HALM 33

36 22 2
                                    

Parang mag dumaan na patay sa harap namin habang kumakain kami ngayon ni Kai.Walang may gustong magsalita sa aming dalawa na nakatutok lang ang atensyon namin sa pagkain na nandito sa harap namin ngayon.Rinig na rinig ko nga kung ano ang pinaguusapan ng kabilang table sa sobrang tahimik namin.Gusto ko mang basagin ang katahimikan pero ano naman ang sasabihin ko.

"Ayaw mo ba ng pagkain?"biglang tanong niya kaya napatingin ako sa plato ko na paubos na.

Kunot noo ko siyang tinignan"Gusto,masarap ang pagkain"tugon ko at para maniwala siya ay sumubo ako.

Mahina siyang napatawa at kumain nalang ulit.Binalot nanaman kami ng tahimikan.Binilisan ko na ang pagkain ng makita ko siyang tapos na ayaw ko naman na hihintayin niya pa ako.Gusto ko na din umuwi,gusto ko ng humiga sa kama ko.Nang mapansin niyang tapos na ako ay nagyaya na siyang lumabas ng restaurant.Nang makalabas na kami ay bigla nalang niya ulit akong hinila at hindi ko alam kong saan niya ako dadalhin.Wala naman akong magawa kundi ang sundan lang kung saan siya pumupunta.Akala ko ay hindi na kami titigil sa paglalakad dahil nasa dulo na kami ng Mall pero hindi pa kami tumitigil sa paglalakad.

"Nakarating din"tugon niya at mukhang hiningal siya sa paglalakad.Dahil hinahabol habol niya ang hininga niya.

"Akala ko nga hindi na tayo makakarating eh"tugon ko at hinihingal din.

Habang bumabawi ng hininga ay tinignan ko kung saan kami tumitigil.Nasa harap kami ngayon ng isang botique nanaman mukhang bibili naman siya ng damit niya ngayon kaya niya ako dinala dito.At halata din mula dito sa labas na kakaunti lang ang mga nasa loob kung sabagay ay sa hulian na kasi ito ng mall kaya naman mangilanngilan nalang ang nakakarating dito.

"Pwede mo ba akong samahan?"bigla niyang tanong sa akin habang nakaturo sa harapan namin ngayon.

Sira ulo ata ito ah,pagkatapos niya akong hatak hatakin papunta dito tapos magtatanong sa akin kung pwede ko ba siyang samahan.As if naman na may choice ako eh nandito na kami.

"Ano bang gagawin ko kung aayaw ako eh nandito na tayo"irap na tugon ko sakanya.

"Haha,pasensiya kana kung hindi na kita"tugon niya at tumatawa pa.

Bago pa ako mainis sakanya ay niyaya ko nalang siya na pumasok na kami para makauwi na din kami.Panigurado naman na ito na ang huli naming pupuntahan ngayon.Pagpasok namin ay bumungad sa amin ang iba't ibang klase ng mga damit.Makikita mo lahat ng mga nakasabit dahil walang masyadong tao.Ang kasama ko na pagpasok namin ay agad nalang ako iniwan sa may entrance at dumiretso na agad sa Men's section.Dahil wala naman akong gagawin dito ay umupo nalang ako sa may waiting area kung saan nandoon sa gilid ang fitting room.Tingin tingin nalang ang kaya kung gawin ngayon dahil wala akong pera,pag maynakita akong magugustuhan ko ay mas mabilis pa ay flash ang pagpikit ng mga mata ko para di ako maakit.

Mula sa kinauupuan ko ay tanaw ko si Kai na pumipili ng damit at nasa tabi niya ang saleslady na mukhang gumaguide sakanya.Mukhang marami na din siyang napipili dahil napupuno na ang cart na nasa gilid niya kung saan doon niya nilalagay lahat ng napipili niya.Dahil na kay Kai ang tingin ko ay hindi ko napansin na may nakaupo na pala sa tabi ko kung hindi niya lang ako tinawag ay hindi ko malalaman.

"Ate Millie"biglang tugon ng katabi ko.Tinignan ko iyon at bumungad sa akin si Pammy na nakangiti sa akin.

(A/N)Kung natatandaan niyo po yung kasama ni Czean nung binisita nila ang Mama ni Millie,At nadatnan sila doon ni Millie.

Nginitian ko din siya"Hello Pammy"tugon ko.

"Bat nandito ka ate?"tanong niya sa akin at tumingin kung saan ako nakatingin kanina.Bigla nalang siyang napangiti ng makita si Kai na inosenteng namimili."Parang alam kuna kung bakit ka nandito"tugon niya na nakatingin parin sakanya.

Hate and Love me[COMPLETED]Where stories live. Discover now