Walang buhay na silid,napapalibutan ng mga sapot ng gagamba sa kisame.Habang meron isang ilaw lamang ang nakabukas na nakaturo ngayon sa akin.Isang ilaw na nagbibigay liwanag sa buong silid na kinalalagyan ko ngayon.Hindi ko alam kung paano ako napunta dito dahil ang alam ko lang ay bigla nalang akong nawalan ng malay kasama sina Kuya.Basta ang alam ko lang ay paggising ko ay nandito na ako nakahiga sa papag na nandito kung ano ano na ang ginawa ko para lang humingi ng tulong pero hanggang kanina ay wala parin dumadating para alisin ako dito,hindi ko alam kung nasaan ang mga kasama ko kanina kung nakakulong din ba sila gaya ko.Dahan dahan akong tumayoo papunta sa pintuan na merong mga sandamakmak na mga kandado ang nakalagay.Kahit na alam kong hindi ko kayang buksan iyon ay sinubukan ko parin na galawin ang door knob at pinihit iyon habang naguunahan na lumabas ang luha sa aking mata.Sumandal ako sa pintuan habang naghihina na ang mga tuhod ko na kahit anong oras ay bibigay na sila.Paulit ulit na bumabalik sa akin ang nangyare at ayaw ko mang manghusga kung sino ang gumawa nito ay parang may sariling utak ang isip ko na sinasabing siya talaga pero ngayon na nandito ako at walang kasama.Isa lang ang naiiisip ko kung sino ang gumawa nito.
"KUYA"sigaw ko habang pinapalo palo ang pintuan na gumagawa ng ingay.
Nagtagal pa ako sa tapat ng pintuan hanggang maramdaman ko ang lamig ng sahig na kinauupuan ko ngayon kaya ayaw ko mang bumalik na sa papag na kinaiigaan ko kanina ay dahan dahan akong naglakad.Halos hindi ko madiretso ang tayo dahil sa takot na nararamdaman at sa kumakalam na tiyan ko,wala na akong lakas kahit na maglakad man lang.
Walang buhay akong naglakad papunta ulit sa kama na kinahihigaan ko kanina.Hihiga na sana ulit ako ng bigla nalang akong may narinig na para bang may tao sa labas ng pintuan kaya naman para akong asong ulol na nakakita ng pagkain na agad agad na pumunta doon.
"May tao ba jan"sigaw ko habang pinapalo palo ang pintuan.Parang nawala ang takot ko bigla ito na sana ang magliligtas sa akin para makaalis na ako dito.Pinalo palo ko ulit ang pintuan pero ngayon ay may kalakasan na.
"Umalis ka jan sa harap ng pintuan"utos ng tao na nasa labas na agad ko naman sinunod na umalis doon.Bigla nalang akong napangiti ng pamilyar na pamilyar sa akin ang boses na iyon.Kitang kita ko ang dahan dahan na pagbukas ng pintuan at bumungad sa akin si Kai na nakaall black ang suot.Agad ko siyang nilapitan at bigla ko nalang siyang niyakap.
"Salamat at dumating ka"nakangiting tugon ko abot abot ang saya ko na alam kong makakaalis na ako dito."Nasaan sina kuya?"tanong ko sakanya habang nakayakap ako sakanya.
Hinawakan niya ang braso ko at hinarap ako sakanya.Kitang ko sa mga mata niya ang lungkot.
"Nasa kabilang kwarto lang sila atsaka sorry"tugon niya na nakatingin sa akin.Napakanot noo naman ako dahil hindi ko siya maintindihan.
"Napuntahan mo din sila,kumusta sila atsaka Bakit ka nagsosorry"tanong ko sakanya.Inalis na niya ang pagkakahawak niya at tumalikod sa akin para pumunta ulit sa may pintuan.Nakasunod lang ako sakanya gusto kong malaman kong ano ang gagawin niya.Binalik na ang mga kandado na nakalagay kanina bago siya tumingin ulit sa akin.Nilagpasan niya ako pumunta sa may papag at umupo doon habang nakayuko dahan dahan naman akong naglakad papunta sakanya at umupo sa tabi niya.Hindi ba dapat ay aalis na kami dito at umuwi na pero bakit niya kinandado ulit yung mga pintuan at umupo dito.
"Hindi kita kayang itakas dito"mahinang tugon niya na nakayuko parin.
"Bakit?"tanong ko sakanya habang nagsisiunahan nanaman sa pagtulo ang mga luha ko.
Ginulo niya ang buhok niya at malungkot na tinignan ako.
"Kailangan ko munang silang makuha"tugon niya.
Sina kuya ba ang tinutukoy niya na kukunin niya muna.Hindi ko siya maintindihan kung ano ang sinasabi niya."Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo"tugon ko sakanya.
YOU ARE READING
Hate and Love me[COMPLETED]
RomansaAt the age of seventeen Millie Jes Alcantara was living alone in their lonely home. Her parents have a mental health issue that needs intense attention so they are in the hospital. She fully imagined that she would be sad her whole life until she me...