HALM 39

31 10 0
                                    

*Czean P.O.V*
Halos ilang araw na din simula nang mangyare iyon.Hindi ko lubos na maiisip na mangyayare sa amin at kung sino pa ang naituring kong tatay sa ilang taon.

Nandito kami ngayon sa hospital kahit na ilang araw na din ang nakalipas simula ng manyare iyon.Wala naman nasaktan sa amin lahat kasama na din ang mama at kapatid ni Kai.Pero merong isang tao na mahalaga sa akin ngayon ang nakahiga parin sa hospital bed at walang malay.

Tinitigan ko ang napakainosente niyang mukha,dahan dahan akong lumapit sa kanya para haplosin ang kanyang mukha.

"Hoy!Gumising kana jan,pagluluto mo pa ako ng almusal,tanghalian,atsaka hapunan."malungkot na tugon ko.

Akmang magsasalita ulit sana ako ng bigla nalang may pumasok mula sa pintuan ng kwarto ni Millie.Kaya naman napatigil ako sa pagsasalita at tumingin kung sino ang pumasok.Bumungad sa akin ang mataray niyang mukha habang nakataas ang isa niyang kilay wala talaga maayos na mukha ang isang ito.Padabog siyang pumasok at hinayaan niya lang na nakabukas ang pintuan kaya napilitan akong pumunta sa pintuan para isarado ito.

"Kumusta na siya"mataray na tanong niya.

Tumingin ako sa kanya"Pagkakaalam ko hindi ako ang doktor dito"pilosopo kong tugon sakanya.

"Ewan ko sayo,bakit nagsasayang pa ako ng oras ko"irap na tugon niya at lumapit sa tulog na si Millie.

Naglalakad ako pabalik kung saan ako nakatayo kanina.Dahil nasa kabila siyang ay magkaharap na kami pero na kay Millie ang tingin.Mahinahon na mukha na halos nakangiti lang yan ang gusto kong makita habang naguusap kami pero masyado ata akong hindi gusto ng tadhana dahil hindi niya pa man din ako nakikita,naririnig niya palang ang pangalan ko nakasimangot na agad siya.

"Babae,tumayo ka na diyan at bayaran ang mga utang mo sa amin"inis na tunog ng boses na tugon niya habang dahan dahan na hinahawakan ang kamay ni Millie.

Binaling ko ang tingin ko sa table na malapit sa akin at kinuha doon ang bag ko kung saan nandoon ang wallet ko.Hindi ko alam pero bakit gusto gusto kong nainisin siya lagi.

"Magkano ba ang utang sayo ng kapatid ko sayo ah"pagmamayabang kong tanong sa kanya pero ang totoo ay wala pa akong pera ngayon dahil nakabantay lang ako kay Millie.

"Gusto mo bang pakita ko ang listahan sayo"nakataas na isang kilay na tanong niya.

Tss,tignan mo yan oh ang tanong ko kung magkano hindi ko naman sinabi na ipakita ang listahan.Medyo nakakakilabot pag naririnig ko ang salitang listahan sa kahit anong listahan pa iyan.

"Cge"matapang na tugon ko.

Akmang may kukunin siya sa kanyang bag niya na agad ko naman pinigilan.Baka magulat at mahimatay pa ako.Bigla nalang ako lumabas at mabilis na tumakbo papunta sa labas iyon nalang ang alam kong paraan dahil sa hiya dahil alam naman niya na wala talaga akong pera.

Huminga ako ng malalim at nagpahinga muna sa gilid ng hospital.Hanggang mapagpasyahan ko na pumunta sa lugar kong saan ilang araw ko na din na hindi napupuntahan sa lahat ng mga nangyare dito.Sumakay ako sa Taxi at sinabi sa driver kong saan ako pupunta.

Nagbayad ako at bumaba na para pumunta na kung saan talaga ako pupunta.Diretso lang ang naging lakad ko papunt sa building na iyon.Tanaw na tanaw ko si Mama na nakaupo sa may mahabang upuan malapit sa garden.Payapa siyang nakatingin sa mga halaman habang may mga ngiti,bumubuti na din ang lagay niya at ang sabi ng doktor niya ay ilang buwan nalang ay pwede na siyang lumabas dito.Kung patuloy na bubuti ang lagay niya.

Dahan dahan akong naglakad palapit kay Mama.Hindi ako gumawa ng kahit anong ingay dahil gusto kong surpresahin si Mama ngayon hindi niya alam na papunta akong ngayon dito.

Hate and Love me[COMPLETED]Where stories live. Discover now