CHAPTER 18

197 10 0
                                    

"Liana, go to my office."

Wow! Para niya naman akong aso. Ouch ah! Pero balak niya na yata akong sisantihin. Ganiyang-ganiyan din ang mga linyahan ng mga kontrabidang boss kapag sisisantihin na nila ang empleyado nila.

"Chairman help." Bulong ko pero alam kong narinig din ito ni Sir Raze.

"Were not yet done talking, my dear grandson."

"Grandpa, she's my secretary. Remember?"

"Yes, I know but I'm talking to her."

"We'll have something to do."

"Raze, let me finish this."

"Is that really important than mine?"

Ayan na! Rambulan na yan! Masusuntok na yan si Sir Raze dito kay Chairman dahil ganiyan ang tono ng boses niya.

"Okay fine."

Ganon na lang yun? Papayag si Chairman na saktan ako ni Sir Raze. Ang sama naman!

Wala akong nagawa kundi sumama kay Sir Raze ng tahimik. Alam ko kasing may kasalanan pa ako sakaniya. Dahil nga delikado na ang buhay ko kay Sir Raze dapat tahimik muna ako.

Pumasok na kami sa office niya. Si Rhys naman hindi ko nakita. Baka kasama nila Marphy at Rhea. Umupo na si Sir. Nakatingin siya saakin kaya napayuko na lang ako.

Naiilang ako kapag tinitignan ang beauty ko.

"Nasaan na ang tapang mo ngayon? Kanina ay todo bigay ka sa speech mo. Scared huh?"

Mukhang hinahamon ako nitong si Sir ahh. Takot daw ako? Mukha ba akong takot? Hindi kaya! Matapang ako! Hindi nga lang ngayon. May oras din ang tapang ko no.

"Let's go! Pupunta tayo sa mall."

Manlilibre kaya si Sir katapos ng ginawa ko kanina? Baka oo. Pinapahiwatig niya siguro na this is my last day to be with him. Ganon kaya yun?

Pinagdrive kami ni Manong Ferd papunta sa mall na sinasabi ni Sir Raze. Hindi naman malayo ang mall sa kompanya kaya agad namin itong narating.

Buti at nakayanan kong hindi magsalita. Kada-makikita ko kasi si Sir Raze naalala ko ang mga eksena kanina. Tumuloy kami sa isang boutique. Isa itong perfume line na pagmamayari ni Sir Raze. Maramng tao dito pero hindi naman na bago yun kay Sir Raze. Palagi naman silang may customer dito. Gustong gusto kasi ng mga tao ang amoy ng pabango nila.

Kinausap ni Sir ang mga empleyado dito. Tinignan ni Sir ang mga nakadisplay na perfume dito. Tinignan niya lahat ng mga pabango kung merong damage. Tinignan niya kung merong kulang. Tinignan niya din kung merong mali sa mga pangalan ng perfume.

Maraming bumibilib dito kay Sir Raze. Magaling siya pagdating sa mga pabango. Mabusisi niya itong tinitignan. Isang spray mo lang ng pabango alam niya kaagad kung anong flavor nito. Ganon kagaling si Sir Raze.

Nabibilib din ako sakaniya kaya lang hindi nakakabilib ang ugali niyang masungit, sensitive, seryoso at palaging galit. Hindi maganda sa paningin ko yun.

Bumalik din kami sa kompanya kaagad.

"Starting tomorrow, ukaw ang inaatasan ko para i-check ang perfume line natin sa mall. Kahit hindi mo ako kasama, pupunta ka pa din doon. Pa drive ka na lang sa mga driver sa mansion. Ikaw ang naka-assign na magreport saakin ng mga nangyayari sa shop. Tatanungin mo ang mga empleyadong nagtatrabaho doon palagi at sasabihin mo saakin ang mga sinabi nila sayo. You understand?"

Tumango lang ako dahil busy ako sa pagmememorize ng mga sinabi niya.

"Gusto kong magtake ng pictures sa shop. Everyday. Always."

Syempre tumango ulit ako dahil nagte-take note ako sa utak ko. Ganon kasi ako kagaling. Yung tipong yung utak ko may mga kamay para isulat yung mga sinabi ni Sir Raze. Kaya nga mabilis aong magmemorize eh. Tinutulungan kasi ako ng brain ko.

"Don't you have a mouth to answer?" Ayan na. Magagalit na naman yan.

"Meron po." Sagot ko.

"Tch. Your not talking because of what happened earlier? You must be proud of yourself because of what you've did. Pasalamat ka at di pa kita tinatanggal."

Edi wala akong ginawa kundi makinig, sumagot at tumango sa mga sinasabi ni Sor Raze. Sinunod ko din ang mga inuutos niya saakin.

*KNOCK* *KNOCK*

Sabay kaming napatingin ni Sir sa pintuan.

"Come in!" Sigaw ni Sir para marinig ng taong kumatok.

Pumasom sa loob si Jared, isa din ito sa mga empleyado ng kompanya.

"Sir, may naghahanp po kay Liana sa labas."

Saakin? Bakit naman nila hinahanap ang magandang nilalang?

"What would you want me to do then?" Ang sungit naman nito oh.

"Pwede daw po bang lumabas si Liana para kausapim yun?"

Napataas naman ang kilay ni Sir. Sa sobrabg taas pwede na itong maputol.

"Who the hell is that?" Ang init ng ulo ng boss namin.

"Bestfriend niya daw po." Sagot naman ni Jared.

Ano? Si Luke? Ano naman ang ginagawa niya dito? Akala ko bang galit siya saakin? Akala ko bang nagtatampo siya? Bakit ngayon ay gusto niya akong kausapin?

"Tch. Oras ng trabaho." Reklamo nitong si Sir Raze.

"Sir, hindi po ako lalabas dito. Jared, pwedeng pakisabi na busy ako?" Tumango naman si Jared.

"Ayaw mong makita ang bestfriend mo? Go and talj with your bestfriend."

Tignan mo, kanina nagrereklamo siya na oras daw ng trabaho bakit kailangan akong tawagin. Ngayon namang ayaw kong lumabas para kausapin si Luke, gusto niya na akong palabasin. Ang gulo!

"Sir wag na po."

"And why? Hindi mo ha namimiss anh bestfriend mo? I'm your boss. Go and talk with your bestfriend." Pagpupumilit ni Sir.

Tumayo siya at hinila ako papunta sa pintuan tsaka niya ako tinulak sa labas.

Ang sakit ah! Hindi magdahan dahan ehh. Ang over naman nitong si Sir.

Naglakad ako papunta sa lobby. Nakita ko siya doon sa isang cpuch na nakaupo. Nasa bungad lang ako at di nagpapakita sakaniya.

"Bakit ka nandito? Ikaw ba ang pinuntahan ko?" Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Luke.

Paaano siya napunta dito sa tabi ko? Ang galing naman! Paano niya ako nakita samantalang nagtatago ako ehh? Paano yun nangyari? Kanina lang eh tinitignan ko siya habang nakaupo siya sa couch. 
____________________________________________

So, if you've enjoyed reading this chapter, share your thoughts on twitter using the hashtag #NTICLY

May pa-hashtag at share ng thoughts pa tayo sa twitter para naman makita ito ni Liana at malaman natin kung ano ang susunod na mangyayari sa next chapter.

Thanks  for reading!! 😊

Never Thought I Could Love You (Montereal Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon