HALM 28

34 24 0
                                        

"Hindi niyo ba pinaimbistiga ang nangyare?"tanong niya sa akin na ngayon ay hinihimas parin ang likod ko para kumalma ako sa pagiyak.

Nagpunas muna ako nang sipon ko bago ako nagsalita"Pinaimbistiga namin pero hindi tinuonan ng pansin nang mga pulis.Tinignan din namin kong nakuha ba nang CCTV nang Subdivision ang nanyare pero hindi eh.Tinanong din namin ang guard na nagbabantay noon pero nakatulog daw siya nang mga oras na iyon kaya hindi niya alam.Sa sobrang galit ni Papa ay lumipat kami  ng bahay at ito na nga bahay namin ngayon ang nalipatan namin."tugon ko pero ngayon ay hindi na umiiyak.

"Nakaraan na iyon,alam kong masaya na ang kapatid mo ngayon.Isa na siyang anghel ngayon na gumagabay sayo"tugon ni Kuya Czean.

Tumingin ako sakanya at nahuli ko na nakatingin din siya sa akin.

"Salamat Kuya,"nakangiting tugon ko sakanya.Napangiti naman siya sa sinabi ko.

Tinaas niya ang dalawa niyang kamay"Halika nga dito payakap si Kuya"nakangiting tugon niya.Dahan dahan naman akong lumapit sakanya at nang hindi pa man ako nakakalapit nang usto ay niyakap na niya agad ako.Niyakap niya ako nang napaka higpit yung hindi na ako makahinga napangiti nalang ako bigla at tinugunan na ang yakap niya.Napakasarap siguro ng may kuya no yung bang proprotekta sayo,aalagaan ka,tatayo bilang tatay/nanay pag wala ang mga magulang niyo.Nakakalungkot lang dahil panganay ako kaya hindi ko mararanasan ang magkaroon nang kuya.Napakaswerte nang mga may kuya na kapatid,siguro lagi mong mararamdaman na ligtas ka pag kasama mo sila.Para tuloy kaming magkuya sa ayos namin ngayon.

"Pwede ba kitang maging kuya"biglang tugon ko sinasabi ko lang iyon sa isip ko pero mukhang nasabi ko.Nakarinig ako nang mahinang pagtawa na naggagaling kay Kuya Czean.

"Oo naman,pero liligawan sana kita eh pero ang tingi mo lang pala sa akin ay kuya"malungkot na boses niyang tugon.Gulat naman ako sa sinabi niya kaya agad akong kumalas sa pagkakayap naming dalawa.Loko to dumadamoves siya ah tawa naman siya nang tawa nang kumalas ako sa pagkakayap niya.

"Hindi ka naman mabiro"tugon niya habang nakahawak sa tiyan niya na tumatawa.

Mahina ko siyang hinampas sa braso at tingin siya nang masama"Nagbago na ang isip ko,ayaw na kitang kuya"tugon ko.Naging seryoso na ang kaninang tumawa.

"Joke lang yun,alam mo naman siguro ang joke diba"tugon niya na seryoso parin ang tingin sa akin.Mahina akong napatawa pero hindi ko pinahalata sakanya pilit kong sineryoso parin ang mukha ko.

Nagsmirked ako"Hindi ka naman mabiro"tugon ko.

Bumuntong hininga siya"Ako lang kaya ang may karapatan na magjoke nang corny"tugon niya na napatawa pa.

"Dapat pala sayo tawag ay Mais"tugon ko na magpapipigil nang pagtawa.

Kunot noo niya akong tinignan"Bakit mais?"tanong niya sa akin.

Tumawa muna ako nang kalakas lakas bago sabihin ang joke ko"Kasi CORNy ka"tugon ko.

Mahina siyang napatawa"hindi naman nakakatuwa yung sinabi mo"tugon niya sa akin.

"Hindi ka matutuwa kasi puro corny joke lang ang alam mo"pangaasar ko sakanya.Tumatawa parin ako hanggang magsalita siya na nagpatigil sa akin.

"Anong next na gagawin mo?"biglang pagiiba niya sa usapan namin.

Ano nga ba ang susunod kung gagawin,pagkatapos nito?

"Dadalawin ko si Mama,dalawa nalang kami ngayon na magkasama kaya naman dapat paalagaan namin ang isa't isa."tugon ko.

"Mukhang hindi kita masasamaan jan"tugon naman niya habang kinuha ang cellphone niya sa bulsa niya.Naging abala siya nang ilang minuto sa pagkakalikot niya sa cellphone niya.

Hate and Love me[COMPLETED]Where stories live. Discover now