"Hmmm,nakilala muna pala siya"tugon ni Mr.Lorenzo sa akin.Nakita ko pang tumingin siya kay Kai kaya agad ko rin siyang tinitignan.Busy na ito sa pagkain niya.
"Opo lagi po siyang kasama ni Kuya at ni Kai"tugon ko.
Ang mga iba naming kasama ay kanya kanya na sila ng kuha ng kanilang mga pagkain samantalang kami naman ni Mr.Lorenzo ay naguusap pa.
"Ganun ba,may kaibigan na pala ngayon ang anak ko"patawang tugon niya.
"Hehehe opo"tugon ko.
"Cge na kumain muna tayo,magkwentuhan nalang tayo habang kumakain"nakangiting tugon niya kaya nahawa na din ako sa mga ngiti niya.
Tumango lang ako at nagsimula na din na kumuha ng pagkain ko.Hindi ko alam kung ano ang mga tawag o luto sa mga ito dahil pang mayaman lang talaga ito.Katulad nalang ng soup na ilang kutsara lang ata ay ubos na.Nagkwentuhan sina Kuya at Mr.Lorenzo tungkol sa akin na hindi ko naman pinansin,si Kai naman at yung tabi niyang babae na mukhang buntis ay mukhang nag aaway dahil kanina pa nakanguso si ate na mukhang nandidiri sa pagkain na nasa harapan niya.At simula pa kanina ay hindi pa ako tinitignan ni Kai pero wag niyong bigyan ng meaning na nagseselos ako ah.
"Kumain kana,tandaan mo dalawa kayong kumakain"mahinang tugon ni Kai kay ate na paiyak na.
Ngumuso siya"Ayaw ko ng kumain,ang babaho ng nga pagkain atsaka mangga na may sawsawan na toyo at suka ang gusto ko"tugon niya mukhang naglilihi si ate.Ganyan na ganyan din kasi ang mga napapanuod ko sa T.v pag buntis sila.
Kunot noo naman siyang tinignan ni Kai"Walang ganun dito atsaka gabi na mag mamangga kapa"tugon niya na nakapakamot pa ng batok.
Napatawa naman ako ng mahina ng makina ang mukha ni ate ng sabihin ni Kai iyon.Para siyang mangangain na tigre na hindi nasunod ang gusto niya.Napahinto ako ng may bigla nalang humawak sa kaliwang kamay kaya agad kung tinignan ko sino iyon at nakita ko si Mrs.Lorenzo na nakangiti ngayon sa akin habang hawak parin ako sa kamay.
"Kumusta kana"tugon niya.
"Maayos naman po ako,kayo po mukha po kayong may sakit"tugon ko at humawak din sa kamay niya.
Umiling naman siya"Ayos lang din ako"tugon niya.Kahit gusto ko mang maniwala pero ang mukha niya ngayon na mamutla mutla at nawawala na din ang lipstick niya kaya nahahalata na din ang putla ng labi niya na parang walang dugo.Isama mo pa ang nakaturtle neck siya ngayon hindi naman ganun kainit at kalamig pero bakit siya nakasuot ng ganun.Tinitigan ko ang mukha niya ng matagal dahil parang may kakaiba sa mukha niya.
"Ano pong nangyare sa gilid ng labi niyo,para po siyang may sugat"inosenteng tugon ko na nakaturo kung saan ang sugat na sinasabi ko.Agad niya itong hinawakan at pasimpleng hinawakan.
"Ito ba,nakagat ko siya kanina kaya nagkaganya"nakangiting tugon.
Kahit na ayaw ko mang maniwala ay kunwari nalang din akong ngimiti.
"Ganun po ba,cge po kain po tayo"tugon ko at tinuon nalang ang atensyon sa kinakain ko.May mga pinaguusapan sila pero hindi ko na inalam pa kung ano ang mga iyon basta ay kain lang ako ng kain.Sa kalagitnaan ng paguusap nila ay bigla nalang bumukas ang pinto ng restaurant kaya lahat kami at napatingin ko.Saglit na natigil ang paguusap nila dahil doon.May pumasok na silang lalaki na nakasuot ng itim na damit at lumapit kay Mr.Lorenzo at bulong sakanya.Kung hindi ito kilala ni Mr.Lorenzo ay napapagkamalan ko siyang magnanakaw or kaya naman kidnapper.Napangiti naman si Mr.Lorenzo sa sinabi ng lalaki at umalis naman agad si Kuya.Binalik kuna lang ang tingin ko sa pinto kung saan isa isang pumapasok ang mga bata na mukhang nakatira lang sa kalye or pulubi dahil sa mga suot nilang damit na marurumi.
YOU ARE READING
Hate and Love me[COMPLETED]
RomanceAt the age of seventeen Millie Jes Alcantara was living alone in their lonely home. Her parents have a mental health issue that needs intense attention so they are in the hospital. She fully imagined that she would be sad her whole life until she me...