HALM 22

39 23 3
                                        

Maingay na umaga sa maingay na bunganga ni Myca.Nandito ngayon sila sa bahay araw kasi nang linggo ngayon ay isa lang ang ibig sabihiin ay walang pasok.Hindi ko nga alam kong bakit nandidito ang dalawa dahil pagkagising ko ay nasa harap na sila nang bahay at pilit na pinapabukas sa akin ang gate.Nang mapagbuksan kuna sila ay mas nauna pa silang pumasok kaysa sa akin.

"Bakit kayo nandito"tugon ko habang paupo sa lamesa mula sa kusina nandito kasi ang dalawa nagluluto nang almusal.Buti nalang ay nagdala sila nang lulutuin nila kundi magtititigan nalang kami dito.Inaalis ni Gab ang balat nang Hotdog at hinihiwa iyon sa lababo samantalang si Myca naman ang nagluluto nang mga hinihiwa ni Gab.

Kumuha nang plato si Myca at doon nilagay ang mga lutong hotdog"Bawal ba kami dito,atsaka may dinala kaming pagkain,Oh"tugon niya na ngayon ay pinapakita ang mga hotdog na naluto na at ang tatlong piraso nang sunny side-up.

"Alam kasi namin na wala kang pagkain dito,at alam din namin na kahit na wala ka ng pagkain ay hindi ka parin bibili"tugon ni Gab na nakatalikod sa amin ngayon.Tama naman siya nagtitipid ako ngayon pero ang almusal at tanghalian ay iisa na lang sa akin.Tinignan ko silang dalawa na abala sa paghahain.

"Pero diba alam niyo naman na aalis ako mamaya"tugon ko sa dalawa na agad naman tumango buti nalang ay alam nila na may pupuntahan ako ngayon.

Nilapag ni Myca ang kanin sa gitna nang lamesa"Pumunta kami dito para mag almusal lang"tugon niya na nakaupo na ngayon.Habang naghugas muna naman nang kamay si Gab bago siya umupo sa tabi ni Myca.Kanya kanya na kami nang kuha nang pagkain nang makompleto na kami.Syempre hindi mawawala ang kwentuhan habang kumakain at si Myca lang ata ang laging nagsasalita sa aming tatlo kinukuwento niya kong gaano siya kainis kay Kuya Czean.Ang sama sama daw kasi nang ugali niya at walang kwentang kausap.

"Akala ko nung una ay mabait pero nung nagtagal ay saksakan nang yabang na nakakainis"naalala kong tugon kanina ni Myca na nakatupi ang kamay na nakasalubong ang mga kilay.Nang matapos kaming kumain ay ako na ang naghugas nang plato dahil nakakahiya naman sa dalawa na sila na ang naghanda nang almusal.Iniwan ko silang dalawa sa baba para pumunta sa kwarto ko at magayos na dahil may pupuntahan ako ngayon.Suot ang black na plain t-shirt at ripped jeans na pinaresan nang black converse ay bumaba na agad ako para makita ko kung ano ano na ang pinaggagawa nang dalawa.Nadatnan ko silang dalawa na nasa sofa- si Gab nagcecelphone na nakaupo sa pangisahang upuan pero ang kanyang dalawang paa ay nakalagay sa magkabilaang upuan samantalang si Myca naman na nakahiga habang nasa itaas niya si Hotdog na tulog ngayon nasa mahabang upuan siya habang ang isa niyang paa ay nasa itaas nang upuan na nakatapak sa pader namin at ang isa naman ay nakapatong sa kabilang upuan kong saan naman nakaupo si Gab.Ako na may ari nang bahay ang nahihiya sa kanila feel na feel at home silang dalawa.

"Juice or water Madam"pabalang na tugon ko sa dalawa ng makalapit ako sa kanila na agad naman silang napatingin sa akin.Sabay naman silang tumawa at umaktong sila na bahay talaga niya ito at ako ang katulong.

"Yaya kuhanan mo ako nang juice"maarteng tugon ni Myca habang patawa tawa pa sa kanyang boses.Agad kong kinuha ang pinakamalapit na unan sa akin at binato sakanya nang buong puso.Tawa naman siya nang tawa nang matamaan ang ulo niya dahil malambot iyon ay hindi siya nasaktan.Tinignan ko silang dalawa nang masama.

"Lumayas kayo sa bahay"madiin na tugon ko sa dalawa akmang kukunin ko nanaman ang isa pang unan na malapit sakin nang bigla silang tumayong dalawa at agad na kinuha ang mga bag nila at dali daling lumabas sa bahay.Ganun magpalayas nang mga bisita sa bahay titignan mo lang sila nang masama with matching diin na boses.Nang makalabas na sila ay inayos ko na ang mga unan na nagkalat sa buong sofa namin at nang matapos ako ay umupo muna ako.May narinig naman ako na dalawang busina na paniguradong kina Gab iyon na nagpapaalam na.Aalis na sana ako nang biglang nahagip nang mga mata ko si Hotdog na natutulog sa may gilid nang pintuan.Medyo matagal tagal na din simula nang malabas ko siya kaya isasama ko nalang siyang ngayong araw na ito sa pagbisita kila Mama.

Hate and Love me[COMPLETED]Where stories live. Discover now