapos mo akong sigaw-sigawan sa telepono ginaganiyan mo ako ngayon?"
Ngumiti siya ng pagkalako laki.
"Syempre ganon talaga ako. Ganon din naman ikaw ahh. Hindi ka pa ba sanay?"
"Galit galitan. Magtatampo tampo. Tapos manghihingi ng sorry. Hindi ka talaga mabubuhay hanggat wala ako no? Sabi nga nila, Birds with the same feather flock together. Ganon tayo diba?"
Tinaasan niya naman ako ng kilay at parang diring diri sa mga pinagsasabi ko.
"Ewan ko sayo! Ang dami mong alam."
Kinuwento ko din sakaniya kung anong dahilan bakit ako pumayag doon sa offer ni Sir Raze na maging maid ako ni Rhys.
"Malaki nga ang sahod pero pwede mo din yun ikamatay. Kumakain ka nga wala ka naman sapat na tulog. Gusto mong magkasakit sa ginagawa mo?"
Kung makapagsalita parang boyfriend ko siya no. Kaso hindi ehh. Ganiyan lang talaga siya saakin. Mabait at concern siya saakin.
"Nagiipon kasi ako para doon nga sa itatayo kong business churva-churva. Tapos ako pa nagbabayad ng tuition ng kapatid ko."
Ayaw pa nga nun pumayag nila Mama at Papa na ako ang magbayad ng tuition ni Leo. Pero inako ko na. Sabi ko hayaan na lang nila ako. Gusto ko naman silang tulungan sa pagpapaaral kay Leo. Since one year na lang at matatapos na din siya sa pagaaral.
Para na din maitabi nila yung mga nakukuha nilang pera, gusto ko kasi may sariling pera din sila Mama at Papa. Kaya ayon, nagopen ako ng account sa bangko para sa kanilang dalawa. Tig-isa sila doon. Marami-rami na din naman ang mga nakalagay doon.
"Just leave that to me."
Napatingin naman ako dito kay Luke.
"Anong leave that to me? Ang alin? Yung tuition ni Luke?" Tumango naman siya.
"Yup! Mas makakapagipon ka ng mabilis kung hindi mo na din inaalala ang tuition ng kapatid mo. Ako na doon sa tuition niya."
Umiling ako kaagad, kahit gustong gusto ko na siya na lang talaga ang magbayad hindi pa din pwede. Baka sabihin ni Mama, mahiya ka naman sa bestfriend mo. May kaunting hiya pa namang natitira saakin kahit na may pagkamakapal itong mukha ko.
"Wag na. Kaya ko naman. May naiipon na ako para doon sa business na itatayo ko."
"Magbestfriend naman tayo ahh. Bakit ba ayaw mo?"
"Magbestfriend nga tayo. Hindi tayo magkapatid, mag-kuya, o magkamaganak para tulungan mo ako sa mga gastusin namin sa bahay. Kahit na ganito ang ugali ko, marunong din naman akong mahiya."
Natawa naman itong si Luke.
"Nice speech ahh. Tatandaan ko yang mga sinabi mo ahh. Marunong ka palang mahiya. Bayad!"
Nasa harapan ko ngayon ang kamay niya at nanghihingi ng bayad.
"Anong bayad ka diyan?" Nagtatakang tanong ko.
"Bayad doon sa mga lahat ng binili ko sayo. Simula noong high school ahh. Siguro umabot na yun libo. Ay hindi milyun-milyon na yata yun ehh." Sinamaan ko siya ng tingin.
"Sabi mo libre yun ehh."
Bigla namang may sumulpit na epal sa tabi ko. Si Jared.
"Hoy Liana, tawag ka ni Sir."
Istorbo talaga si Sir kahit kailan.
"Uuwi ka mamaya sa bahay niyo?" Tanong ni Luke at hindi pinapansin ang sinabi ni Jared.
"Hindi ko pa alam eh."
"Hoy! Update mo ako ahh. Baka mamaya hindi ko na naman alam kung saan kita mahahagilap. Basta text mo kaya o kaya call ka saakin. Umahos ka dito ahh." Tumayo na siya kaya tumayo na din ako. Dahil nga gaya-gaya ako.
"Oo sige! Ingat ka ah!!"
Tumingin siya sa wrist watch niya at nagmamadaling tumakbo palabas ng kompanya. Malamang late na yun sa trabaho niya kaya ganon na lang siya kung tumakbo. Napangiti naman ako. Nahinto lang ako sa kakangiti ng biglang dumating sa tabi ko si Jared.
"Liana, pasok na sa loob. Pag napagalitan ka na naman niyan kay Sir." Sinamaan ko lang ng tingin si Jared at bumalik na din sa office ni Sir.
"Ayaw palang kausapin ahh. Pero almost 30 minutes mo siyang kausap." Reklamo ni Sir.
Magagalit na naman niyan.
"Eh sabi niyo po saakin kausapin ko na."
"Kakausapin mo pero wag matagal. Wag kang ngang abusada. Pinagbigyan na nga kita na kausap yung kaibigan mo ehh."
Abusada daw ako? Hindi ko lang namalayan yung oras eh. Sumosobra na yata yung bibig ni Sir.
Pumasok naman sa loob si Harlin. Isa din siya sa mga empleyado ni Sir.
"Sir, friday na daw po siya uuwi."
____________________________________________So, if you've enjoyed reading this chapter, share your thoughts on twitter using the hashtag #NTICLY
May pa-hashtag at share ng thoughts pa tayo sa twitter para naman makita ito ni Liana at malaman natin kung ano ang susunod na mangyayari sa next chapter.
Thanks for reading!! 😊
BINABASA MO ANG
Never Thought I Could Love You (Montereal Series #1)
HumorLiana Kyrie Buenaventura will work as a secretary in Montereal Company where she first met the cranky and cold-hearted man, Raze Adler Montereal.