HALM 16

48 27 0
                                        

"Sasama ba kayo bukas sa Scholl visiting?"tanong ni Myca na ngayon ay punong puno ang bibig nang pagkain.

Ang mga walang hiya pagkatapos magtalon talon sa sofa pumikit lang ako mas mabilis pa sa kidlat silang nakapunta sa kusina.Nang natadnan ko silang dalawa doon ay lahat nang pagkain na nakatago ay nakabukas na at nilalamon na nila.Kung sanang binibigyan ako nang perang pambili nang mga nauubos nilang mga pagkain.

"Ako sasama ako"nakataas na kamay na tugon ni Gab na ngayon ay nilalantakan ang fish cracker sa kanyang kaliwa samantalang kanin naman ang nasa kabila niya.

"Eh ikaw millie sama ka?"tanong sa akin ni Myca.

Binigyan ko muna siya masamang tingin bago ako sumagot pero ang sira ay agad na umiwas nang tingin.

"Kung libre niyo pamasahe ko,sasama ako"tugon ko na ngayon ay kumukuha na din nang pagkain wala naman na akong magagawa dahil nakabukas na lahat nang pagkain dito sa bahay.

"Yung bang bente na binigay ko sayo nasaan?"tugon niya.Kinuha ko ang kutsara na malapit sa akin at binato ito sakanya.Dahil sa sobrang pagkabusy niya sa pagkain ay hindi niya napansin ang kutsarang papunta sakanya kaya naman sapul na sapol sa noo niya ang kutsara.

"Tanong mo doon sa tricyle driver na pinagbayaran ko nun"pabalang na tugon ko.

Sinamaan niya ako nang tingin"Ano kaba Millie para sa gala natin iyon"tugon niya sa akin.

Rinig na rinig naman ang pagtawa ni Gab na halos bumulkaw na sa bunganga niya ang pagkain.Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko at hindi na sila pinansin.Nasa kusina kami at si Kai ay nilalaro si Hotog sa may sala.Kaya naman napagusapan namin lahat nang pwede naming pag usapan.

Nang sumapit na ang gabi ay pinauwi kuna ang dalawa at si Kai.Gusto pang dito nalang matulog nang dalawa pero hindi ako pumayag masyado na silang sinuswerte inubos na nga nila ang mga pagkain ko dito tapos dito pa matutulog.Pero sa huli ay wala silang nagawa nang kunwaring nagalit galitan ako kaya nakaalis din sila.

Nandito kami ngayon ni Hotdog sa may kusina para linisin ang mga kalat nang dalawa dahil nang maubos na nila lahat nang pagkain ko ay nanuod naman sila nang TV sa sofa.Mga walanghiya ang dalawang iyon kaya alam niyo na kung bakit ayaw na ayaw ko nang mga bisita ako.

Ilang oras din akong naglinis bago ko makita ulit ang dating ayos nang bahay.Mukhang nadaanan nang bagyo ang bahay kanina alam ko naman na kahit wala sila mama dito ay ayaw nila na marumi ang bahay.Hindi ko namalayan na gabi na pala at kailangan nanaman na kumain kaya agad akong pumunta sa kusina para magtingin nang pwedeng lutuin.

Pagkabukas ko si Ref namin ay agad akong naghanap nang mga frozen good na pwedeng lutuin.Kukunin kuna sana ang chicken nuggets na uulamin ko nang may mapansin ako mula sa gilid nang lalagyanan nang mga ulam na klase nang inomin na pang lalake lang.Agad ko itong kinuha at tinignan ito kunot noo ko naman siyang tinignan at binasa ang nakasulat"STING".Ang pagkakaalam ko ay wala akong nilalagay nang mga ganitong inumin sa ref at hindi rin naman ako bumibili nang mga ganito.

Hindi naman binuksan kanina nila Myca ang Ref kaya sigurado ako na hindi sila ang naglagay.Hindi rin naman pumunta si Kai sa kusina para mailagay ito.

Sinawalang bahala ko nalang iyon at binalik sa may ref.Nagluto nalang ako at kumain marami na akong masyadong iniisip kaya ayaw ko nang madagdagan pa iyon.

Umakyat na kaming dalawa ni hotdog para matulog na wala na man na din kaming gagawin.Naglalakad kami papunta sa kwarto ko nang mapansin ko nanaman na bukas ang pintuan nila Mama.Imbes na sa kwarto ako dumiretso ay sa kwarto nila mama ako agad pumunta.Ang pagkakaalam ko nang makita kong nakabukas ito nung nakaraang araw ay sinarado kuna ito nang padlock.Pero ngayon bukas nanaman ito imposible naman na yan wala naman akong bakas na nakita hindi kagaya nang una.

Hate and Love me[COMPLETED]Where stories live. Discover now