HALM 38

27 13 2
                                    

"Ano ang gagawin natin Cris,ayaw kong gawin ito,mali ito"tugon ng isang boses ng isang babae.Pakiramdam ko ang malapit lang sila sa akin dahil rinig na rinig ko ang mga boses nila.

Kanina pa ako gising at pinapakingan sila pero hindi ko alam kung bakit ayaw ng katawan ko na gumalaw man lang.Para itong may mga sariling isip na hindi mo kayang kontrolin.Kanina pa ako gising pero hanggang ngayon ay nakapikit parin ako at tuwid na nakahiga.Alam na alam ko pa ang nangyare kanina kaya hindi ako nagkakamali na nandito na kami sa silid kong saan gagawin ang binabalak nila.

"Alam kong hindi ito tama pero wala na tayong choice.Hawak nila ang mga buhay natin ngayon isang maling galaw lang natin ay pwede tayong mamatay."tugon naman ng isang tinig ng lalaki ang narinig ko.Naramdaman ko naman ang paggalaw nila at nakarinig ng mga yapak ng paa.

"Ano ngayon ang gagawin natin,itutuloy natin?"tanong ng babae at ramdam ko na nasa tabi ko ngayon.Damang dama ko ang prensensiya niya sa tabi ko may naramdaman din ako ng parang isang patak ng tubig na ang hula ko ay galing ito sa mga mata.

Isang Luha

"Hindi ko rin alam"tugon naman ng kausap niya.

Tumahimik ng ilang saglit ang silid na kinaroroonan ko pagkatapos magusap ng dalawa.Rinig na rinig ang ingay ng mga palaka o mga insekto sa labas sa sobrang katahimikan.Sinubukan ko naman na pagalawin man lang ang aking kamay,pero bigo ako dahil kahit anong pilit ko ay hindi ko magalaw.Naging alerto naman ako ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan,nakarinig ako ng yapak na kaunan din ay tumigil na.

"Ano pang ginagawa niyo ang sabi ni boss pagpunta niyo dito ay gawin na agad ang inuutos niya"tugon ng bagong tinig na mukhang sya ang bagong pasok.

"K-kulang ka-kami ng mga gamit"utal na tugon ng babae.Bigla naman ako nakarinig ng kasa ng baril kaya mas lalo akong naging alerto at pinipilit na gumalaw.

"Pinagloloko niyo ba ako,kompleto ang mga gamit dito"nakakatakot na tugon naman niya.

Biglang tumahimik nanaman at nakarinig nanaman ako ng mga yapak ng mga paa at pakiramdam ko ang papalapit ngayon sila dito sa akin.Dahil ba sa tinurok nila kanina sa akin ay kaya ako nagkakaganito gising na gising pero di magalaw ang katawan.

May narinig akong huminga ng malalim"Gagawin na namin ang operasyo,kaya maari ka ng lumabas"tugon ng lalaki at nakarinig na ako ng mga ingay na mga metal na mukhang nilalagay din sa parehong metal kaya nagkakaroon iyon ng ingay.

Niyugyog ko ang katawan ko nagbabaka sakaling makapalag pa ako at nakaalis pa dito.Ginalaw galaw ko ang mga kamay ko ang mga daliri ko sa mga paa o kaya naman ang tenga,ilong.Mga parte ng katawan na nakakakagalaw.

"Subukan niyo lang pumalpak,may hukay na naghihintay sa inyo"pagbabanta ng lalaki at narinig ko ang pagsarado ng pintuan kaya alam kong nakaalis na siya.

Alam kong mababait kayo kaya alam ko na hindi niyo itutuloy ang gagawin niyo.Alam kong may puso kayo kaya gumawa kayo ng paraan para matakas nalang.Mahal ko pa ang buhay ko,marami pa akong mga bagay na gustong gawin,hindi pa man ako nakakapagtapos ng pag aaral ko.

Bumuntong hininga ang isa sa kanila at narinig ko ang pagkuha nila ng mga gamit mula sa stainless na bagay.At naramdaman ko ang paglapit niya sa akin kaya ginalaw galaw ko nanaman ang katawan ko at nagulat nalang ako sa narinig ko.

"Alam kong gising ka simula kanina dahil ang iniject ko sayo kanina ay pampawala lang ng lakas.Kaya hindi mo nagagalaw ang katawan mo kahit ano pa ang gawin mo.Gising na gising ka simula kanina ang katawan mo ang patay"biglang tugon ng babaeng doktor sa akin.Dahil sa gulat ay napatigil ako at nagsimula ng umiyak paano ako makakapaglaban sa gagawin nila kung patay ang katawan ko ngayon.

Hate and Love me[COMPLETED]Where stories live. Discover now