"KDL"pagbabasa ko sa nakasulat pirasong papel na nakalagay sa sobre.Anong meaning nito?Bakit niya ako binigyan nang ganito?
Hindi ko nalang pinansin ang nakasulat at tinago na lang iyon sa bag ko.Baka wala naman talagang ibig sabihin yung mga nakasulat doon.
Pagkalabas ko nang classroom ay dumiretso agad ako sa cafeteria.Iilan nalang din mga estudyante ang naglalakad ngayon dahil lunch time na.Pagdating ko doon ay agad kong hinanap kong saan nakaupo sila Myca.Hindi naman naging matagal ang paghahanap ko dahil mula rito sa kinatatayuan ko ay rinig na rinig ko ang boses ni Myca na nakikipag kwentuhan sa mga kasama niya sa table.Hindi nila ako napansin na papalapit kaya naman nagulat sila nang bigla akong sumulpot.
"Hay,Anak ka nang tatay mo"gulat na sabi ni Myca.
Napatawa naman ako sa sinabi niya.Totoo naman anak nga ako nang tatay ko.Agad akong umupo sa bakanteng upuan na mukhang para saakin dala yun nalang ang walang naka upo at may nakalapag na ding pagkain doon.
"Nakakatouch naman"pabirong sabi ko sa kanila habang papaupo sa upuan na nilaan para sa akin.
"Tss.Talagang sobra lang talaga ang upuan"pagsasabat naman ni Gab na halos hindi nakakain nang ilang araw sa sunod sunod na subo nang pagkain niya.
"Ok"simpleng sabi ko na ngayon ay nilalantakan na din ang pagkain na binili nila sa akin.
"So anong pinag usapan niyo ni Mr.Lorenzo?"tanong ni Myca.
"Mr.Lorenzo?"pabalik na tanong ko sakaniya.
"Yung prof natin kanina.Bago siya umalis kanina ay sinabi niya ang pangalan niya hindi mo narinig?"nakakunot na tanong ni Gab.Wala akong narinig na nagpakilala siya kanina ah.Kung sabagay ay lumulutang ang isip ko kanina dahil sa kulang ang tulog ko.
"Hindi ko narinig"sabi ko sakaniya.Agad naman silang nagtawanan ni Myca.
"Naiwan mo nanaman siguro ang utak mo sa bahay niyo Millie"pabalang na sabi ni Myca na kinatawa naman naming ni Gab.
"Baka nga"patawang sabi ko.
"So mabalik tayo ano nga ang pinag usapan niyo,Halos pagdating namin kanina dito samu't sari na ang naririnig naming chismis"sabi ni Myca habang tinitignan ang kabilang table kong saan nandoon ang mga iba naming kaklaseng babae na grabe ang kati nang dila.
"Wala naman kaming pinag usapan"sabi ko.
"As in wala?"tanong ni Gab.
"Wala"simpleng sagot ko.
Pagkatapos nang usapan na yun ay wala nang nagsalita sa aming tatlo at kumain nalang kami nang kumain.Hanggang matapos ang lunch at pumunta na kami sa next subject namin.
"Nakakapagtaka lang kasi ang sabi niya kanina 19 years old palang siya eh 17 or 18 palang tayo.Hindi malayo ang agwat natin sakanya."paninimula nanaman ni Gab sa usapan.Napakunot noo naman akong tumingin sakanya.
"Sino?"tanong ko.
"Hays!Ano kaba si Mr.Lorenzo"inis na sabi ni Gab.Agad agad namang sumali si Myca sa usapan nang marinig niya na ang pinag uusapan ay si Mr.Lorenzo.
"Oo nga no,tama ka baka nagpapangap lang siya na prof kanina sa atin,pero ok lang naman gwapo naman siya"sabi ni Myca na ngayon ay nagiging puso na ang kanyang mga mata.
"Tss.Baka nakakalimutan muna na hinahabol niya tayo kanina"inis na sabi ko sakanya agad namang nag react si Gab.
"Hinabol nino?Ni Mr.Lorenzo ba?"intregang tanong ni Gab sa amin.
"Wala yun Gab"sabi ni Myca.
Hindi na ako nakisali pa sa usapan nila Gab dahil tungkol lang naman ito kay Mr.Lorenzo.Humaling na humaling sila sakanya pero hindi ko naman sila masisi dahil dalaga na nga kami.Ok lang na makaramdam nang magkaroon nang crush or boyfriend.
YOU ARE READING
Hate and Love me[COMPLETED]
Storie d'amoreAt the age of seventeen Millie Jes Alcantara was living alone in their lonely home. Her parents have a mental health issue that needs intense attention so they are in the hospital. She fully imagined that she would be sad her whole life until she me...