"Kailangan ko ba talagang sumakay jan kuya"nakangusong tugon ko kay kuya na ngayon ay nakatingin na ng masama sa akin.Kanina pa kasi kami nagpapangayan kung sasakay ba ako ng whellchair o hindi.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na kailangan mong sumakay dahil alam kong wala ka pang lakas para maglakad.Pasalamat ka nga ay walang CCTV dito sa loob ng kwarto mo kong meron ay pinacopy kuna sana yung ginagawa mo kanina na gumapang gapang ka sa sahig kanina."pagbibiro tugon niya kinukwento ko kasi sakanya kong ano ang nangyare sa akin na paggapang sa sahig.Ang walanghiya ay akala ko ay maaawa siya sa akin pero hindi eh pinagtawan ako at pilit na tinatanong sa mga nurse na pumapasok dito kung meron pa daw CCTV dito.Pasalamat nalang ako nang sinabi nila na wala.
Wala akong choice kundi ang dahan dahan na tumayo para makaupo na ako sa wheelchair.Inilalayan pa ako ni Kuya habang papatayo ako.Nang makatayo na ako ay hinila naman ni kuya gamit ang isa niyang kamay ang wheelchair para makaupo na agad ako.Dahan dahan akong umupo doon,at ganun nalang kalambot ang pagupuan nito kaya naging komportable ako.Inayos naman ni kuya ang dextrose ko para hindi matangal ito,nilagay niya ito sa tabi ko at kumuha ng maliit na tali upang itali ang dextrose ko sa gilid ng wheelchair.Minsan minsan din pala ay ginagamit niya ang kanyang utak.
Pagkalabas namin ay bumalot sa amin ang katahimikan.Isama mo pa ang hallway na para bang may namatayan sa sobrang tahimik.Pero maaga pa naman para mawalan ng tao sa hallway ang sabi ni kuya ay mga alas otso daw ang operasyo ni Pammy.Medyo napaaga ata kami ni kuya dahil wala pang alas otso.
"Tayo lang ba ang pupunta?"bigla kong tanong sakanya habang hinihila parin niya ako.
"Hindi ko alam,pero paniguradong pupunta si Kai"tugon niya at tumahimik na ulit ang atmosphere.
Ganun nalang siguro ang kaclose nilang ni Kai na kahit anong mangyare ay nasa tabi nilang ang isa't isa.
"Ganun talaga ang dalawang iyon,simula bata pa kami ay sina talagang dalawa ni Kai ang laging naglalaro.Naging close lang kami ni Pammy ng umalis na si Kai dahil kinuha siya ng Mama niya.Hindi mo mapaghihiwalay ang dalawa iyan"biglang kwento ni Kuya na para bang alam niya ang iniisip ko.
"Kinuha siya ng Mama niya"kunot noo kong tanong sakanya kahit na nakatalikod ako sakanya.
Nagpatuloy lang siya sa paghila sa akin at mukhang walang balak sabihin sa akin ang tinatanong ko sakanya.Pero hindi naman ako mahilig na makialam sa buhay nila atsaka okay lang naman na hindi niya sabihin dahil privacy nalang nila iyon.
Habang papalapit kami sa O.R ay doon ko lang natatanaw ang tatlong puntol na mga tao na mukhang kakilala ni Pammy na nandito din para makita si Pammy.Palapit kami ng palapit at doon lumiwanag ang mga mukha nila.Si Mrs.Lorenzo,Kai at yung babaeng magandang na buntis.Bigla kong hinawakan ang kamay ni Kuya na nakahawak sa wheelchair kaya napatigil siya at tumingin sa akin.
"Parang gusto ko nalang bumalik doon sa kwarto"tugon ko sakanya.
"Bakit naman,diba ang sabi mo ay hindi ka naman galit kay Pammy"tanong niya sa akin.
Tumango ako"Nahihiya ako dahil ganito ang suot ko"tugon ko at dahan dahan na tinuro ang kulang puti na hospital gown na suot ko ngayon.
"Tsss....kahit na magpalit ka pa ay ganun lang din atsaka wala naman tayo,tayo tayo lang naman ang kasama ni Pammy dito.Pero kung gusto mo nalang magpahinga ay okay lang balik tayo dito"tugon niya.
Nakakaguilty naman medyo malayo layo na din ang nilakad namin este siya lang pala para makapunta dito.Nakakapagod naman iyon kung babalik lang kami dito.Hindi naman siguro ako pangit tignan sa suot ko ngayon.
Umiling ako"Cge okay lang,malapit na pa naman tayo.Kaya tara na baka dumating na si Pammy"tugon ko para simulan nanaman ni kuya ang paghila para makalapit kami.
YOU ARE READING
Hate and Love me[COMPLETED]
RomantizmAt the age of seventeen Millie Jes Alcantara was living alone in their lonely home. Her parents have a mental health issue that needs intense attention so they are in the hospital. She fully imagined that she would be sad her whole life until she me...
![Hate and Love me[COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/235345976-64-k223292.jpg)