Kasalukuyan kaming nasa kompaniya. Ito ako at nakatambay sa office ni Raze. Hindi naman niya ako inuutusan. Wala siyang pinapagawa saakin kaya wala akong ibang ginagawa kundi ang titigan siya.
Kung meron man siyang iuutos eh sa ibang tao niya papagawa. Kaya naman bored na bored na ako kanina pa. Nakaupo lang ako dito habang siya eh busy sa pagsusulat ng kung ano.
*KNOCK* *KNOCK*
Sabay kaming napatingin sa pintuan. Tatayo na sana ako para buksan ko kaya lang ay nabuksan na iyon kaagad.
Si Reid ang kumakatok kanina. Ano naman kayang pakay nito?
"Kuya, may dinner daw mamaya." Pagaanunsyo nito sa nakakatanda niyang kapatid.
Napakunot naman ang noo nitong si Raze at tinigil muna pansamantala ang kaniyang ginagawa.
"Why?" Tipid niyang tanong.
"Sinabi ni Dad." Sagot ni Reid dito.
Taray talaga ng pamilyang Montereal, hindi yata sila sabay sabay magdinner ehh kaya naman napatanong ng bakit itong si Raze. Sabagay parr-pareho silang busy so siguro wala ng panahon para magsabay sabay pa silang kumain.
"Dinner for?" Muling pagtatanong ni Raze dito.
"I don't know. Yun lang ang sinabi."
So kapag magdinner sila ng sabay sabay eh dapat may valid reason ganon? Dapat may announcement na sasabihin ang isa saknila kapag nagdinner ng sabay sabay? Iba din ang mga Montereal.
"Babe! Liana!" Sigaw naman ni Raze sa pangalan ko.
Tignan mo nga naman ang isang ito. Sigawan ba naman ako?
"Oh? Makasigaw ka parang ang layo ko sayo!" Samantalang magkaharao lang niyan kami.
"Hindi tayo matutuloy mamaya."
Nagbalak kasi siya na magdinner kami mamaya sa isang restaurant. Masarap daw ang pagkain kaya gusto niyang matikman ko ang mga luto doon.
Kaya lang mukhang hindi ko na matitikman yung mga tinutukoy niya dahil nga hindi na kami tuloy.
"Paasa! Amp! Sige lang. Okay lang naman saakin. Naiintindihan ko naman na yung boyfriend ko ay isang Montereal." Kunwaring pagtatampo ko.
Nakita ko ang pagirap ni Raze. Ang sarap din talagang tusukin ng mga mata niya ehh. Yung iba kapag nagtatampo girlfriend nila eh agad suyo, eh itong boyfriend ko hindi niya yata alam ang salitang 'suyo'
"Here she goes again. My dramatic girlfriend." Habang sinasabi niya yun eh panay ang pagikot ng mata niya na akala mo babae diya na nagmamataray.
"Ang drama naman Liana. Isama mo na yan Kuya." Tawa pa ng tawa itong si Reid.
Buti pa itong si Reid eh naisipan akong isama. Kaso baka sabihin nila na hindi naman ako part ng family so bakit ako nakikidinner sa kanila? Baka mamaya ano pang isipin nila saakin kaya mas mabuti pa na wag na lang muna akong sumama.
Nagmumukha kasing hindi pa ako nakaranas ng dinner. Ganon yata ang pinamumukha ng mga ito saakin ehh.
"And why?" Pagsusungit ni Raze.
"Pinapasama siya ni Dad." Simoleng sagot ni Reid.
Tuwang tuwa naman ako sa nalaman ko. Hindi naman nagsasabi si Tito na may gusto pala siya saakin pero sorry siya kasi nga hindi ko siya gusto. May Raze na ako eh. Sapat na saakin ang isang Montereal na si Raze. Tsaka masyadong matanda si Tito para saakin.
Pansin ko naman ang pagtingin saakin ni Raze habang nakangisi.
"Edi tuwang tuwa ka ngayon?" Sambit nito habang nakatingin pa din saakin.
BINABASA MO ANG
Never Thought I Could Love You (Montereal Series #1)
HumorLiana Kyrie Buenaventura will work as a secretary in Montereal Company where she first met the cranky and cold-hearted man, Raze Adler Montereal.