HALM 31

41 20 0
                                    

Nagising ako sa ingay ng batugan kong kuya.Wala pa mang alas sais ng umaga ay ngayon ay gising na ako.Ang himbing pa man din nang pagkakatulog ko.

"Kapatid"sigaw niya na mula sa baba.

"Ano naman kaya ang kailangan niya sa akin,anong oras palang naman."nakangusong tugon ko na nakakamot pa sa batok.Hindi na ako nagabala pang maghimos man lang o kaya naman tumingin sa salamin man lang.Padabog akong bumaba sinadya ko talaga na tutunog ang bawat yapak para naman malaman niyang na naiinis ako.Pagkababa ko ay agad ko siyang hinanap.

"Dito"sigaw niya mula sa likuran ko.Dahan dahan ko siyang tinignan.

"Kailangan mo"nakataas ang isang kilay na tugon ko.

Napatawa naman siya"Umagang umagang kapatid ganyan ang itsura,gusto ko lang naman tanungin kong may pagkain ba tayo jan gutom na gutom na ako"tugon niya na nakahawak pa sa tiyan niya ang dalawa niyang kamay.

Tinignan ko naman siya ngayon nang masama"wala pagkain,naubos na nun pang last week"tugon ko.

"Kung ganun paano ka kumakain?"tanong niya sa akin.

"Sa school na ako kumakain atsaka libre nila Myca"tamad na tugon ko inaantok pa kasi talaga ako yun bang nakatayo kana pero nakapikit ka parin.

Tinignan ko siyang na tumayo at dali daling pumunta sa salamin na nasa gilid ng sofa namin.Inayos ayos niya ang kanyang buhok.Matapos niyang masigurado na maayos na ang kanyang buhok at wala na muta na nakalagay sa mata niya ay ngayon naman ay inayos niya naman ang suot niya.Mukhang maypupuntan itong lalaking ito ah.

"Saan punta mo?"tanong ko sakanya habang nagsusuot nang kanyang sapatos.

Pinagpatuloy niya lang ang ginagawa niya na para bang hindi niya narinig ang sinabi ko.Inirap ko muna siya bago ako umakyat ulit sa taas paniguradong hindi na ako makakatulog nito.Hindi naman siguro masamang maaga akong papasok ngayon.Tumalikod na ako sakanya ay nagsimula nang umakyat.

"Anong gusto mong almusal?"biglang tanong niya sa akin kaya naman napahinto ako sa pagakyat.Taas kilay ko siyang hinarap.

"Bibili ka"tugon ko.

Umiling siya"Hindi maghihinge ako sa kabilang subdivision ng pagkain"tugon niya at naglakad na papunta sa pintuan.Kunot noo ko naman siyang tiningnan saan naman ang kabilang subdivision dito eh ang alam ko ay malayo pa ang susunod dito.At kanino naman siya hihinge.

"Kanino ka hihinge"sigaw kong tanong sakanya nasa labas na kasi siya kaya kailangan kung lakasan ang boses ko.

"Basta hintayin mo ako jan,babalik agad ako na may dala ng almusal natin"sigaw niya.

Hindi ko alam kong ano ang nagyayare sa akin dahil bigla nalang akong napangiti ng marinig ko ang sinabi niya.Ganito ba talaga ang pakiramdam ng may kasama sa bahay hindi ko alam kong paano ko maipaliliwanag pero masaya.Narinig ko na binuhay na niya ang makina nang sasakyan niya kaya naman alam kong papaalis na siya.Nang wala na akong marinig na ingay galing sa labas  ay tinuloy kuna ang pag akyat sa taas para maligo na at maghanda na ng uniform.

Nakaligo na ako,nakasuot na din ang ng uniforme ko at ang hinihintay ko nalang si Kuya Czean na dumating para makapag almusal na ako.Wala pang laman ang tiyan ko kung hindi isang basong tubig lang wala na talaga kaming pagkain kahit na ano.Hindi ko din alam kong kailan darating yung pagrocery nila Tito sa akin.Nasa baba na ako ngayon para hintayin siya dala ko na din ang bag ko para naman hindi na ako aakyat pa mamaya.Kasama ko sa baba si Hotdog na nagngangatngat ng luma kong tsinelas kawawa naman siya pati tuloy siya nagugutom na din.Naghintay pa ako ng ilang oras pero malapit na akong pumasok pero wala parin siya kaya naman napagdesisyunan ko na sa school nalang ako mag almusal gaya dati.Hindi kuna sirado ang pintuan dahil baka pumunta iyon dito kawawa naman kung isasarado ko panigurado din na hindi papasok yung batugan kung kuya na iyon.Pagkarating ko sa gate ay dahan dahan kung binuksan iyon at pagkalabas ko ay tumambad sa akin si Kai na nakatayo habang nakasandal sa sasakyan niya.Plain gray t-shirt na pinaresan ng ripped jeans at black shoes mukhang hindi din siya papasok ngayon.Nginitian niya ako na labas na labas ang ngipin nakakahawa ang ngiting ganyan kaya naman napangiti na din ako sakanya.Lumapit ako sakanya.

Hate and Love me[COMPLETED]Where stories live. Discover now