"Hoy! Anong ginawa mo sa bestfriend ko?!"
Ang sakit sa tenga nung sigaw ni Luke. Nagkatinginan naman kami ni Sir Raze. Sunod na tinignsn ni Sir Raze itong si Luke. Pareho nilang tinignan ng matalim ang isa't isa. Na para bang magkakaroon ng war sa pagitan nilang dalawa. Digmaan na ba this? Oh no!
Magre-react palang sana ako, kaya lang naunahan na nila ako. Galit na galit na tumingin si Luke kay Sir Raze tsaka niya ito sinugod at binigyan ng isang malakas na suntok.
"Hoy Luke! Ano ka ba? Boss ko yan! Tumigil ka na!" Pangaawat ko sa bestfriend ko.
Bakit niya naman kasi biglaang sinuntok itong boss ko? Tinignan ako ni Luke.
"Akala ko bang boyfriend mo yang lokong yan?!" Tanong niya saakin.
"Don't mess with me!" Bigla namang sumigaw itong si Sir Raze. Nagkaroon siya ng sugat sa gilid ng labi. At may pasa din siya sa pisngi.
"At bakit naman?" Hinarap ulit siya ni Luke. Juskoo!! World War III na ba?
"You don't know who am I."
Wow naman! English ahh. Akala mo nasa isang pilikula itong si Sir Raze.
"Kilala kita! Ikaw si Raze diba? Kung boyfriend ka talaga ng bestfriend ko, edi sana hindi mo siya pinababayaan na mabasa ng ulan!"
Ganoon ba ang duty ng isang boyfriend? Weh? Di nga? May ganon bang rules?
"Bakit mo ba kami pinapakialaman? This is our life, dude! Not yours! May gusto ka ba sakaniya?" Bakit naman yan sasabihin ni Sir Raze.
Wala naman gusto saakin yang si Luke ahh.
"Kailangan kong pakialaman ang buhay niya dahil bestfriend ko siya! Hoy! Iniingatan ko si Liana! At wala akong gusgo sakaniya. Concerned lang ako sa bestfriend ko."
Wow! Nice speech, Luke! Baka magka-award ka pa niyan ahh. Ganda ng linyahan ehh. Tinignan naman ni Sir Raze si Luke.
"Blah. Blah. Blah. Shut the fuck up, dude!"
Ang angas ng datingan ni Sir Raze ahh. Loko-loko!
"Wag mo nga akong tawaging, dude!" Sigaw ni Luke kay Sir Raze.
Teka nga! Hindi ba dapat ay umaawat ako sakanila? Bakit nanonood lang ako dito? Sabagay, hindi na sila nagsusuntukan.
"Fine! Were not closed pala to call you dude!"
Nagkamali ako doon sa sinabi ko na hindi naman sila nagsusuntukan. Dapat pala kanina pa ay inawat ko na ulit sila.
Sinuntok lang naman ni Sir Raze itong si Luke.
"Hoy! Tama na!" Pinaggigitnaan nila akong dalawa.
"Why would I stop? Eh nauna yang bestfriend mo! He punched my handsome face! Malamang gaganti ako! What would you want me to do then? Patawarin lang siya sa ginawa niya? No way! Dapat ko din siyang suntukin para hindi lang ako ang makakakuha ng pasa."
So kailangan talaga makaganti siya dito kay Luke, dahil lang sinuntok ang mukha niya? Lecheng 'to! Nakuha pang magyabang! Sabihin ba naman niyang 'He punched my handsome face!' Ang yabang nga naman oh!
"Kung mahal mo si Liana, dapat hindi mo siya inuuwi ng ganiyan ang itsura!"
Pati ba naman ba sa pagmamahal may rules and regulations? Nakakaloka naman!
"Tch. Ang daming alam. Kung mahal mo ang sarili mo, lumayas ka na sa harapan ko baka makapatay pa ako ng wala sa oras!"
"Edi makukulong ka! Tara sa korte oh! Hindi mo din alam kung sinong kinakalaban mo! I'm Attorney Luke Mendez. Anong laban mo saakin?"
"Kung ipapakulong mo man ako, kayang kaya ko ding lumabas sa kulungan agad-agad."
Tumawa naman itong si Luke.
"Anong gagawin mo? Tatakas ka? Nakakatawa!"
"Gago! May pera ako! Sa tingin mo tatakas ako? Hindi! Kaya kong piyansahan ang sarili ko!"
"Eh ano ngayon kung may pera ka? Alam mo kapag muder ang kaso, hinding hindi ka na makakalabas sa kulungan. Murder is a crime of unlawfully killing and with premiditation."
Ang galing naman ni Atty.
"Bakit? May sinabi ba akong papatayin talaga kita? Napatay na kita kanina pa. Sa isip!"
"Gago 'to ah!"
Oh diba! May natutunan saakin si Sir Raze.
"Mas gago ka! Dahil hinayaan mong mapunta saakin si Liana!"
"Wala naman akong gusto kay Liana. Ibibigay ko siya sayo kung yan ang gusto mo. Pero ito ang tatandaan mo, kapag sinaktan mo yang kaibigan ko. Ako ang makakalaban mo. Sa korte tayo tutuloy!"
Tinaasan ni Sir Raze ng kilay si Luke.
"Sa korte? Anong kaso ko? For breaking Liana's heart? May ganon ba? Nagpapatawa ka yata! Mabuti sana kung pinatay ko si Liana. Makakasuhan talaga ako. Pero yung sinaktan ko si Liana? Are you kidding? Lawyer ka ba talaga?"
"Tch. Ang tanong, boyfriend ka ba talaga ni Liana? Tandaan mo lawyer ako."
Papalit palit ako ng tingin sa dalawang unggoy na nasa harapan ko.
"Tch. So what if you're a lawyer? I'm a Montereal!" Pagmamayabang pa dito ni Sir Raze.
"Eh anong pake ko kung isa kang Montereal? Bakit hindi tayo sa korte magaway?"
Tignan mo nga naman oh! Palaban din itong bestfriend ko, ano? May lahing warfreak itong si Luke. Ayain ba naman sa korte si Sir Raze?
"Huwag mo ngang idamay yang pagiging Attorney mo dito. Tch. Wala akong ginawa diyan kay Liana. Kung meron man baka patay na yan at pinaglalamayan mo na. But for ypur information, I'm not that stupid to do those things! Hindi ko hahayaan na makatapak ako sa korte na pinagmamalaki mo!" Ang angas angas talaga ni Sir Raze ahh.
"Edi wag mo din idamay ang apelyido mo! Puro ka na lang Montereal, Montereal. Ikinayaman ko ba yun?"
Hindi ako makapasok sa eksena ahh. Kapag binabalak ko na pumasok eh, agad naman magsasalita ang isa sakanila. Tuloy ay hindi ko sila maawat. Paano ba ako makakaeksena?
Kung sisigaw ako baka marinig nila Mama at Papa. Lagot ako non. Sasabihin nila na 'nageeskandalo ka? Edi maglagay ka ng camera at ng stage diyan ng magkaroon ka ng audience at magviral ka!' Mga linyahan talaga nila Mama at Papa ehh.
"Tch. Ikaw sumosobra ka na ahh!"
Agad naman nitong sinugod ni Luke. Sinunggaban niya ito ng isang malakas na suntok dahilan para mapasigaw na talaga ako ng malakas.
"HOY! TUMIGIL NA NGA KAYO!!!" Sigaw ko pero hindi sila natinag sa boses ko.
Tignan mo nga naman, ang kukulit ehh! Ang pasaway! Akala mo naman eh may ambag sila sa ekonomiya ng Pilipinas.
"TAMA NA! PWEDE BA?!!" Muli akong sumigaw.
Halos mawalan na ako ng boses kakasigaw pero hindi pa din sila tumitigil.
Hinayaan ko na lang sila at tinignan dahil nakaramdam ako ng hindi kaaya-aya. Para bang nahihilo ako na nasusuka na ewan. Umiikot ang paningin ko. Nagiging apat silang dalawa sa paningin ko.
Unti-unti ding nanlalambot ang mga tuhod ko dahilan para mapahiga ako sa lupa na tinatayuan ko.
Naramdaman ko na lang ang unti-unting pagpikit ng mata ko at ang malakas na pagkalabagsak ko.
"LIANA!"
"LIANA!"
____________________________________________
BINABASA MO ANG
Never Thought I Could Love You (Montereal Series #1)
HumorLiana Kyrie Buenaventura will work as a secretary in Montereal Company where she first met the cranky and cold-hearted man, Raze Adler Montereal.