Kanina pa ako nakatingin sa kisame dahil hindi ko alam kung ano ang susuotin ko ngayon. Ngayong gabi na ang dinner namin kina Kai at kinakabahan ako dahil sa pagkakataon na ito ay kasama ko sina Mama at si Kuya. Halos kinalkal kuna ang nasa closet ko pero wala parin akong napipili dahil dalawa lang naman ang laman ng closet ko kung hindi jeans ay leggings lang at alam ko na hindi naman iyon sinusuot sa mga dinner kaya problemadong problemado ako ngayon.
"Anak baba kana,aalis na tayo"sigaw bigla ni Mama mula sa baba. Gulat naman akong tumayo agad at lumabas para tignan kong nakabihis na si Mama,pagkalabas ko ay hindi ko siya nakita kaya naman napilitan akong bumaba na at doon ko nakita si Mama na nakaupo sa may sofa habang bihis na bihis sa dress niyang kulay pula na hanggang tuhod niya may bag pa siyang maliit at ayos na ayos ang mukha habang ako ay nakapang tulog pa dahil kagigising ko lang kanina.
"Ma"pagtatawag ko sa kanya para makuha ang atensyon niya.
Kitang kita ko ang gulat sa mukha niya at dali daling pumunta sa akin.
"Nakalimutan mo na ba na magdidinner tayo kila Kai anak?"tanong ni Mama na nakahawak pa sa mga braso ko.
Nagkamot ako ng ulo"Hindi ko nakalimutan ma"tugon ko.
"Kung ganun ay bakit hindi ka pa naka gayak"tugon ni Mama na ngayon ay hinihila na ako sa taas dahil paniguradong gagawin nanaman niya akong laruan niya kagaya ng ginawa niya nung last time na nagdate este namasyal kaming ni Kai.
"Wala akong susuotin ma"tugon ko sakanya ng makarating kami sa kwarto ko.
Umupo siya sa study table ko at tumingin sa akin.
"Diba may pinamili tayong ng lumabas tayo anak"kunot noong tugon ni Mama sa akin.
Dahan dahan naman akong tumango dahil may pinamili nga kaming mga damit at mga bestida pero hindi ko naman sinusuot ang lahat ng mga pinili ni Mama. Yung iba nakikita ang clevage,yung iba naman ay humihip lang ang hangin ay masisilipan kana at meron din naman mga kitang kita ang likod na para bang gusto akong sipunin ni Mama.
Tumayo sa pagkakaupo si Mama at pumunta sa closet ko na ngayon ay gulo gulo na. Hinawi hawi niya ang mga damit ko at mukhang ang mga dress na binili niya sa akin ang hinahanap niya ngayon. Bago pa niya ako sermonan dahil hindi ko nilagay ang mga binili niya sa akin sa closet ko ay agad agad akong tumayo at pumunta sa maliit kung cabinet na kung saan nakalagay doon ang lahat ng binili ni Mama sa akin.
"Ma,hindi ako nagsusuot ng mga ganito"tugon ko kay Mama na ngayon ay natingin na sa cabinet na binuksan ko.
"Ngayong gabi lang naman eh,bukas na ay hindi kana magsusuot ng dress,atsaka kaya nga natin binili kasi susuotin mo diba"tugon ni Mama habang kinukuha ang floral na dress na hanggang taas ng tuhod ang haba habang parang spaggetti strap naman ang taas nito.
Umiling iling ako habang nakatingin sa dress hindi ko kayang magsuot ng ganyang klaseng damit. Atsaka hindi ako sigurado kung pwede bang ipakita ang kili-kili kung di naman kaputihan pero okay na para di matawag na maitim.
"Anak,pumili na ako sa mga binili natin at ito lang ang nakikita kung hindi masyadong revealing."tugon ni Mama na dinikit sa akin yung dress para sukatin kung kasya ko.
"Pero ma malamig na po sa labas ngayon dahil gabi na"pagdadahilan ko.
Bumuntong hinga si Mama at kinuha yung V shape na dress na kitang kita ang clevage at yung isang backless na backless ang dating.
"Eh kung ito nalang ang suotin mo kaya anak"tugon ni Mama habang pinapakita ang mga nakakadiring damit.
Dali dali kung kinuha ang floral ng dress at tumakbo agad sa banyo para maligo na. Mahirap na baka ay ipilit pa ako ni Mama na suotin yung mga iyon mahirap na.
YOU ARE READING
Hate and Love me[COMPLETED]
RomanceAt the age of seventeen Millie Jes Alcantara was living alone in their lonely home. Her parents have a mental health issue that needs intense attention so they are in the hospital. She fully imagined that she would be sad her whole life until she me...