Pagkagising ko hindi ako makahinga nang maayos na para may bumabara sa ilong ko.Kaya na dali dali akong bumangon at pumunta sa banyo para makita kong ano ang nakabara.Pero pagdating ko doon ay wala naman nakalagay na kahit ano sa mukha ko.Napatitig naman ako sa mukha ko nang ilang mga minuto.Gulo gulo ang buhok na may laway pa na natuyo sa gilid nang labi ko at kitang kita ang pinag ipunan kong eyeball ganyan lang naman ang itsura ko ngayon at sa araw araw na gigising ako.Habang tinititigan ko ang mukha ko ay may bigla nalang lumabas sa ilong ko.Sipon
Sinuswerte ka nga naman oh nagkasipon pa ako.Medyo nababad yata ako sa ulan kagabi.Hindi na ako umalis nang banyo dahil maliligo na din naman ako.Mahigit trenta minutos din ang tinagal ko sa banyo para maligo.
Pagkalabas ko sa banyo ay kinuha ko ang kusot kusot na uniforme ko na nasa cabinet pa.Kumuha ako nang plansya na nasa taas nang cabinet at nilapag sa kama ang uniforme ko.
Pagkatapos kong maplansya ang uniforme ko ay agad akong bumama para naman magluto nang agahan ko.Wala naman akong maasahan na iba kundi ang sarili ko lang naman.
Itlog at Kanin ang naging agahan ko.Dinamihan kuna din ang saing ko para hindi na ako magluluto mamaya.
Nang matapos akong kumain ay hugas naman nang pinagkainin ang ginawa ko.Sinarado kuna din ang mga bintana at pintuan sa likod.Nang masigurado ko na okay na ang lahat ay umakyat naman ako para gawin na ang lahat nang kailangan gawin.
Nang matapos na ako ay pumasok na ako kwarto ko para doon naman ang linisin ko.Inayos ko lang ang bedsheet at mga unan.Saglit na Vaccum at punas nadin nang studytable ko.Ang hindi ko lang naman nalilinisan ay ang bag ko.
Himala naman ngayon na walang sumisigaw na Myca para sabiing bilisan ko dahil malalate na kami.Medyo maaga yata ako ngayon ah.
Pababa na ako nang may narinig na akong sigaw na alam ko kung kanina iyon boses.
"Labas"sigaw niya mula sa labas nang bahay.Habang pababa ako ay may naisip ako na kalokuhan para mainis si Myca.Ang sarap niya kasing tignan na umuusok ang ilong niya at nangangain na mga tingin.
Naiisipan ko na bagalan ang pagbaba para mainis si Myca dahil sa sobrang tagal ko.Nang huling hakbang na nang hagdanan ay pumunta naman ako sa kusina para kumuha nang tubig.
"MILLIE"may halong inis na sigaw ni Myca na napatawa naman ako.
Cge mainis kapa Myca para mamaya makita ko ang nais kong makita na mukha mo.Kumuha ako nang bottle nang tubig mula sa ref at ininom ko iyon.Balak ko pa sanang magluto nang noodles pero baka sugurin nalang ako bigla nila Myca dito.
"ISA"sigaw ni Myca mukhang binibilangan na niya ako.
Kumilos na ako na parang hindi siya narinig na nagbilang.Dahil wala na akong nagawa ay naghugas naman ako nang kamay makailang ulit akong nagsabon para may magawa lang.
"DALAWA,PAG HINDI KA PA LUMABAS SA TATLO KALBO KA SAKIN"sigaw ni Myca.
Hindi ba namamalat itong babaing to.Halos araw araw,oras oras nalang siyang sumisigaw.Hahawak kuna sana ang doorknob nang bigla nalang may nagbukas nun.Tumbad sa akin ang babaeng nag aapoy ang mga mata at malapit nang bumuga nang apoy na galing sa bunganga niya.
"Tinalo mo pa ang pagong sa sobrang bagal Millie"inis na sigaw niya sa mismong mukha ko.
May mga tumalsik pang mga laway kaya agad kong pinunasan ang mga iyon.
"Ang aga pa kaya"ngusong tugon ko habang nalalagpasan siya.Agad naman siyang sumunod sa akin.
"Baka may susunduin pa tayo"maarteng tugon niya.Alam kuna kong sino ang tinutukoy niya.Isa lang naman ang sinusundo namin kaya wala nang iba kundi si.
YOU ARE READING
Hate and Love me[COMPLETED]
RomanceAt the age of seventeen Millie Jes Alcantara was living alone in their lonely home. Her parents have a mental health issue that needs intense attention so they are in the hospital. She fully imagined that she would be sad her whole life until she me...