"Magkikita kita nalang tayo sa bahay niyo"nakangitingin tugon ni Myca nang makalabas na kami nang Cafeteria.
"No,susunduin ko kayo mamaya"tugon ni Kai habang nakahawak ang isa niyang kamay sa kanyang bag at ang isa naman ay nakapamulsa.
"Talaga ba"kumikinang na mata ni Gab habang nakatingin kay Kai.
Hindi ko talaga alam kong si Gab or si Myca ang may gusto kay Kai.Parehas sila nang nagiiba ang ugali pag nasa harapan na nila si Kai para mga mababait na mga bata na hindi pa nagkaroon nang kasalanan.
Pinakikingan ko lang ang paguusap nila tungkol sa pagsundo mamaya.Basta ako kahit huli na nila ako susunduin basta masundo ako wala akong perang pamasahe.Habang nakikinig ako ay tumingin ako kay Kuya Czean na ngayon ay nakatingin nanaman siya sa akin.Nakakailang beses kuna siyang nahuhuli na tinititigan ako.
"Bakit?"tanong ko sakanya nang walang lumalabas na boses.Kung kanina kasing nasa loob kami ay pag napansin na niyang nakatingin na ako sa kanya ay umiiwas siya nang tingin pero ngayon diretso talaga walang kurapan.
"Wala"tugon niya din nang walang boses.Iniba ko nalang ang tingin ko.
"Sasama kaba Millie?"tanong ni Gab kaya agad akong napaharap sa kanila at tinignan sila na nakakunot ang mga noo.
"Hindi ka nakikinig"irap sa akin ni Myca at lumapit sa akin."Ang sabi ko ay sasama kaba mamaya sa mall pupunta kasi kami doon para bumili nang susuotin mamaya"tugon niya habang nakaakbay pa siya sa akin.
Tinignan ko siya"Wala akong pera"tugon ko.
"So hindi ka sasama?"tanong naman ni Gab sa akin.
Tumango ako at pinakita ko sakanila ang wallet ko na bebente pesos lang ang laman.Ito nalang ang nasa wallet ko dahil tinitipid ko ang huling saving nila Mama sa bangko.
"May mga damit kaba sa bahay niyo?"tanong ni Myca sa akin.
Tumawa ako nang mahina"Oo naman meron,ano naman susuotin ko kung wala diba"tugon ko dahil malapit sa akin si Myca ay agad niya akong nasapak.
"Iba ka din no"birong tugon niya.
Nang matapos na kami sa paguusap tungkol sa pagsundo mamaya ay agad kaming naghiwalay nila Kai dahil tinatawag na kami nang mga teachers na babalik na daw kami sa school at magkakaroon nang sandaling meeting.Hindi namin kasama ni Kuya Czean na bumalik sa NNU doon muna daw siya.
Nandito kami ngayon sa bus na binayaran namin na kamahal mahal eh samantalang Ordinary Bus lang naman.Dinaig pa ang nakipagsabunutan pag nasa tabi ka nang bintana na hindi pa nakasarado.Napakalakas nang hangin at hindi pa nakasarado ang mga bintana.Kaya hawak hawak ko ngayon ang buhok ko nakakahiya naman sa katabi ko na ngayon ay tumutulo pa ang laway habang tulog.
Hindi naman malayo ang SNU sa school kaya ilang minuto lang ang naging byahe namin pero solid talaga ang hangin sa sobrang lakas.
"Next time hindi na ako sasakay sa Ordinary Bus"nakabusangot na tugon ni Myca nang makababa na kami sa bus.Paano hindi siya bubusangot ay nagmukha nang cottoncandy ang buhok niya sa sobrang gulo.
"Hindi niyo kasi sinarado ang bintana.tss"tugon naman ni Gab nang makalapit na siya sa amin.
"Tanungin mo jan kay Millie"nakangusong tugon ni Myca habang hinihiwalay ang mga buhok niya.Tinignan naman ako ni Gab at mukhang naghihintay nang sagot ko.
"Paano mo ibaba yung bintana eh nangangalawang na sa sobrang luma tapos sira pa ayaw bumaba"paliwanag ko sa kanila.
Pagkatapos namin na makababa lahat ay sinabihan kami na pumunta daw sa gym para magmeeting saglit.Patawa tawa ako habang papunta kami sa gym dahil si Myca ay inaayos pa din ang buhok niya.Buti nalang sa akin ay hinawakan ko kanina kaya kunting suklay lang okay na.
YOU ARE READING
Hate and Love me[COMPLETED]
RomansaAt the age of seventeen Millie Jes Alcantara was living alone in their lonely home. Her parents have a mental health issue that needs intense attention so they are in the hospital. She fully imagined that she would be sad her whole life until she me...