CHAPTER 38

166 11 0
                                    

Tinago ko ang mukha ko sa dibdib niya. Sobrang bango pala ni Sir Raze. Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko na para bang hinahagod ito.

"Umiyak ka kung gusto mo. I'm always here for you."

O__O 

Sinabi niya ba talaga yung words na yun? Teka! Bakit parang nagiba na naman yata ang pananalita ni Sir Raze? Bakit iba ang naramdaman ko nung sinabi niya iyon? Nababaliw na ba talaga ako?

Kumalas siya sa yakap at tinignan ako. Magkalapit pa din kami sa isa't isa. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinunas ang luha ko.

"S-Sir?" Ano ba yan? Nauutal tuloy ako sa mga ginagawa ni Sir Raze. Bakit niya ba kasi gagawin ito saakin? Napaka-awkward. Ano na lang sasabihin ng mga tao sa paligid namin diba? Masisira niyan image ko ehh.

Baka sabihin nila pumapatol ako sa boss ko o kaya naman sabihin nila na maharot ako. Juskoo!! Anong klaseng kaluluwa ba ang sumanib sa kaniya at ganiyan na lang siya kung kumilos? 

"I'm here to shed your tears. Magiging okay din ang lahat, Lianna. If you want, ako na ang magbabayad sa utang ninyo." Umiling aoo ng ilang beses.

"H-hindi na po. Kaya ko naman po."

Inalis ko na ang kamay niya sa magkabilang pisngi ko baka mamaya ano pa talaga isipin ng iba eh.

"Maybe Leo is now awake. Do you want to stay here for a while?"

Oo nga pala si Leo, baka gising na nga siya. Inayos ko na ang itsura ko. Pinunas ko yung  luha ko. Napakadrama ko naman yata ngayong araw.

Hindi na ako nagsalita at nauna na lang maglakad kay Sir Raze. Bumalik na ulit ako kung nasaan sila Mama. Nakasunod lang naman saakin si Sir Raze. Ang weird lang niya talaga ngayon.

"A-ate?" Napalingon ako dito kay Leo na nakahiga sa hospital bed at nakatingin saakin ng tuwid. Lumapit ako sa kaniya.

Nagsimula naman siyang umiyak sa harapan ko na siya namang ikinatawa ko.

"S-sorry......." hinawakan niya ang kamay ko at umiyak.

"Aysus! Para kang bata. Ano na lang sasabihin ng nililigawan mo sayo? Huh? Shh. Okay lang. Okay lang." Natatawa ako sa itsura ng kapatid ko.

Madalang ko lang siyang makitang umiyak ng ganito.

"Sorry talaga ate." Tumango tango na lang ako. Alam kong hindi yan titigil kakahingi ng tawad eh.

"Papatawarin kita, sa isang kondisyon. Wag ka ng iiyak ahh." Pinunasan ko na ang luha niya. Para talaga siyang bata eh.

"Hindi mo bagay umiyak. Ang pangit mo eh." Sinamaan niya naman ako ng tingin habang inaayos niya ang sarili niya.

"Ma, Pa, alis lang po ako ah. May pupuntahan lang po ako." Pagpapaalam ko katapos tumahan nitong kapatid ko.

"Where are you going? Just stay here with your brother." Hindi naman si Sir Raze ang kausap ko pero siya ngayon ang nagsasalita.

Hindi ko na lang pinansin si Sir Raze, pinayagan naman ako kaagad nila Mama at Papa sa gusto ko.

Babalik din naman ako mamayang hapunan, may kailangan lang akong gawin ngayon.

Napahinto ako sa paglalakad ng maramdamang may nakasunod saakin. Nilingunan ko ito at si Sir Raze ang nakita ko.

"Where are you going?" Tanong niya saakin.

"Sir, may kailangan lang po akong puntahan. Pwede na po kayong bumalik sa kompaniya." Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad.

Wala nga pala akong kahit anong dala ngayon. Kung makaalis ako akala mo naman talaga may pera ako ngayon dito. Bakit ba kasi naiwan ko yung wallet at phone ko eh. Naku naman!

Never Thought I Could Love You (Montereal Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon