HALM 47

33 6 0
                                        

*Kringggg.....kringggg....*

Ayaw ko pa mang bumangon pero umay na umay na ako sa tunog ng alarm clock ni Kuya na akala mo ay mang gigising ng lasing sa sobrang lakas. Sinubukan ko na takpan ang tenga ko gamit ang extrang unan na meron ako pero wala parin itong talab,sinubukan ko din na takpan ang tenga ko ng dalawa kong kamay pero parang wala pa rin ito. Gigil na gigil akong bunuksan ang aking mga mata at huminga hinga ng paulit ulit dahil ayaw kong masira ang araw ko ngayon.

"MILLIE,GISING NA!"sigaw ni kuya mula sa may pintuan. Hindi niya ata nahalata na nakabukas na ang aking mga mata at nanlilisik itong nakatingin sa kanya,tinangal ko ang unan na nakaharang sa akin para makita niya ako na gising na.

"Bumangon kana,anong oras na"tugon niya ng makita niya na gising na ako.

Tamad naman akong bumangon habang naguunat unat ng katawan. Akmang tatayo na sana ako ng bigla kong makita ang orasan na nasa gilid ni kuya. Ganun nalang ang laki ng mata ko ng makita na 8:30 a.m na pala at ang pasok namin ay 9 sakto. Mas mabilis pa ako kay flash na umalis sa kamay ni Kuya at dali daling bumaba. Bat kasi napasarap ang tulog ko yan tuloy ay anong oras na akong nagising.

"Wala pang almusal"sigaw ko habang pababa ng hagdanan papunta sa kusina pero bigla nalang akong nagulat ng makita ko na punong puno ng pagkain ang lamesa at doon ko lang din naiisip ulit na nakauwi na pala si Mama.

"Nakaluto na ako,lika na anak kain na"tugon ni Mama na hindi ko alam kung saan galing pero may dala pa siyang isang plato na may laman na bacon.

Nakangiti akong lumapit kay Mama at agad agad siyang niyakap na sa tingin ko ay kinagulat niya.

"Good Morning,Mama"bati ko sakanya.

"Ang sweet naman ng anak ko"tugon ni Mama sabay himas himas sa aking ulo na mas lalo ko naman kinatuwa.

"Ito po kasi ang unang araw ulit na kasama ko kayong kumain,at unang araw ulit na kayo ang maghahanda ng pagkain"tugon ko na nakabusangot dahil pinipilit kong wag maiyak dahil ayaw kong maging madrama ang umaga na ito.

"Babawi si Mama"tugon ni Mama na nagpaiyak ng tuluyan sa akin. Pinilit ko na wag gumawa ng ingay pero wala eh iyakin ako kaya pagsinghot ko palang wala na.

Kumalas si Mama at agad na pinunasan ang mga nalalaglag na mga luha.

"Pasensiya kana anak ah ngayon lang nakabawi ulit si Mama,hayaan mo lahat ng hindi natin nagawa noon iisa isahin natin. Sa mga nagdaan na mga birthday mo na wala ako,lahat iyon icecelebrate natin araw-araw."tugon ni Mama na ngayon ay umiiyak na din,tumango tango nalang ako.

"Makita ko lang po kayo araw araw ma,okay na po ako"ngiti kong tugon kay Mama.

"Cge na anak,kumain kana at baka malate kana. Napagusapan na nga pala namin ng Kuya mo na ihahatid ka namin ngayon"tugon naman ni Mama habang inaasikaso niya ako.

"Ma,ako na po"tugon ko kay Mama ng bibigyan niya sana ako ng kanin sa plato ko.

"Hayaan muna anak,matagal tagal ko din na hindi nagawa ito"tugon ni Mama kaya naman hinayaan ko lang siya na ilagay lahat ng gusto niyang ipakain sa akin,pero medyo nabibigla ata siya dahil halos lahat ng niluto niya ay nakalagay na sa plato ko.

"Tss..ako ang unang nagising pero ikaw ang unang kumain ah"biglang sulpot ni Kuya na ngayon ay papalapit na sa amin na at nakasuot na din ito ng kanyang uniform.

"Himala naman at bumakas ka"pagbibiro ko sakanya dahil kilala ko siya na hindi pumapasok,kung papasok man siya ay dahil exam.

"Paki mo ba ah"pagtataray niya sa akin at umupo na sa harap ko kaya naman kita kita ko ang napakapangit niya mukha. Tinignan ko siya ng masama habang kumakuha siya ng pagkain niya at nasaktong napatingin siya kaya naman tinignan niya din ako ng masama.

Hate and Love me[COMPLETED]Where stories live. Discover now