Araw nang Linggo
Siguro para sa mga ibang tao ang linggo ay nakaimportante para sa mga ibang pamilya na tutungo sa simbahan para sabay sabay na manampalataya.Samantang sa iba naman anh araw nang linggo ay ang araw nang pagpapasyal nila sa mga mall.
Pero para sa akin ang linggo ay nakapasalimuot na araw.Napakalungkot na parang gusto mo nang mawala ang araw nang linggo.
Maaga palang ay handa na ako para pumunta sa pinakaimportanteng lugar para sa akin.Ang lugar na kung saan hinding hindi ko pwedeng makalimutan na puntahan bawat linggo.
Sa Mental Hospital
Tama kayo nang nababasa pupunta ako sa Mental hospital para dalawin ang pinakamahalalagang tao sa buhay.
Ang mga Magulang ko.
Suot ang simpleng white t-shirt dahil alam kong gusto ni Mama ang kulay na puti at simpleng ripped jeans kapares nang black shoes.
Walang emosyon akong lumabas sa bahay.Sa bahay na ako lang ang nakatira agad kong nilock ang gate bago ako umalis.
Sakay nang isang tricyle ay nakarating ako sa Mental nang alas niebe nang umaga.
Nandito ako ngayon sa harap nang Mental at tinitignan ang harap nito.
"Maganda Umaga Millie"nakangiting bati sa akin nang guard dito.
"Maganda Umaga Kuya Nik"bati ko.
Lagi akong nandito tuwing linggo kaya hindi na ako magugulat kong kilala na ako nang mga tao dito at kilala kuna din sila.
"Maghapon kaba dito?"tanong niya sa akin.
"Hindi ko alam kuya"tugon ko at Nagpaalam na sakanya.
Pagbumibisita ako dito ay nakaka abot ako nang Maghapon at sa gabi nalang uuwi minsan naman saglit lang.
Nang makapasok ako sa loob ay agad kong tinahak ang daan kong saan namamalagi sila Mama.Habang papunta ako doon ay marami din ang mga taong bumibisita sa mga kamag anak nila na nandito din.
Malayo pa lang ako ay nakikita kuna ang hinahanap ko.Ang taong mahigit anim na araw ko hindi nakita.Nakatalikod ito habang pilit na kinakausap siya nang isang Nurse.Makita ko pala mang ang kanyang likod ay gusto nang tumulo nang mga luha ko.
Agad kong pinunasan ang luhang takas.At huminga muna nang malalim bago simulan ulit na maglakad papunta sa kanila.Malapit na ako nang makita ako nang Nurse ni Mama.
"Medyo maaga ka ngayon ah"nakangiting bungad sa akin ni Nurse Lai.
"Sakto lang"sabay tingin ko sa relo ko at peke akong ngumiti sakanya.
"Ano kaba Millie hindi mo kailangan ngumiti kong hindi mo gusto"seryosong sabi niya.
"Ano kaba"kunwaring patawang tugon ko.
"Oh,siya maiwan kuna kayo nang Mama mo"ngiting sabi niya pagkatapos ay umalis na.
Ngumiti nalang mang ako at tinitigan muna ang likod ni Mama at dahan dahan na lumapit sakanya.
Paglapit ko sakanya ay agad ko siyang hinarap.At kaya nang dati walang kabuhay buhay ang kanyang mga mata ang mga labing wala hugis at nakatulala lamang siya.Hawak hawak ang isang manika niya.
"Hello po Mama"masiglang sabi ko habang nagmamano sakanya.
Gaya ulit nang dati at bawat linggo wala akong nakuhang sagot kay Mama.Napangiti nalang ako kasi ngayon hindi na masakit dahil siguro nasanay na ako.
"Ma kumusta kana?"tanong ko sakanya."Mukhang okay ka naman mama"ngiting sabi ko.
Ilang minutong ganun ang pwesto namin.Na puro kwento ako sakanya kong ano ang nangyari sa akin sa mga nakaraang araw.Pero tulala lang siya.
YOU ARE READING
Hate and Love me[COMPLETED]
RomanceAt the age of seventeen Millie Jes Alcantara was living alone in their lonely home. Her parents have a mental health issue that needs intense attention so they are in the hospital. She fully imagined that she would be sad her whole life until she me...
![Hate and Love me[COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/235345976-64-k223292.jpg)